Kabanata 3

1 1 0
                                    

Fery POV.

Hanggang sa maka-uwi ako sa aking apartment ay dala-dala ko paden Yung kilig at the same time, pagkabahala na paanong hinayaan ko syang manligaw sakin? Tapos sasagutin ko sya!? Eh.. baka lulukohin nya den ako! Hindi malabo iyon dahil kasawa-sawa Naman talaga ako. Hindi ko masisisi na Ganon den Ang mang-yayari katulad ng mga nauna. Pero diko maiwasang masaktan, hinding-hindi malabo iyon sapagkat marami Ang nagkakandarapa Kay jayson, mayaman siya gwapo, successful. Samantalang ako....hayts!

Inis Kong sinambunutan Ang aking sarili.

"Bahala na nga! Susugal ako sa huling pagkakataon."

"Baka.....baka sakali.. matututunan Kong magtiwala at magmahal uli"
Pakiki-usap ko sa aking sarili.

Nasa kalagitnaan ako ng pangangaral sa aking sarili tungkol sa pangliligaw ni Jayson sakin ng biglang tumonog Ang aking cellphone.

May tumatawag... Hindi na ako nag-abala pang tignan Kung Sino Ang caller.

"Hello?"

"Babe open the door, andito ako sa labas. Dala ko Ang favorite mong lasagna."

Agad akong nabuhayan ng dugo ng dahil sa tawag. Sa wakas! Naka-uwi naden sya galing ng ibang bansa. Halos dalawang taon din syang namalagi sa Canada dahil naden sa trabaho nya.

Matamis Ang ngiting isinalubong ko sa pinaka-mamahal Kong lalaki, habang pinagbubuksan siya ng pinto.

Agad ko siyang Sinalubong ng mahigpit na yakap. Inaasahan nya na ito, matagal-tagal naden kasi.

"Kailan ka Lang naka-uwi?" May mga ngiti sa aking labi. Grabe Lalo syang gumwapo. Dati...I use to put some towel pa sa likod nya pag-subrang pawis na Ito. Samantalang ngayun.

Tila may mga matang nakatingin sa aming ginagawa, naiilang ako Kaya walang pag-aalinlangan ko siyang pinapasok sa aking apartment. Pwedi Naman na dito muna sya tumuloy tutal malawak Naman Ang Kama ko pero Kung gusto nya may maliit pang kwarto katabi ng akin. Alam ko namang di sya magtatagal dito sakin dahil marami syang mga trabaho.

"Di Naman halata na namiss moko babe" matamis na ngiting iginawad nya sakin habang isinarado ko Naman Ang pinto.

"Nako! Baka nakalimutan mo may kasalanan kapa sakin. Hindi mo manlang pina-alam sakin na mangingibang Bansa ka pala" may bahid ng pagtatampo

"Ang tagal na nun naalala mo pa HAHAHAHA may dala Naman akong mga pasalubong" angil nito

Nako pasalamat sya Mahal ko sya.

"Asan na Yung lasagna ko?" Naalala ko bigla. Ang sarap nya kasing magluto.

"Oh, bagong-bagong luto Yan"

Halata nga. Mainit-init pa.

"Teka kailan kapa ba nakauwi?" Nagtataka Kong tanong

"Kaninang umaga, dumaan muna ako sa bahay para ihatid Yung mga gamit ko. Tapos pinag-luto naden Kita agad....pangbawi HAHAHA"

Gusto kong magalit sa kanya pero Kasi miss na miss Kona Ito Kaya sa susunod nalng.

"Matutulog kaba dito?" Tanong ko sa kanya habang nagsasandok ng pagkain.

Hmmmm........Ang sarap talaga ni Fredrick magluto. Kaya di nako magtataka Kung magiging chef talaga sya paglaki. Nung Bata palang Kasi kami hilig nya na talaga Ito. We'll limang taon Ang tanda ko sa kanya pero di Yun naging hadlang para mas maging close kami. Tutal kami nalang den naman Ang nabubuhay sa ngayun sa aming bloodline tapos di pa kami magiging close.

"May girlfriend kana ba? Sa tinagal-tagal ng panahon Wala kapa ding pinapakilala sakin. Tumangkad ka nalang at lahat-lahat Wala paden!?" Exaggerated Kong tanong.

Teach me thenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon