Chapter 140

374 12 7
                                    

Still Wisky PoV

"Damm. Sobrang tapang niya." rinig kong saad ni Rhay habang nakatingin kay Rhianna na wala man lang exspression na makikita sa kanyang mukha.

Matagal na. Matagal na siyang matapang.

"My sister." I heard his said.

Napangisi na lang ako habang nanonood sa kanila, kung papaano maging mabilis ang mga pangyayari dahil sa ginawa ni Rhianna ng walang kahirap-hirap man lang para mapaluhod si Krissiya na  nagmamatapang tapangan.

"Hinahanap kayo ni Lola." saad nang kapatid ko para mapalingon kami sa kanya.

"I think... they know my plan." saad ko habang nakangisi.

"Pumunta na lang kayo do'n." saad niya naman sa mababang boses na agad naman namin na sinunod dahil ang ganda pa naman ng eksena na pinanonood namin.

Istorbo.

"What?" walang hiyang bungad ko sa kanila para mag-angat sila sa akin ng mga tingin at inaasahan ko na matalim na tingin ang matatanggap ko sakanila.

"We know your plan Wisky at huwag mo ng subukan-"

"Ow, as if may magagawa kayo para pigilan ang plano ko?" hamon ko sa kanila.

Napangisi na lang ako lalo dahil sa exspression ng kanilang mga mukha na hindi maipinta kung ano nga ba ang meron na kanina ay matatalim habang nakatingin sa akin.

"Wisky, kahit ngayon lang ay makisama ka muna sa amin." pakiusap nang Tita kong mabait, sa lahat nang mga Tita ko.

"Well, for you Tita gagawin ko." saad ko na lang para matapos na ito.

Napalingon naman ako kay Tita Crissela na nasa malaking salamin kung saan makikita kung anong nangyayari sa ibaba.

I saw her crying habang nakatingin sa anak niyang nakikipaglaban sa mga taong dapat niyang kalabanin pero duwag siya para gawin at hinayaan na ang anak niya ang magdusa at lumaban para lang sa kaduwagan niya,

BOGHS

BOOM

BOGHS

BOOM

Sabay-sabay silang mga napatayo at mga nagsipaghanda habang ang iba ay mga napayuko dahil sa sunod-sunod na pagsabog na narinig namin sa hindi kalayuan sa pwesto namin.

"What is that?" we asked to each other.

"Ilayo mo si Kyla." utos ko kay David na tinanguan niya naman at mabilis na iginaya si Kyla papalayo dito.

Bakit ba kasi nandito si Kyla? Alam naman ng buntis tapos isasama pa dito.

Isa pa din 'to sa dapat naming pag-usapan pagkatapos ng lahat ng ito dahil hindi ako papayag na gano'n na lang.

Like, biglaan na mangyari. Biglaan na malalaman namin na buntis na siya.

Tarantadong, Terrence din kasi.

Sinabing bantayan lang, hindi sinabing buntisin. May asawa na nga ang gago, hindi pa nakuntento. Sarap alisan ng bayag.

Humanda din sa akin ang lalaking 'to dahil hindi ko siya palalagpasin sa ginawa niyang 'yan kay Kyla tapos hindi pananagutan.

Ang hayop din.

"Crissela!" sabay-sabay na sigaw nila kay Tita na tumatakbo papalayo sa amin na hindi sila pinapansin dahil tuloy-tuloy lang sa pagtakbo hanggang sa makita namin na nasa ibaba na siya kung saan pinigilan niya si Jaime sa tangkang pagputok ng baril sa nakaluhod na si Rhianna.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now