Kinabukasan ay maaga kaming nagising, maaga sa nakasanayang gising dito. Hahahah!
Paalis na kami ng hotel nang may tumawag sa pangalan ko.
"Kate!" Humarap ako sa kaniya nang nakangiti.
"Cleent!" Sigaw ko din pabalik. Akmang sasalubungin ko na sya nang harangan ni Dark ang gawi nya.
"What?" Inis ko syang binalingan,
"Let's go." Bumuntung hininga ako at binalingan ng tingin si Cleen bago pumunta sa gawi nya. Rinig ko pa ang pag tutol ng gwapo kong boss.
"Uuwi na kayo?" Tanong nya agad nang makalapit ako sa kaniya.
"Oo. Ikaw ba, kailan ang uwi mo?" Balik tanong ko,
"Bukas pa eh, may importanteng gagawin pa kasi ako dito." Aniya at tipid na ngumiti.
"Ganon ba, ingat ka dito ah. Heheh, see you!" Kumaway ako sa kaniya at tatalikuran na sana sya nang magsalita ulit.
"Pwedi ba tayong mag kita pag balik ko ng mnila?" Nahihiyang tanong nya.
"Hah? Hahah sure." Bakit hindi diba?
"Nice! Thank you. Ingat ka, ingat Mr. Maximo," napalingon tuloy ako sa likuran ko.
"Let's go Justine Kate." Mariing saad nya kaya napasunod nalang ako. Lilingon pa sana ako para kumaway kay Cleen nang hawakan nya ang kamay ko at higitin palapit sa kaniya.
Salubong tuloy ang kilay ko habang naglalakad. Wala na naman ata sa mood ang boss ko kaya ganito. Ano hah? Pag wala syang sa mood ako mag titiis?
"Aren't you hungry?" Tanong nya nang nasa dalampasigan kami at nag hihintay sa yate.
"Hindi pa naman. Pero baka mayamaya."
"Sa yate nalang tayo kakain mamaya," tumango nalang ako at di sya binalingan ng tingin.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makasakay sa yate, pumwesto kami sa taas na tanaw ang unahang dagat. Dito daw kasi kami mag aagahan. At pansin ko nga kanina na kami lang ang sakay,
"Tayo lang pala ang uuwi ngayon? Akala ko kasabay na naman natin sila Brent," ani ko sa boss kong deretso lang ang tingin sa dagat.
"Bukas pa ang uwi nila." Ano kaya ang problema nito? Kanina pa ito busangot at masungit sa'kin eh.
Tumango nalang ako at tinanaw ang isang babae na papalapit sa amin na may dalang pagkain. Tamang tama naman at gutom narin ako.
We ate without glaring each other, hindi ko ba alam bakit ayaw kong tingnan to at sa tingin ko naman ganon din sya. Nag focus nalang ako sa pagkain kasi masarap naman.
Matapos kaming kumain ay dito lang kami hanggang sa nagdaong na nga kami. Walang pansinan parin hanggang sa maka sakay kami sa kotse at tumungong airport, at hanggang airport ay wala akong narinig sa lalaking to kundi puro tango lang. Bigwasan ko kaya to nang bumalik naman sa sariling pag iisip.
Nakarating kami sa manila nang walang kibuang, gaya kanina tango lang tinutugon nya.
"Sir mag iiba napo ako ng way, ibang way kasi yung papunta sa kompanya at pauwi sa bahay eh." Salita ko nang akmang sasakay na sya sa kotse.
"Ihahatid kana namin." Nagulat ako sa biglang pag salita nya.
"Ay hindi na sir,"
"Drop that sir, Kate." Sabi ko nga, Dark. " Get in." Para naman akong aso na sumunod sa kaniya. Aso talaga? Sa ganda kong to kimupara ko lang sarili ko sa aso?
"Let's go to the office first, I just need to do something. I'll send you to the driver later so you can rest." He said.
"Yes, sir." Sagot ko naman bago isinandal sa upuan ang likuran. Wala naman akong ginawa pero bakit pagod na pagod ako?
"Daddy called a meeting right away so I'll go straight to the office first, and I'll send you to the driver so you can rest." Aniya at sumandal rin sa backrest.
"Hindi po ba pweding ipagpabukas ang meeting sir? Muka po kasing pagod na pagod kayo." Ani ko sa kaniya.
"I'm fine." Tumango nalang ako at tahimik na nakamasid sa kaniya habang naka rest ang likuran sa upuan at nakapikit ito.
Ang pogi talaga nang lalaking to. Sa kilay, pilik mata, ilong at labi, pati narin ang hugis ng panga niya. Napaka perpekto ng lalaking to, nakakahumaling ang alindog lalo na pag kaharap mo at nakatingin ang mga asul niyang mata sa mga mata mo.
"Stop staring at me." At iminulat ang isang mata.
"Po? Hindi kaya! Napatingin lang ako sa gawi mo," agarang iniwas ang tingin sa kaniya.
Nananahimik nalang siya kaya ganon din ako. Ilang minuto ay huminto ang kotse sa tapat nang malaking gusali kung saan pagmamay ari ng kasama ko ngayon.
"I have to go. Manong, please take Kate to their house." He said before getting out of the car and did not wait for the driver's door to open for him.
"Copy sir!" Umurong ako sa kinauupuan niya kanina para tanawin sana siya nang katokin niya ang salamin. Binaba ko ito at bumungad sa akin ang gwapong lalaki.
"You're beautiful, Justine Kate." At hinampas nang mahina ang salamin ng driver, senyas na paandarin na. Tsaka lang nabalik sa katinuan ng malayo-layo na kami sa kaniya.
"OMG! He remembered! OMG!!! Sir! Wah!!!" Tili ko ng marealize ang sinabi niya.
"Did you hear that too, manong?! He said Im beautiful. Narinig mo rin bayun kuya?!" Tili ko sa loob ng sasakyan. Nilayasan na ako ng hiya kasi parang binudburan ako ng asin.
"Opo ma'am, rinig na rinig." Natatawang saad ni Kuya driver kaya parang binalikan naman ako ng hiya ko.
"Hehhes sorry po." Kinagat ko nalang ang pang ibabang labi para pigilang tumili ulit.
Naalala niya pa pala yung sinabi ko kagabe,
••••••••FLASHBACK••••••••••
"Okay lang, hindi karin naman pala ganun ka bigat." He meaningfully said.
"Payat kasi ako eh." But still, I have curve. May anak man ako ay inaalagaan ko parin ang katawan ko, hindi dahil magpa empress sa mga lalaki kundi panatalihing kung ano ako dati. Cuz this is me.
"Ang sexy mo nga." Then he glared my body, he smirked.
"Lasing ka lang kaya nasasabi mo yan, bukas mo kaya sabihin sa akin yan." Natatawa kong saad. Natatawa dahil sa sinabi nya.
"Sige. Uulitin ko nalang bukas." He said and stood up.
"Hahaha imposible yan Dark! Lasing kalang ngayon kaya nasasabi mo yan. You find me pretty without thinking that I'm your secretary? Hahah! Sabi mo kaya hindi ka nakikipag close sa mga secretary mo, tapos may gana ka pang purihin ako. Sige nga, sabihin mo sa akin yan bukas." Paghahamon ko agad.
"Hahahha yeah, sure!"
•••••END OF FLASHBACK••••
"Salamat manong," parang binudburan ng asin akong bumaba. Kinikilig parin. Hindi ko alam bakit kinikilig ako sa lalaking yun. Tsaka hindi ko lang iniexpect na maaala niya pa iyun.
Dito nalang ako bumaba sa kanto namin kasi dadaan pa ako nang 7/11 para bumili ng ice cream para kay Darklyn. Namiss ko talaga ang anak ko.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomanceJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...