C15
HatidWe arrived at our home safely. Kaninang umaga ay ginising ako ni Suna at sinabing tatambay daw muna siya sa bahay namin maghapon. Mabigat daw ang pakiramdam niya sa kanila at kailangan niya raw ng "escape" kaya naisipan niyang sa bahay nalang namin.
Alas diyes nang makarating kami sa amin at dumiretso kami ni Suna sa garden. Mabuti nga at wala si dad at ate. Sinasanay na kasi ni dad si ate sa hands on na pagmamanage ng kompanya kahit pa first year college palang ito.
Masaya ako para kay ate. Malaki naman kasi talaga ang potensyal niya lalo na't matapang 'yun at hindi natatakot magtake ng risk. Naalala ko pa ngang muntikan na siyang palayasin ni dad dahil pinipilit niya si ate na kumuha ng Engineering. Ngunit namana ata talaga ni ate ang ugali ni dad at ipinilit ang gusto niya which is accounting. Nakumbinsi rin naman niya si dad kalaunan na makakabuti iyon para sa kompanya. Ewan ko lang kay kuya Dawn kung siya naman ang pipilitin ngayon ni dad.
"You know what, Shy? Gusto ko sanang maawa sa ate mo." Saad ni Suna na nakahiga sa inilatag kong blanket sa garden.
"Bakit may 'sana'?"
"Saka nalang 'pag bumait na siya." Sabi niya kaya napailing nalang ako sa kaniya habang natatawa.
"So anong plano mo?" Tanong ko sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa kalagayan ni Suna. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, paniguradong malulungkot din ako. Paano nalang kung masamang tao pala ang mapapangasawa niya? And worse, paano kung matanda pala?!
Nanindig ang balahibo ko sa kaisipang iyon. Naimagine ko bigla kung ano ang maaaring maging itsura nito. Matanda, malaki ang tiyan, panot tapos mahaba ang bigote. Kadiri naman!
"Ewan, bigti nalang siguro." Natatawang saad niya.
Bigti?
Kung iisipin ay hindi ko siya masisisi kung ganyan ang nasa isip niya. Siguro ay iniisip niyang hindi inaalala nina tito at tita ang nararamdaman niya. What if itutuloy niya nga? Ayaw kong gawin niya 'yun pero paano kung hindi ko siya napigilan? Siguro susunod nalang ako sa kaniya, ayaw ko namang maiwanan at siya lang naman ang gusto kong makasama. Maghabulan nalang kami sa impyerno kung sakali, taya si satanas kasi, why not?
Nalulungkot akong tumingin sa kaniya. Napatagal siguro ang titig ko kaya nagtataka niya akong nilingon.
"Don't worry, I was just joking." She reassured me. "Huwag mo nalang isipin, pumunta ako dito para makalimot tapos ipapaalala mo lang? Hayaan mo na, ako bahala. Masyado akong maganda para magbigti lang."Napatango nalang ako sa kaniya kahit may alanganin pa.
Iniba nalang namin ang topic at nagtsismissn nalang para gumaan ang paligid.
"You know Jasmine? 'Yung batch mate natin who called me a whore in eighth grade? She also spread false allegations that I am dating the mayor, you remember?" Tanong niya sa akin.
"'Yung sinampal mo?" Tanong ko at natatawa naman siyang tumango. "Bakit?"
"The bitch got pregnant, at kilala mo ba kung sino ang ama?" May panlalait sa tawa niya kaya napailing nalang ako kahit natatawa na rin.
"Sino?"
"Jude." Tumawa siya nang pagkalakas-lakas. "His man asked if he can court me the other day! Well of course, I declined."
"No," natutop ko ang bibig ko sa gulat. "Hala kawawa naman si Jasmine, babaero pa naman nakabuntis sa kaniya!" Kilalang babaero si Jude sa school namin, basagulero pa! Hindi ko maimagine kung papaano niya bubuhayin ang kaniyang soon to be mag-ina.
"Deserve!"
Tiningnan ko nang masama si Suna kaya inirapan niya lang ako.
"Huwag ganiyan, Suna." I said while pouting. Kahit naman kasi masama ang ginawa niya kay Suna noon ay hindi 'yun rason para pagsalitaan niya nang masama 'yung tao. Sana naman ay panagutan siya ni Jude kasi 'yung anak talaga nila ang makakawawa.
YOU ARE READING
Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)
Teen Fiction"It pains me to see how hard it is for you to deal with those demons ruining you..." He said in the softest voice I ever heard. Ironic it is that only him can calm me every time my mind consumes me. With him, I will never be scared of the dark. Wit...