Ito 'yong kantang kakantahin ni Liam. You can play it while reading.
---
Chapter 12: Clubs"ASH, open na raw ang mga school club, saan ka sasali?"
Iba't ibang uri ng tunog ang nagpapabuhay rito sa cafeteria na naging dahilan para hindi kami magkarinigan ni Shydeen. Humahalo ang mga sinasabi niya sa ingay.
My forehead knotted, trying to understand what she just said pero hindi ko talaga maintindihan o mapagtagpi-tagpi man lang ang tunog na narinig ko mula sa kaniya.
"Ha? Hindi kita marinig, ano sabi mo?" reklamo ko at nilapit sa kaniya ang kaunti ang mukha ko.
"Saang club 'ka ko sasali? Ako siguro doon sa dance club, ikaw ba?" ulit niya at isang kainan niyang sinubo ang natitirang pizza sa plate nito.
I was silent for a moment dahil napaisip din ako sa tinanong nito. Saan nga ba? Alam kong magkaka-penalty kapag hindi sasali sa clubs, ayaw ko naman ng ganoon. Saka, I need to be the highest rank in our batch to received the cash price. Hindi p'wedeng magka-record ako o kung ano pa. Dapat malinis ang pangalan ko.
Naputol lang ang iniisip ko nang marinig kong nagsalita si Shydeen ulit. "Sali ka kaya sa ballet club, Ash? What do you think? 'Di ba, hilig mo 'yo—"
"No!" napataas ang boses ko sa narinig kasabay nang mabibilis na paghinga. Hindi ko rin napansin na napahampas na ako mesang kinakainan namin at napatayo.
Our table created a disturbing sound that made other students to stare on our place. Gulat na gulat din si Shydeen sa inakto ko, pati rin naman ako. Napalunok ako sa naging reaksyon ko at napaupo nang tahimik.
Shydeen didn't know about it at all—about sa ginawa ng ama namin noon sa akin. I didn't share all of the details on her because I can't opened it. Hindi ako ready. All she know was that I am beaten with our father under his care. She didn't dare to asked me questions about it, mula pa man noon. Hindi niya in-open ang topikong iyon dahil alam kong kino-consider nito ang mararamdaman ko.
Malaki na si Shydeen kaya alam kong alam niya na iyon. Naiintindihan niya lahat ng iyon at patuloy na iintindihin kahit na hindi ako magsabi. Kaso, minsan hindi niya rin mapigilan ang magsalita about sa ballet, tulad na lang nito. Napakatabil talaga ng dila ng kakambal kong ito.
"I-I'm done, Shy, mauuna na muna ako dahil may ipapa-reserve pala akong l-libro," utal na rason ko at iniwan na lang siya roon nang hindi hinihintay ang tugon.
Mabibilis ang mga hakbang na tumungo ako sa kung saan. Hindi ako pumuntang library 'gaya ng sinabi ko kay Shydeen dahil napadpad ako sa music hall.
Sa labas pa lang ay marami ng estudyanteng nakapila. May iilang napapalingon sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko alam bakit ako dinala ng mga paa ko rito.
"Ang guwapo!"
"Tang*na ako na lang!"
Nagtilian ang mga nakapila at parang may tinititigan sa unahan kaya pinukaw iyon ng kuryusidad ko kung sino ang mga tinitilian nila. Lumapit ako para makita ang taong 'yon and to my surprise I saw the both of them.
Doon ko nakita sina Xavier at Liam na kumakanta at halos mangisay ang mga kababaihang nakaririnig sa kaniya. Saktong-sakto na nagpalit ng kanta sila at narinig ko ang intro no'n.
Napailing ako. Kaya pala halos walang paglagyan ang mga estudyanteng narito. Dahil pala sa kanila kaya punong-puno ang labas ng music hall ngayon. Mas lalo lamang akong napailing nang may yumakap kay Xavier at napataas ang kilay ko sa babaeng humalik sa pisngi ni Liam.
Gustong-gusto niya naman! Napasimangot ako at naalala ang mga pinagsasabi niya sa akin.
"Alam mo, Ash, huwag kang magselos kapag may babaeng lumapit sa akin kasi ikaw lang ang tinitibok nito." Tinuro nito ang puso niya kaya napairap ako at akmang aalis na sa cafeteria. He drag me here all the way to the main library para lang sa mga kahanginan niya sa buhay. "Opps, don't leave me here,masasaktan ang puso ko." Napangiwi ako sa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a relationship because of what her family have been through. She thought that fairytales only exist on boo...