(Flashback)
Wala nang sasakit pa sa nasasaksihan ni Adam ngayon. Napaluhod na lamang siya at napaiyak ng husto. Hindi niya lubos maisip na may gagawa ng ganito sa pinakamahal niya.
"I'm sorry, Anna. It's my fault. Di kita nahanap agad. Di kita naprotektahan. I'm sorry. Hindi na sana nangyari ito kundi dahil sa'kin." Hagulhol ni Adam.
Maya-maya'y nakaramdam siya ng pagkahilo na hula niya ay dahil sa halimuyak na nangingibabaw pa rin sa kwarto.
Pilit niyang tinalasan ang pakiramdam upang hindi madala sa nakahahalinang amoy na ito. Hindi ngayon ang tamang oras upang magpadala siya sa nararamdaman lalo na sa sitwasyon ngayon ni Anna. Sinampal niya ang sarili upang manatiling gising at di madala sa amoy.
"A-Adam? Ikaw ba yan?" Sa wakas ay pagkilala ni Anna sa boses ng nagsalita.
"Anna... my love." Tumayo siya at niyakap ng mahigpit si Anna, parang nabunutan ng ilang libong karayum ang kanyang puso sa nangyari.
"Shhhh. I'm here, I'm here. I love you, Anna. I won't let anyone hurt you. I will protect you with my life from now on. I'm so sorry for what happened." Pag-comfort niya kay Anna habang patuloy itong umiiyak sa kanyang dibdib.
Maya-maya'y inangat ni Anna ang maamo nitong mukha at napatitig si Adam sa nangungusap nitong mga mata. Nang mapansin ni Adam ang nakaawang nitong mamula-mulang mga labi ay hindi na niya napigilan pa ang sarili at ginawaran ng mapupusok na mga halik si Anna. Halos ikabaliw niya sa tuwa nang tinugunan naman ito ng dalaga. Mapupusok, nakakapaso at naghahanap na mga halik.
Humihingal silang huminto para makahinga nang maalala ni Adam na baka epekto lamang ng halimuyak sa kwarto ang pagtugon ni Anna sa kanyang mga halik. Napakasaya ni Adam sa mga oras na iyon pero kailangan niyang harapin ang katotohanan at ayaw niyang pangunahan ang nararamdaman ni Anna. Handa siyang maghintay sa dalaga hanggang sa matanggap siya nito ng kusa.
Nakapikit pa rin si Anna habang naghahabol ng hininga. Tinitigan niya ito ng husto at nakangiti saka niya ito niyakap ng mahigpit. "I'll wait 'til you're really ready. Not here, not in your state right now but soon. I'll always be yours, my love."
Alam ni Adam na pag nagpadala sila sa tawag ng damdamin at udyok ng halimuyak na nangingibabaw sa kwarto ay baka pagsisihan lamang ito ni Anna lalo na't hindi pa siya pormal na sinasagot nito at lalong dahil kakaranas lang ni Anna ng isang nakaka-traumang pangyayari.
Gusto niyang respetuhin ang pagkababae ng pinakamamahal niya kahit pa ito mismo ang mag-aya sa kanya lalo na sa sitwasyon nila ngayon. Kung darating man ang araw na aangkinin niya ito, gusto niyang nasa tamang pagkakataon at kundisyon sila, kahit pa lihim din niyang hinihiling na sana'y hindi siya paghintayin ng matagal. Na sana'y tugunan din ni Anna ang kanyang pagmamahal.
"A-Adam h-hindi ako k-komportable. P-parang gusto kong..." tila nahihiyang saad ni Anna sa kanya ngunit sapat na upang marinig ito.
Mga salitang nagpainit ng husto sa buo niyang katawan at tigasan pa ng husto. Sa totoo lang ay kaunting-kaunti na lamang at bibigay na siya sa nararamdaman at baka angkinin niya si Anna ng 'di oras.
Napalunok siya saka pinakalma ang sarili. He sighed and said, "I-I k-know.. You just don't know h-how much I also wanted to do it too but not now, my love. Tsaka baka abutan tayo dito ng mga pulis at ng ibang tao." halos mabulol siya sa kaba.
Hindi niya mapigilang mapatitig sa mamula-mulang pisngi ni Anna at mga mata nitong nakakaakit.
Wow. She's really intoxicated with the smell and so is he and it feeds his Lust for her body. He thought. How will he escape from her seductive look?
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...