“ Ano ka ba Odette! Ang tanga tanga mo naman! Alam mo bang mahal ‘tong damit na binili ko? Punyeta naman oh kabibili ko lang nito bobita ka talaga. ”
It was my mother, hindi ko siya maintindihan kung bakit ang sama sama ng pakikitungo niya sa akin. Naging ganiyan na si mama simula noong nawala nalang bigla sa buhay namin si papa.
Hindi ko alam kung nasaan na si papa ngayon, I want to see him, yell at him why did he left us? Gusto kong hanapin si papa pero paano ko siya hahanapin? Ang bata bata ko pa, anong magagawa ng isang bata na katulad ko?
“ Sorry po mama, hindi ko po sinasadya, ” Bumuntong hininga ito at umalis na sa aking harapan. Pinipigilan ko lang ang luha ko, I don't want her to see me crying again. Papaluin niya ako and it hurts.
Ako ang panganay and I have a little brother named Isaac, I'm just a 12 year old kid who wants to enjoy her life. Palagi kong ipinagdadasal na sana balang araw umuwi ulit si papa dito sa amin, hindi ko maintindihan kung bakit hindi na umuuwi si papa sa amin. Dahil ba malaki na ako, kaya niya kami iniwan? Hindi ko alam, na mi-miss ko na ang papa ko.
Kailan ko kaya mararanasan ang magkaroon ng isang kompleto at masayang pamilya?
Araw-araw akong pinapalo ni mama, kaya araw-araw din akong tumatambay sa bakuran namin. May treehouse katabi lang ng bahay namin, I'm crying dahil masakit sa dibdib ang sitwasyon ko ngayon. Patuloy lang ako sa pag-iyak nang maramdaman ko na may umaakyat sa puno.
Tumayo ako at tinignan,
“ Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?! ” nagulat ito sa pagsigaw ko, “ hoyy chill ka lang, ”
batang babae, I guess we're at the same age. Maganda siya, she had this shy gesture. Ngumiti siya sa akin. Nakaakyat na ang batang babae nang tuluyan sa treehouse ko, tinulungan ko naman siya. Humarap ito sa akin tyaka nagsalita.
“ Hi Odette! I'm Starlen, Star nalang ang itawag mo sa'kin, or anything you want. Bukas kasi ‘yong gate niyo kaya pumasok na rin ako, nakita ko kasing lumabas ‘yong mama mo. So, I took the opportunity to come here! ” nakipag-shake hands pa sa'kin. Sasabihin ko na rin ang pangalan ko, wait what? She knows my name!
“ hey, who told you my name? Ngayon lang tayo nagkita. Tyaka hindi ka pamilyar sa akin, bago ba kayong lipat rito? ” Mahinhin itong tumawa, parang timang.
“ I've met your mother kahapon, tinanong ko siya kung bakit pinapalo ka niya. She answered me, wala raw akong paki-alam kung ano ang gagawin niya sa'yo. And so, dahil makulit ako I asked for your name, I'm curious ‘e and yes! bagong lipat kami rito katabi lang ng bahay niyo. ” she sweetly smiled. Nakakagulat, matapang ba talaga siya?
Uh yung malaking bahay na katatapos lang gawin.
It is their house pala.
“ Why? ” gusto kong maiyak, bakit niya ba ito ginagawa? I can't believe someone will ask for my name, sa mama ko pa niya tinanong.
“ napaka sungit pala ng mother mo ‘no? ah ano, I want you to be my friend. Ayaw ko sa mga bata rito, ang sasama. Well, I guess except you. Let's be friends! ”
__________________________
Since that day it was the start of our friendship, ngayong highschool na kami magkaibigan parin kami. Kaya nga lang nadagdagan kami ng dalawa, si Brigit at Gillian.
Senior High students na rin pala kami, graduating na rin sa grade 12.
“ Bogo man ning lakiha, niagi man hinuon sa akong atubangan. kadako'g space sa agianan ah, hapit nuon ko matumba! patagad. ” (bobo naman ng lalaking 'to, sa harapan ko napiling dumaan. Ang laki nga ng space nitong daraanan, malapit pa akong matumba! papansin. )
YOU ARE READING
The Wandered Life Of Odette
RomanceOdette had been through a lot, since she was a child she yearns for a father's love and yet it was not given to her. This is the voyage of Maria Odette T. Maia. @All Rights Reserved.