Kinaumagahan ay maaga akong umalis para sa penthouse ni Dark dederetso. Kailangan ko kasing mag linis ulit sa kwarto niya kasi no'ng nakaraang araw hindi ako nakapag linis sa kwarto niya. Baka basurahan na naman ulit ang bahay no'n.
Pagkarating ko nang upisina ay sa fifty floor agad ako dumeretso. Pagkapasok ko ay gaya nang inaasahan ay makalat na naman.
"Makalat talaga ang lalaking yun, bagay siya sa akin. Kasi makalat siya tapos ikekeep ko siya. Heheh." Oo, walang connect. Gusto ko lang talagang mapasakin siya. Charizz...
"Sir?" Tawag ko, muka kasing walang tao.
Na'san kaya yun? Nasa dining niya na ako pero wala parin siya. Baka tulog pa? Pero imposible, palagi yung maaga gumising eh.
"Mr. Dark, si Justine po ito." Wala paring sumasagot.
Baka nasa kwarto niya, pero privacy niya na iyun kaya hihintayin ko nalang siya habang nililinis ang sala niya. Linis here, linis there hanggang sa matapos na ako dito sa sala. Ipagluto ko kaya ‘yun nang breakfast niya.
Taray, all around. Hahah! Sana malaki sweldo ko dito.
Nagluto lang ako ng ilang ulam, tas nag saing narin ako kasi wala siyang rice here na pweding sangagin. Alam ko ang mayayaman na kagaya niyaay hindi kumakain nang rice sa breakfast, pero mas maganda talaga kung puno ang tiyan mo pag papasok ka ng work.
"Morning," napatalon ako sa gulat. Buti nalang hindi nahulog yung bowl ng kanin.
"Nanggugulat ka naman sir, e." Ani ko sa kaniya at nilapag sa mesa ang kanin.
"What is that?" He asked while brushing his hair. Bagong ligo tas naka suit na. Ready, na para bumaba. Hmm, bango.
"Breakfast, extra work ko, nang wala ka namang masabi." At pinaglagyan pa ang plato nya. Pasipsip muna tayo sa kaniya mga teh, para naman hindi ako nito basta basta sisantihin.
"Hahaha, what's wrong with you. You suddenly prepared a breakfast for me." He said and eat the bacon.
"Wala lang. Late na kasi at naisipan ko lang na ipagluto ka. Tsaka hindi pa kasi ako nakakapag almusal, baka naman pakain sir." Uupo na sana ako nang marealize ang sinabi, o sadyang minded lang ako.
"Hahah do you mean, pakain? Eating you?" Natatawa niyang tanong habang pinaglalaruan ang hotdog. Namumula naman ako.
"Hoy! Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin!" Pinanlakihan ko siya nang mata na mas lalo niyang ikinatawa.
"Kakain na nga lang ako." Umopo ako at kumuha narin ng kanin at ulam.
"Ahaha sure. Eating you will be the best food." Sarap batohin nang kotsara.
"Bahala ka nga diyan, sir." Kumain nalang ako,
"How's your sleep?" He asked.
"Okay naman. Ikaw ba? Bakit ka tinanghali nagising?" Takang tanong ko.
"Napasobra lang sa alak kagabe. Masaya kasi si dad na nakuha ko na naman ang top1 ngayong taon." Ngumiti nalang ako bilang sagot.
Natapos kaming kumain at niligpit ko na ang pinagkainan naming dalawa.
"Hindi pa ako tapos mag ayos nang kwarto mo, aayusin ko pa ba o hindi na?"
"Mamaya na. Baka magtaka ang ibang empleyado na wala pa ang boss nila at ang sekretarya nito." He sounds so naughty so I laughed. He too.
Hindi naman nakakabastos pakinggan sa akin mga pinagsasabi niya. Siguro, open minded lang talaga ako kaya ganon. Or sadyang, akala ko biro lang pero totoo sa kaniya. Joke. Kapal ko naman para seryusohin nang isang Dark Maximo.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomanceJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...