Kabanata 1

2 1 0
                                    

FERY POV.

"Okay! Count after me. 1.....2..3..4..5." habang tinuturo Ang mga numbers na sinulat ko sa blackboard.
"1,2,3,4,5!".
Masigla namang ginaya ako ng mga grade 1 students ko.

Last subject na ito ngayung umaga, well Ang daily schedule namin ay tatlo na subjects sa umaga at tatlo den sa hapon. English, Science, at math sa morning while, TLE, Filipino, at Apan Naman sa hapon.

"One more time class, pagkatapos proceed na kayo sa cafeteria para kumain tapos Kita uli Tayo mamayang hapon okay!?" I asked.

"Yes po ma'am Fery!".

"Okay then count."

" One... Two.. three. Four. Five! Yey!" They yelled.

"Very good! Goodbye class."

"Good bye ma'am see you later". And with that nagsi-unahan na silang lumabas. Napailing nalang ako sa kakulitan ng mga batang to.

And then one of my students came near me.

"Oh, Jessa bat andito kapa? Di kapa ba kakain?" Tanong ko dito.

"eh Kasi ma'am" pout. " Ang ganda nyo po , anong secret nyo po bakit Ang ganda nyo?"

Natatawa akong napailing.

"Nambola kapa HAHAHAHA anong kilangan mo Jessa?"

"eh kase ma'am may boyfriend po ba kayo? May irereto po Sana ako" she then said with a bunny like smile. Mukhang kilala ko na Ang tinutukoy neto.

"Ikaw talagang Bata ka, pass muna si ma'am laging sawi eh. Kumain kana don sige na" pangtataboy kopa.

"Grabe naman, sige po kakain na wait ko muna si kuya" paalam nito.
Sinang ayunan ko nlang Ito.

Nako mga Bata talaga. Pagkatapos Kong malinis Ang table ko dumiretso nako sa aking office.

"Good noon ma'am Fery" bati sakin ng aking mga co-teacher.

"Good morning den ma'am. Kain tyu Jan sa labas." Pang-aaya ko.
Balita ko kase masarap Yung mga luto Jan sa harap ng gate.

"Sure sama ako sayo Wala akong ulam ngayun eh, late nakong gumising Kaya dina nakapag cook" ma'am elen said.

"Baka Naman kase pinagod ka ni engineer kagabi bes" biro ko dito. Namula Naman agad Ang mukha nya kasabay ng kantyaw ng mga kapwa ko guro. Nako basang-basa ko talaga itong babae nato.

Lahat ng subject ako Ang tumuturo sa advisery ko. Bali apat kaming nagsihati-hati sa office nato at puro kami babae. Si ma'am joy na grade 3 teacher ,ma'am lena na grade 4 teacher at Ang best friend Kona si ma'am elen. Grade 2 Naman Ang tinuturuan nya.

Pa tawa-tawa ako habang naglalakad dahil sa mga biro nila. Papunta kami don sa kainan na sinasabi ko nang hinarang uli ako ng aking estudyanteng si Jessa.

'teka akala koba kakain na Ito?' tanong ko sa aking sarili.

"Ma'am! Ma'am! Dali!" Tila may bulate ata Ito sa pwet, di maperme. Patalon talon pa habang palapit sakin. Agad Naman itong ikinatawa ng mga kasama ko.

"Paburito ka talaga ng batang Yan Fery, anong bang pinakain mo diyan? Nirereto ka nanaman nya ba uli don sa mala Adonis nyang kuya? Nako, patusin Mona! Dika na lugi don HAHAHAH" biro sakin ni ma'am lena

"Kaka-tatlong taon na simula nung huli Kang makipag-relasyon bes ah. Bat Parang hanggang ngayun di kapaden nakapag move on?" Tanong ni elen sakin.

"Baka Naman may inaantay o baka ayaw na talaga diba ma'am ? HAHAHA pero Kung ako nga sayo ma'am Fery tulad ng Sabi ni ma'am lena di kana talaga lugi Jan sa kuya ni Jessa. Matagal-tagal naden yang nagpapapansin sayo, pati ata kapatid kinukunsaba na" si ma'am joy Naman Ang sumolsul sakin.

Teach me thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon