Ako ay may hangad, sa aking puso na,
Hiling sa Maykapal, matutupad sana,
Tapat na kaybigan, ang aking kaylangan,
Pag di napagbigyan, puso'y masasaktan.
Tapat na kaybigan, sana'y makapiling,
Koy maintindihan, yan ang aking hiling,
Handa kong ibigay, ang iyong kaylangan,
Kaybigang dadamay, magpakailanpaman.
Ako'y may kaybigan, tapat na kaybigan,
Anumang mangyari, sya'y laging kaybigan,
Tapat na kaybigan, hindi ka sasaktan,
Pag-ibig nagtibay, sa pagkakaybigan.
Sa ligaya't dusa, handa kung ibigay,
Sa lungkot at saya, lahat ibibigay,
Pag sa aking piling, kaybigang matalik,
Di makakailing, ika'y mananabik.
Pag ako'y kailangan, sa talim kakapit,
Agad akong nandyan, buhay man kapalit,
Aalagan ka, ibibigay sayo,
Kahit buhay ko man, alang-alang sayo.
BINABASA MO ANG
Tapat Na Kaibigan
PoetryThis is dedicated to my friends... .. ... .... ..... and closefriends