Prologue

235 7 0
                                    

START.

Bata palang ako nung ako ay mamulat sa katotohanan. Kung paano gumalaw ang mundo at ang buhay. Mapa-tao man o kagaya namin. Mahirap. Walang pinagkaiba. May kaya man o wala.

Life doesn't go the way you wanted it. Gaya ng mundong ating ginagalawan, patuloy lang itong umiikot sa paraang gusto nito at wala tayong magagawa roon. Ah, meron pala. Ang tanggapin nalang iyon. But still, wala pa rin tayong choice.

"Pasensya na, hija... Ito lang talaga ang maitutulong ko. Gipit rin ako, e."

Tumango ako kay Manay Corazon at tipid na ngumiti.

"Ayos lang po, Manay. Malaking–" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang aking Lolo sa likod niya.

"Coring! Puta, 'di ba sabi ko sa'yong palayasin mo na ang batang iyan?"

"Itay..." tanging nasabi nalang ni Manay at inis na napapikit.

Nanggagalaiting bumaling sa akin si Lolo.

"Umalis ka na, lechugas ka! Pumunta ka na roon sa Nanay mong higad! Walang kwenta! Salot!"

Tumulo ang mga luha'ng kanina ko pa pinipigilan. Para akong mamamatay sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina, lumuhod na ako sa harap niya para lang 'di niya ako paalisin.

"Itay, bata lang siya. Hindi niya alam ang daan patungo sa Fireasthrielle. Kahit sasamahan ko nalang po–"

"Walang aalis! Walang tutulong sa salot na 'yan!" his voice boomed.

Lahat ng aming mga kapit-bahay ay napapalabas dahil roon.

"L-Lolo," my voice broke. Mas lalong nagtangis ang bagang niya.

"Huwag mo nga akong matawag-tawag na Lolo, piste ka! Nang dahil sa'yo namatay ang anak ko! Hinding-hindi kita mapapatawad! Lumayas kana sa harap ko bago pa kita mapatay!"

Humakbang siya papalapit at sa puntong iyon, alam na ng lahat na gusto niya akong sapakin. Mabilis akong hinila ng kung sino at sumulpot naman bigla ang aking mga Manoy para pigilan si Lolo.

"Layas! Wala kang karapatang umiyak, putangina mo! Sana ikaw nalang ang namatay! Sana hindi ang anak ko! Lintek! Bitawan mo nga ako Manolo!"

"Itay! Maghunos-dili ka!"

"Wala akong pakialam, Miyong! Papatayin ko ang–"

Napahawak si Lolo sa kanyang puso. Namimilipit siya ngayon sa sakit. Nanlamig ang mukha ko. Bumagsak ang katawan ni Lolo na mabilis namang nasalo nila Manoy.

"Itaaaaay!" hiyaw ni Manay Coring.

Naestatwa lang ako sa kinatatayuan. Kahit pa sinisigawan na ako ni Manoy Emilio.

"Umalis kana! Ikaw na nga ang dahilan kung bakit namatay ang kuya ko, pati ba naman sa tatay ko?"

"Miyong!" banta ni Manoy Manolo.

And with that, hindi na ako nagpumilit pa at tumakbo na paalis. It was a cold and rainy afternoon after my father's funeral. I'm only fifteen. Ano na ang gagawin ko ngayon?

Hindi ko alam kung ilang araw ang kailangan bago ako makarating sa Fireasthrielle, ang lugar kung saan sinasabi nilang naroon daw ang aking ina. Aside from this small gloomy town named Baomok, wala na akong iba pang napuntahan.

Before, I have a feeling of contentment when I think about the idea of spending the rest of my life only in this town. Tinatawanan ko lang ang mga kaibigan ko 'pag sinasabihan nila akong baliw dahil sa pagiisip na iyon.

I was just happy. Because I have my father. Sina Lolo, Manay Coring, Manoy Nolo at Manoy Miyong. They're my family at sapat na sila sa akin. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi makasama sila habambuhay.

That Ice GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon