17

14 4 2
                                    

Chapter 17

"Nag pa-assign ako sa volleyball" sabi ni Andrew "Bago ko pa makumbinsi si Oli na makipag palitan ng area sakin.. Tsk"

Pumayag na kasi ako dito sa volleyball thingy kahit kinakabahan ako. Ngayon nalang uli ako makakalaro e.

"Bakit ka ba kasi nagpa assign sa volleyball?" Sabi ko "Kaya ko naman mag-isa"

He boringly looked at me "Huwag kang assuming Charlotte. Nag pustahan kami ni Charles"

My brows furrowed "Ha? Anong pustahan? At kelan pa kayo nag uusap ni Charles?"

"Tuwing lunch minsan pag wala ka. Or pag bumibili sa canteen" he clicked his ballpen "He told me na hindi kita makukumbinsi na mag volleyball and I told him na kaya kita kumbinsihin kasi gusto mo 'yun. Tapos nanalo ako ng 1k tapos sabi niya mag
pustahan daw uli kami tapos pag nanalo s'ya ibalik ko daw 'yung 1k nang doble pero pag nanalo ako 1k lang ibibigay niya sakin"

Aba! Pinag asksayahan pa ng pera ang buhay ko. Ano bang pinagagawa ng mga 'to sa buhay?

"Ano ba naman yan pinagpupustahan n'yo pa ang buhay ko" I rolled my eyes


"Tungkol lang sa laro yung pustahan namin ngayon Charlotte wag ka assuming" sabi niya kaya inirapan ko s'ya "Nag pa assign lang ako sa volleyball kasi baka maisahan ako ni Charles. Baka mag sinungaling pag di ko napanood. Kung ano ano pa tuloy ang sinabi ko kay Oli"


"Oli? Kaibigan ni Calvin?" Tanong ko. Tumango s'ya "Oh ano sinabi mo?"

"Told her I'm gonna watch my crush play volleyball because people will do anything for romance" he said "Pero wala talaga akong crush, to be clear. Wag ka din assuming"

"Hindi naman ako nag-a-assume tanga" inirapan ko s'ya "Huwag ka nga masyado magsasama kay Charles, bad influence yun"

"Hindi naman kami friends"

I was about to respond but our prof arrived already. Andrew and Charles union seems news to me. They're the most unlikely people to get along. I don't know how the f they talked. Probably one sided because Andrew doesn't often give a damn.

"Ah shit I still have infographics" Andrew cursed to himself when the class ended. 'Di ko sya pinansin.

"Sasabay ka ba pag uwi?" Tanong ko.. nililigpit ang gamit 'ko. Deretso uwi ako ngayon dahil hindi maglilinis.

He shook his head "Dadaan pa'ko sa HUMSS"

"Ah okay" I stood up "Bye" at tuluyan nang umalis.

I'm walking towards the gate when I stumbled upon two familiar girls.. walking together and laughing. Who's this again? Ah.. Maggie and her friend. They also went here? I have no idea. Nasa harap ko sila.. naglalakad din.

"Gaga hindi na natin inintay si Ava" I didn't mean to eavesdrop pero malakas talaga ang boses nila, e.

"E maglilinis pa ata sila ni Ate Oli e" Maggie responded to her friend. What's her name again? That daughter of the rich business owner?

Ah... Riri.

"Oo pero susunduin naman ni Kuya 'yun si Ate Oli kaya walang kasabay si Ava pauwi" Riri responded

"Balik ba tayo? O pasundo mo nalang siya kay Kuya Cal char" Maggie laughed and so does Riri.

Natigilan pa ako nang onti nang mabanggit si Cal. Bakit sila tumatawa? Tsaka sino si Ava?

Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon