Dedicated to Classy. Thank you sm!:)))
Dapat ay nasa trabaho ako ngayon. Pero.. ayaw ko namang hindi masaksihan ang pinaka-espesyal na araw nang lalaking mahal ko.May mga ngiti sa kanilang labi, at halatang inaasahan nila itong lahat.
Dapat masaya ako. Para sa kanya. Pero, baliktad ang nararamdaman ko. Sakit at panghihinayang. Syempre, sino ba namang nanaisin na makita ang lalaking mahal mo, na ikinakasal sa iba. At panghihinayang. Na sana ay pinaglaban ko siya, na sana ay ubusin ko ang mga nalalabi kong panahon at oras para makasama siya. Para mahalin siya. Pero, ayaw ko namang maging selfish. Ayaw ko siyang ikulong sa mga ala-ala ko. Ayaw ko siyang mag-dusa dahil nawala ako. Gusto ko siyang maging masaya.. dahil yon nalang ang hangarin ko sa buhay ko ngayon.
Maya-maya lang ay may isang itim na kotseng dumating. May bulaklak sa harapan nito at nakadesenyong pang-kasal. Ilang segundo lang ang lumipas ng lumabas ang babaeng nakaputing bestida. May bulaklak na hawak, at may maaliwalas na ngiti.
Nadia Balbuesca. Sa pagraan ng panahon, nakilala ko siyang kasintahan ni Din. A fine and nice woman. A perfect match for Din.
Mapait akong napangiti. Pathetic. Alam kong nasasaktang ako, pero nagawa ko pang purihin silang dalawa.
Binati siya ng mga tao at buong ngiti niya naman silang binati pabalik.
Pagkatapos ay pumasok na sila ng simbahan. Siguro ay para maghanda na sa kasal.
Honestly, kanina ko pa hinahanap si Din. Inaasahan kong nasa labas siya, para hintayin si Nadia, pero wala. Di kaya.. No! Napaka-imposible naman ang naiisip ko. Magpapakasal silang dalawa ngayong araw na ito. Siguro ay nasa loob lang siya ng simbahan. Naghahanda rin. Nagiging desperada ako sa naiisip eh.
Nagulat nalang ako ng may tumikhim nalang sa likuran ko. Agad ko itong nilingon, at nasalubong ang malalamig na titig ni.. Din.
Lihim kong pinag-masdan ang kabuoan niya. Nakasuot siya ng baro. Ang buong niya ay maayos paring tingnan katulad ng dati. At halatang.. magpapakasal.
"D-din.." Mahinang tawag ko sa kanya.
Pilit kong sinalubong ang malalamig niyang titig, kahit na nanghihina ako sa mga ito.
"What are you doing here?" He asked in a cold tone. For a first time in my life, ngayon ko lang siya narinig na ganito magsalita. Dahil ang tunog ng boses niya nuon ay laging mahinahon at malambing. Lalo na kapag kausap ako. Well, what do I exprect? I hurt him. Iniwan at pinakawalan ko siya nang hindi man lang sinasabi ang dahilan.
"G-gusto ko lang makita kang k-kinakasal." Mahinang wika ko.
Pero nagulat ako ng tumawa siya nang malakas na parang may sinabi akong nakakatawa. Halatang nang-uuyam ang mga ito. Maya-maya ay tumigil itong tumawa, at sakastik na ngumiti saakin.
"Hindi kita kailangan dito. Umalis ka nalang." Wika niya, dahilan para mabasag ang puso ko.
Ang dibdib ko parang sinuntok at ang mga mata ko ay humahapdi na. Ang mga luha ay nagbabanta naring bumagsak. Kaya bago niya pa makita akong nasasaktan ay yumuko na ako.
Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga. Pero.. kasalanan ko naman eh. Sinaktan ko siya, nang hindi sinasabi ang totoong dahilan. Sinaktan ko siya at sinira ang pagkakaibigang binuo namin bago kami nagmahalan. Ako ang sumira nang lahat, kaya deserve ko ito. Dapat lang saakin ang masaktan, nang paulit-ulit. Ang ipamukha na kasalan ko talaga. Na nagkamali ako.
Maya-maya ay narinig ko siyang naglakad papalapit saakin. Nakayuko parin ako. Ang lakas na inipon ko simula nang malaman kong magpapakasal na siya, ay biglang naglaho na parang bula. Nahihiya ako, sa kanya at sa sarili ko.
Huminto siya sa tapat ko. Naamoy ko naman ang hindi pamilyar na pabango niya. Lihim akong mapait na napangiti. Parang.. halos sa kanya ay nagbago lahat.
"I don't wanna see your face again. Ever again. I want you gone." Wika niya, bago nagpatuloy sa pag-lalakad at binangga ang balikat ko.
Muntik pa akong matumba, buti nalang ay nakayanan ko. Kahit na nanghihina na ang mga paa ko, ay nagawa ko paring makatayo nang mabuti hanggang sa makaalis siya.
"Honey! Kanina pa kita hinahanap. We're havr you been?" Kahit sa malayo ay alam kong boses iyon ni Nadia.
"May inayos lang ako." He said. Ang malamig niyang boses kanina saakin ay malambing na ngayon. Oo nga pala, si Nadia ang kausap niya.
"And what is it? Care to tell me?" May awtoridad sa boses nito.
Narinig ko naman ang tawa ni Din.
"Wala iyo. Walang kuwenta ang bagay na yon'." He said.
Parang nabingi ako sa narinig. Umalis na sila pagkaalis nang usapan na iyon, at nagpunta na sa simbahan. Pero ako, nakatulala at maya-maya lang ay napaupo ng marahas sa lupa.
Ang turing niya saakin ay isang bagay na.. walang kuwenta? Oo nga naman, wala na akong kuwenta sa kanya. Ang pakiramdam ko ay hindi na mahalaga pa sa kanya. Hindi na..
Ang panibagong mga luha ay agad tumulo sa mga mata ko. Umihip ang malamig na hangin. Tila nagdadalamhati rin sa naramdaman ko.
Sobrang sakit pala. Sobrang sakit na ang taong pinahalagahan mo, ay siya mismo magsasabi sa'yo ng mga bagay na ayaw mo marinig. Mga masasakit na salita, na dudurog sa puso mo.
Ang Raiden Montero na kaibigan, at nag-iisang lalaking minahal ko, ay gusto akong hindi na makita pa.. at mawala.
Ang mga pinag-samahan namin ay lahat nawala. Lahat namg iyon ay sinira ko, sa isang iglap lang.
Fuck this cancer. I want to live. Pero, para saan pa? Nagpakasal na siya sa iba. At higit sa lahat, masaya na siya. Masaya na siyang.. wala ako.
Pero, sa lahat nang iyon. Alam kong mahal ko parin siya. Oo, alam kong manhid na ako sa lagay na ito. Pero, siya nalang ang dahilan kung bakit ako lumalaban, at pilit na nabubuhay. Ngayon ay ayaw niya narin akong makita.. at gusto na akong mawala.
Mapait akong napangiti nang may maalala. Soon, my love. Mawawala rin ako.. pero sana, maalala mo ako.
-----------------------------------
Dear, My Raiden..
I know that it's been a month since you last saw me. I heard that you and Nadia are gonna have a baby. I'm happy for you, I'm really am I. You know, you're my only one friend in this entire world, kaya mahalaga talaga saakin na malaman ang kuwento nang buhay mo.
Ngayon, sa sulat na ito, gusto kong sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa iyon noon. Wait, natatawa ako. Ngayon ko lang pala sasabihin sa iyo ang dahilan, at sa sulat pa talaga. But, anyways. Yes, may sakit ako. Alam mo, nung nalaman kong nahawa pala ako sa magulang ko, nasaktan ako. Gusto ko nga siyang sisihin eh, pero hindi. Dahil siya parin ang nagdala saakin sa mundong ito.
Ayaw kong masaktan ka ng sobra, pag nawala ako. Kaya kita pinakawalan para sumayo. Oh, tingnan mo, tama ako diba? Magkakaroon na nga kayo ng baby ni Nadia. Ipangalan mo saakin ang baby nyo ah, last wish ko na sayo. Kahit alam kong galit ka saakin.
Nung araw ng kasal mo, hiniling mong mawala ako. At.. nangyari na nga iyon. Kung nababasa mo ito, paniguradong wala na ako sa mundong ito. Pero, wala kang kasalanan, ha? Yung cancer ang may kasalanan.
Din, mahal kita. Ang mga natitira kong oras at panahon ay ibinuhos ko sa pagmamahal ko sa iyo, kahit.. alam ko na galit ka saakin.
My Raiden, ayaw kong malungkot ka pag-nabasa mo ito, ha? Ang kasiyahan mo pa naman ang laging hangad ko. Wag kang iiyak ha? At wag kang malulungkot. Mahal at mamahalin kita, kahit na wala na ako.
I love you so much more, My Din. Goodbye.
Lovingly wrote, Maria Hannah Velasquez.
YOU ARE READING
That little One
סיפור קצרWe all know that the sun and the moon can't meet at the same place and time right? So are we. NOTE: Lahat po ng chapters rito ay collection ko nang mga one shot stories na sinusulat ko lang pag nasa mood ako. May mga happy endings naman, pero most o...