(Flashback)
"Find her no matter what!" He shouted desperately like his life will depend on what will happen after this day.
Adam trembled and almost felt his knees on the ground. He punched his thick tempered glass office table that broke into pieces. He felt some liquid on his fist, it was blood. He felt the pain from it, pero hindi iyon maikukumpara sa sakit na nararamdaman ng kanyang dibdib. Tila mababaliw na siya sa kaba at takot. Hindi pa siya nakakapatay ng tao pero kung sinuman ang gumawa nito kay Anna ay mapapatay talaga niya!
He gritted his teeth. Bumaba siya ng building at nakasunod sa kanya ang sekretarya.
HE WAITED and waited for an update pero wala pa rin. He punched the driving wheel of his car sa inis. Napaigtad naman ang kanyang sekretarya dahil doon. Pinagsabihan siya nitong huminahon muna at maghintay dahil walang maidudulot ang poot sa mga oras na iyon. Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok.
Gustuhin man niyang iligtas si Anna ay hindi niya alam kung papaano maliban sa patuloy na paghahanap kung nasaan na ito ngayon sa tulong ng kanyang mga tauhan.
"ANNA..." tanging nasambit niya habang malungkot na tinitingnan ang singsing na kanina'y magiliw niyang tinititigan at iniisip ang pinakamamahal niyang si Anna.
Please make her safe.. pabulong na dasal ni Adam habang nakapikit at nakasandal ang ulo sa driving wheel. He knows none but someone divine can only save Anna at the moment.
WHERE could she be?
His heart pounded crazily. Ikakamatay niya ang paghihintay lamang sa balita patungkol kay Anna!
Every second is crucial in saving Anna's life kaya nang tuluyang mainip ay pinaandar na ni Adam ang kanyang sasakyan leaving Mr. Ma on the road while talking to someone seriously on the phone.
Nagulat ito at hinabol pa ang kanyang sasakyan ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi na niya ito nilingon pa. Kung saan man siya dalhin ng kanyang paghahanap ay hindi niya hahayaang mapahamak kung saka-sakali ang kanyang sekretarya.
Mr. Ma is his friend outside work and his alcohol buddy. He might not be wanting to be close to anyone due to trauma regarding friendships, ngunit magmula nang pumanaw ang kanyang ama ay ito na ang naging father figure niya. Marahil ay dahil sa sobrang pagmamahal nito sa pamilya at dedikasyon nito sa trabaho na siyang kahanga-hangang taglay nito. Higit sa lahat, tunay itong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
"WE found them!" Nabuhayan ng loob ni Adam sa narinig mula sa kanyang tauhan at agad siyang nagtungo sa sinabing lokasyon ng umano'y kinalalagyan ni Anna.
Sa tapat ng isang di kilalang hotel siya huminto at dali-daling pinarada ang kanyang mamahaling sasakyan. Nakita niyang nagsisitakbuhan palabas ang mga trabahante at customers ng hotel dahil sa gulo habang nakikipagbugbugan sa mismong entrance ng hotel ang mga di kilalang lalaki at ang kanyang mga tauhan. Umiwas-iwas siya sa mga ito at agad na tinungo ang Room number na kinaroroonan ni Anna sa pamamagitan ng emergency exit ng hotel dahil sira ang elevator nito.
Halos liparin niya ang 5th floor ng hotel sa pagtakbo at nang marating ang mismong floor, nagtaka siya nang hindi makakita ng ni isang tauhan niya sa labas ng kwartong kinaroroonan umano kay Anna.
HINIHINGAL niyang binuksan ang pinto at natakot para kay Anna nang agad na sumalubong ang isang pamilyar na mapanghalinang pabango na nagmumula mismo sa loob kwarto.
Pamilyar siya sa sabog ng amoy na iyon dahil minsan na rin siyang pinagtangkaang gamitan nito ng mga nagbabalak na maging business partners niya sa pamamagitan ng pagsuhol ng mga babae sa kam*.
Mabuti na lamang at nakapag-isip agad siya bago tuluyang bumigay sa tawag ng laman at naligo sa maginaw na tubig na siya ring lunas upang matigil ang sariling pagnanasa . Mula noon, hindi na siya kailanman tumatanggap ng business partnership mula sa mga umaalok ng ganito sa kanya.
MISTULANG pabango sa kwarto ang dating ng amoy ngunit pang-akit pala o pampagana sa kam* at ang sinumang makasinghot nito ay siguradong mauuhaw at hindi makapagpipigil na makipagtal**.
Agad siyang nagtakip ng ilong gamit ang kanyang long sleeve na malapit sa kanyang pulsuhan at tuluyang pinasok ang malawak na kwarto at hinanap ng mga mata si Anna.
"Maawa na po kayo sa akin. Wala po akong kasalanan sa inyo, Please..." hagulhol ng kaawa-awang si Anna na na-corner ng mga kalalakihan sa loob mismo ng main room ng kwarto. Halos nagkapunit-punit na ang damit nito habang nakatakip ang mga kamay sa bandang dibdib bilang proteksyon sa mga halos nakahubo't hubad na mga lalaking nakapalibot na kung makatingin sa dalaga ay napamanyak.
Halos patayin ni Adam sa bugbog dahil sa sobrang galit ang anim na di kilalang kalalakihan maging ang lima niyang tauhan dahil sa ginawa nilang kababuyan kay Anna.
Nang matapos niyang pagbubugbogin lahat ay tinungo niya si Anna ngunit hindi pa rin nawawala ang takot nito sa mukha at patuloy pa rin itong umiiyak na para bang hindi siya kilala nito.
Napaluha si Adam, at tila ba kinuyom ang kanyang puso sa sinapit ng kanyang pinakamamahal na babae. Hindi niya ito nilapitan ng husto dahil bakas pa sa mukha ng dalaga ang shock at trauma sa nangyari.
"M-maawa na po kayo... P-pakawalan n'yo na po ako. Wag n'yo kong patayin please." pagmamakaawa ni Anna habang nanginginig na kinakapa-kapa ang sementong pader na sinasandalan nito na parang gusto nitong tumakas sa kanya. Takot na takot siyang tinitingnan nito na para bang anumang sandali ay papatayin niya ito.
What happened to my Anna? tanong ni Adam sa sarili.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...