Minsan nagmamahal ka ng hindi mo alam, natutunan mo siyang mahalin at higit sa lahat naging parte na
siya ng buhay mo.
January 15 , 2013 ( 3pm)
Habang naka upo ako sa may bench ng school namin napa isip ako bigla
Kung sakaling hindi ko siya pinakawalan magiging ganito ba buhay ko?
Yung buhay na mas nakikilala ko ang sariling ako.
Ako si Iya Castillo ang nagmamahal ng lubos kay Ariel dela Pena.
Isang third year Computer Engineering student .
3 years ago........( fourth year highschool)
Sa unang pagkikita namin alam kong mahal ko na siya. Kahit sabihin pa nila puppy love lang
yun pero para sa akin siya na " one true love" ko. Nasa top section ako at siya nasa 8th section
kaya medyo magkalapit lang kami ng linya sa tuwing Flag raising cermony tuwing umaga.
Pasulyap-sulyap ako lagi sa kanya hindi ko maiwasan na hindi siya matitigan minsan nga
nagtatatama ang mga mata namin at napamula ako.
Sa hindi inaasahang panahon nagka-usap kami sa may paradahan ng mga motor sa school.
Pareho kaming may motor kaya sinasadya ko laging pagtabihin ang mga motor namin.
Naiinis ako nung panahon na yun dahil hindi makalabas ang motor ko dahil may nakaharang.
Nabigla ako nang may bigla kumuha ng susi sa kamay ko.....
Si Ariel dela Pena ang lalaking pinakamamahal ko......
"Ang ingay mo naman karne, sambit niya
"Maingay pa ako ngayon ha , pasungit kong sagot sa kanya
" Welcome ha" sabi niya sa akin
Pagkatapos niyang ibigay sa akin yung susi agad naman siyang umalis kahit hindi kami ganu
nagka- usap pakiramdam ko parang buong taon kami nag-usap.
Simula nun lagi na kami nagbabangayan kaya pakiramdam ko tuloy na may gusto siya sa akin
dahil sa isang kasabihan
" the more you hate the more you love"
July 8, 2009 (10:18am)
Habang papunta ako sa canteen may biglang sumabay sa akin
Si Jeff Tamayo pala schoolmate ko.
" Iya, tara libre kita. - Jeff
"Ah eh,nakakahiya naman sayo.Salamat nalang. - ako
" Sige sabay nalang tayong kumain. Jeff
Habang kumakain kami bigla niya akong tinanong
" kayo na ba ni Ariel?" - Jeff