He's in need

7 1 1
                                    

Brinley's POV
For other people being Idol is the best thing to do, kasi para sa kanila you will become famous and known worldwide but for me It is the hardest thing to do, mas mahirap pa sa algebra.

Others want to be on our position, because for them Idols have beautiful face, talented and have lots of money.

But I tell you sobrang hirap to the point na you have to be careful on what your doing at wala na sa iyo ang tinatawag na private life, how did I know it? Simple lang Im one of the idols that you wanted to be.

Well for me walang mahirap kung gusto mo ginagawa mo, yes its true pero pano kapag nakamit mo nga ang stardom but you have factors to consider, example ang mga fans.

Fans really help us to be famous but some fans can't read between the line, karamihan sa kanila nananakit na at worst nagiging stalker pa. Wala namang mali sa pagiging fan, because even us Idols napagdaanan na yan but know your limit we also have our own life at hindi kami robot, aso or puppet na always lang nanjan para i-satisfy kayo tao rin kami.

Another factor is our busy schedule promote dito promote doon, rehearsal dito rehearsal doon, record dito record doon wala na kaming time para sa tinatawag na 'Relaxation'

Hanggang sa ma-injured at stress na kami sa kaliwa't kanang schedule pero hindi naman kami pwedeng magreklamo dahil ito ang gusto namin at ito ang pinili namin.


"Bro, sorry hindi kita masasamahan sa drugstore may schedule pa ako sa Mcdown" sabi ni Neon isa sa mga ka-grupo ko.

Isa ang grupo namin na sikat sa bansa kaya napakahirap lumabas ng walang kasama. At kamalas malasan wala akong maisasamang bumili ng gamot para sa injured kong paa, nagkamali ako ng ikot habang kami ang nagpapractice ng aming sayaw dahilan ng injury ko. Wala rin ang iba dahil may kaniya kaniyang schedule.

"Ok lang bro, ako na lang muna" sabi ko

"Sigurado ka? Baka pagkaguluhan ka sa labas, magpasama ka na lang sa ibang staff." Sabi nya ng nag-aalala

"Wala eh, busy din ang mga yun tsaka kaya ko naman ninja to bro" sabi ko sabay ngiti to show assurance na kaya at hindi na sya mag-alala pa.

"Sigurado ka ah" sabi nya not convince

"Oo naman tanda ko na kaya ko na to" sabi ko

"Sige alis na ako" sabi ni Neo

"Geh, ingat" sabi ko naman.

Si Neo sya lang ang isa sa tumatayong tatay at kuya namin sa grupo bukod kasi sa isa sya sa pinakamatanda sya rin ang tumatayong leader.


Kinuha ko ang jacket at sinuot ito gumamit rin ako ng mask at sunglass mabuti na lang din at maaraw sa labas walang makakapansin. Nang masatisfy ako sa ayos ko umalis na ako.

Habang naglalakad hindi na ako mapakali kaliwa't kanan kasi makikita mo ang mga fans namin pano ko nalaman? Simple lang nakasuot lang naman sila ng fandom shirt namin.

Nakarating na ako sa drugstore at nakabili na rin ng gamot ng walang nakakakilala sa akin, ang problema ko na lang ngayon ay kung paano umuwi ng ligtas.

"Girl! Look at that guy hawig sya ni Brinley ng Elite oh," sabi ng isang babae naka-uniform pa ito, base na rin dito nasa middleschool pa lang sya.

"Gaga, sa sobrang pagmamahal mo jan kay brinley lahat ata sayo sya papa-anong magiging sya yan eh tignan mo naman nakasaklay, may saklay ba si brinley?" sabi ng isa nyang kasama.

"Oo nga naman" sabi ng babae kanina.

Nakahinga ako ng maluwag doon.

Pero malas ko may nakaka-usling bagay sa daraan ko kaya ayun nadapa at ang disguise ko nasira.
Pag tingin ko sa paligid lahat sila nakatingin sa akin.

"Patay"sabi ko sabay yuko bago pa ako makilala, pero malas nga naman may nakapansin pa.

"OMY!!! SI BRINLEY NGA!!!" sabi ng babae

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako kahit injured basta bahala na o uupo na lang sa tabi at bahala na si batman.

Lahat sila nagkagulo na buti na lang may guard na humarang pero kahit ganun napaka-useless dahil naaabot pa rin ako ng iba hanggang sa........

"TIGILAN NYO SI BRINLEY AKO ANG MANAGER NYA PWEDE KO KAYONG IPAKULONG KUNG HINDI NYO SYA LALAYUAN!!!" sabi ng babae, nakasuot sya ng malaking t-shirt at short at red converse, kung titignan parang mag-aalangan ka pa kung manager sya o hindi kasi naman aakalain mong elementary lang pero kahit papaano may aura sya na aakalain mong  manager. Pero kahit ganun cute sya ah..

-_- aish, brinley may problema ka na lumalandi ka pa.....

Agad naman lumayo ang mga babae. Natakot sa kanya bukod sa idedemanda nya sino mang lumapit sinasamaan nya pa ng tingin.

Tinulungan nya akong tumayo.

"Brinley, magkunwari ka na lang na manager ko para maialis kita dito" bulong nya sa akin.

Ako naman um-acting na lang din, Bahala na kung anung gawin sa akin nito pagkatapos o ano mang hingin. Pagkalabas ng drug store pumara agad sya ng taxi.

Pero hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya, at yung mga fans hindi naka-galaw sa kinatatayuan nila.

Pagpasok namin sa taxi, hindi pa man nakakalayo ay pinara nya na ito akala ko dito na kami bababa pero sya lang pala.

"Manong pakidala na lang po sya sa lugar niya, ituturo na lang po nya, paki-alalayan na lang po ah injured kasi eto na po yung bayad" sabi nya sabay abot ng pera sa driver.

"At ikaw" sabay turo sa akin "sa susunod mag-ingat ka hindi lahat ng oras may tutulong sayo" dugtong nya sabay ngiti at pagsara ng pinto ng taxi.

Hindi ko alam kung anung nangyari basta ang alam ko lang huminto ata ang oras nung nginitian nya ako.

I smile a she walked away hindi dahil sa mawawala na sya or what....
Isa lang naman ang dahilan.

"I already found my girl" bulong ko.

Magkikita pa ba kami? Bahala na si tadhana jan, pero kung ayaw ni tadhana ako na ang bahala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Idol in distressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon