Isla
"Isla!"
"What?!" Inis kong tanong kay Eleanor na kanina pa binubulabog ang tulog ko.
Ang ganda na ng panaginip ko eh! Panira naman kasi itong si Elea. Kung kailan malapit na kami magkiss ni Ma'am tsaka niya ako ginising, hindi ba p'wedeng pinatapos niya muna kami.
"Bumangon ka na diyan ano ba! Kanina pa kami naghihintay ni Sierra at nababagot na ung isa sa baba. Mukha ka ring tanga nakanguso sa unan mong gaga ka!" Mahabang litanya nito sa may gilid ng kama ko.
Shuta naman kasi! Linggo na linggo nang iistorbo sila ng buhay ng may buhay eh!
Buti nalang talaga at natapos ang research namin ng isang araw lang para makapagpahinga ng linggo pero hindi ata para sa akin ang salitang pahinga kung may ganito kang kaibigan!
Natapos rin naman agad nakapagstart naman na sila before sila pumunta sa bahay, we divided the parts at pinolish lang namin kahapon kaya natapos agad. Wala rin namang grammar incorrect or nadetect na ai dahil if ever na madetect na gawa 'yon ng ai talagang susugurin ko si Ma'am if ever.
"What do you want?!" Naasar kong tanong habang inaayos ang kama ko at masama ang timpla ng mukha na binalingan ko siya ng tingin.
Inirapan lang ako nito at nagkibit balikat bago lumabas ng kwarto ko.
Pashnea talaga ang babaitang 'to. Ano ba nagustuhan ni Miss Dela Costa diyan, e ang pangit pangit.
Pagkatapos kong ayusin ang kama ko ng may sama ng loob eh pumunta ako sa banyo para gawin ang mga ritwal ko kada umaga.
Pagkababa ko ay nakita ko silang nasa kusina naghahalungkat ng makakain nila. Ang kakapal nga naman ng mukha! Wow ha?
"Ano ba kailangan niyo?" Tanong ko pagkaupo sa may gitna ng hapag kainan. Tiningnan naman ako ni Sierra ng malamig na tingin. Taena talaga.
"Gagala tayo mare ano ba. Ilang araw na tayong walang gala." Eleanor said.
"Tinatamad akong gumala gusto ko lang matulog!" Himutok ko at balak sana ilagay ang ulo sa lamesa pero sinapok ako ni Sierra at pinanlakihan ng mata. Shuta na yan.
"Nah, hindi p'wedeng tatamad tamad. Aalis tayo sa ayaw o sa gusto mo."
Napahilamos naman ako ng mukha sa inis dahil sa kanila.
"Where's Yanna by the way?" Pagkuwan tanong ko nang mapansin na wala ung isang kumag.
Binigyan naman ako ni Elea ng gatas at pancake na ginawa niya.
"Thanks."
"Nasa Greece ang gaga. Pinapauwi ng Lola." Si Elea ang sumagot dahil wala atang balak na sagutin ni Sierra ang mga tanong ko. Puro basa ang inaatupag kahit umaga pambihira.
"Baka binugaw na un ng Lola niya sa isang greek pftttt" natatawang sabi ko sa kanila na siyang kinabungisngis ni Eleanor habang si Sierra ay dedma ang cuteness ko. Talaga naman oh.
"Saan ba tayo gagala?" Dagdag ko.
"Mall lang." Simpleng sagot ni Sierra at sumimsim sa kape. Tsk! Kape na naman.
"Mall lang pala eh! Iwan niyo ko!" Angil ko sa kanila.
"Nope. One for all, all for one. Walang iwanan. Walang magpapahinga ng linggo." Parang tanga naman kasi eh Idadamay pa ako sa walang pahinga nila.
"Bakit hindi ka nalang du'n sa asawa mo ha? Ta's ikaw Sierra icey tumambay ka nalang sa library niyo. Shuta huwag niyo akong Idamay dahil broken ako ngayon okay?!" Naiinis kong satsat sa kanila. I'm tired mentally and physically for Pete's sake. Kung hindi ko lang kaibigan itong mga 'to pinatapon ko na sa Mariana Trench!
YOU ARE READING
Marry me, Attorney (UNDER REVISION)
FanfictionMare Series Two [GXG] StudentxTeacher She's my Professor I adore but I'm just her mere student. Beg. Blood scattered. Does love can kill? DATE STARTED: 1/13/22 DATE FINISHED: 2/27/22 DISCLAIMER : CREDITS TO THE OWNER [COMPLETED]