"Are you ready na ba?" Maarteng tanong pa sa'kin ng aking kaibigan. Nginiwian ko lang siya kaya natawa siya.
"'Wag mo na ngang inaasar 'tong teacher natin." Pagtatanggol naman ng isa ko pang kaibigan.
Parehas ko lang silang nginiwian. "Pero seryoso? Handa ka na ba?" Ano 'to mala Rated K, Sila na ba si Korina Sanchez. Handa ka na ba? (A/N: Handa na ba kayo 'yun te)
"Bakit halimaw ba ang pupuntahan ko sa loob niyan?" Sarkastikong sagot ko.
"Pero pa'no nga kung tama sila?" Wika ulit ng isang kani-kanina lang ay nang aasar pa sa'kin.
I released a heavy sigh. "Bigat no'n ah? Ituloy pa ba natin?" Pag puna niya ulit sa'kin. Siya si Venice, Ven kung tawagin namin. She's my childhood bestfriend.
"Nandito na tayo alangan namang umatras pa." Sagot naman ni Faye, Isa rin sa mga kaibigan ko.
"Eh ang tanong nga kaya ba nitong bruha'ng 'to?" At ang huli si Yska. Kaibigan ko rin na madalas kong kabangayan.
Napahinga ulit ako ng malalim habang nakatingin sa room ng classroom ng crush ko. Valentines day ngayon at balak ko siyang bigyan ng flowers, Oo babae ako pero ako pa ang mag iinsist na bigyan ng bulaklak ang isang lalaki. Pake niyo ba?
"Bilisan mo na, Ali." Wika ni Venice at tinulak pa 'ko ng marahan.
Napatingin ako sa tig bebenteng plastik na bulaklak na nilagyan ko lang ng pabango, Tatanggapin niya kaya?
Pipitad na sana ako patungo sa pintuan ng classroom nila ng biglang may sumagi sa balikat ko. Aray ha.
"Oh, I'm Sorry." Maarteng saad nung babaeng nakabunggo sa'kin. Isa siya sa mga section one na ambabango tignan. Maganda rin at matalino section one nga e. Ngumiti nalang ako ng marahan sakaniya at tumango para malaman niyang ayos lang sa'kin. Kung tutuusin ako pa dapat humingi ng tawad kasi nadumihan ko 'yung uniform niya. Iba talaga mga tingin sa section 1.
"Hoy si Gia 'yun 'di ba?" Tanong ni Faye.
"Back out na Ali." Parang biglang nawalan naman ng pag asa si Venice habang nakatingin sa loob ng classroom ng crush ko.
"Ha anong--" Hindi ko na rin natapos pa 'yung sasabihin ko nang makita ko si Gia, at yung crush kong magkausap. May hawak na bulaklak si Gia. Tama nga sila.
Kahit na hindi ko nakita alam kong galing yun kay Hans, Sa crush ko. Sakit!
"Oh e pa'no ba 'yan, Wala ka nang laban diyan si Hans pa mismo nagbigay." Muli akong bumuntong hininga at tinago na lamang sa likod ko ang bulaklak na dala dala ko. Bigla akong nilamon ng kahihiyan.
"Hayaan mo na 'yan, Kain nalang tayo mamaya." Pag alo naman sa'kin ni Faye, atsaka niya 'ko inakbayan.
Muli kong sinulyapan si Gia at Hans na nag uusap habang nakislap sa tuwa ang kanilang mga mata. Wala nga 'kong laban kay Gia.
Naglakad na kami papalayo sa classroom nila Hans pero dala ko naman ang bigat sa kaloob-looban ko. 2 years ko ng crush si Hans pero ngayon ko lang binalak na mag confess sakaniya, Tapos mukha namang nag confess na rin siya kay Gia.
Nakayuko lang ako habang nag lalakad at 'di ko na namalayang may nabunggo nanaman ako. Matangkad siya kaya nauntog ako sa may dibdib niya.
Nang iangat ko ang ulo ko nakita ko siya, "Tabi." Sabi niya sa'kin. Pero masiyado akong napatanga sakaniya kaya hindi ko nasunod ang sinabi niya.

BINABASA MO ANG
In The Middle Of Rainbow
Teen FictionWhen the doors close for you. There you will not think that there is a door different from everyone else that will automatically open for you. But you are full of doubt in stepping into it. Will she enter through that door? Or wait for another door...