(Flashback)
"W-we'll d-definite talk about that after this but for now, Let's take a cold shower before we go out. It could help us greatly." nauutal pang wika ni Adam saka hinila si Anna papunta sa banyo na nasa loob ng main room.
Noong nag research si Adam patungkol sa klase ng substance na mayroon ang halimuyak na katulad ng nakapalibot ngayon sa kwarto ay napag-alaman niyang uri ito ng aerial aphrodisiacs- uri ng droga na pampagana sa pakikipag-s**, ngunit ang klase ng aphrodisiacs na ito ay nakakasira ng reproductive organ kapag hindi agad natugunan ang pangangailangan at nakakaadik ito to the point na parang mababaliw na sa s*x ang makakasinghot nito kaya na-ban ito sa halos lahat ng bansa sa mundo.
Nalaman din niyang oras na masinghot mo ang bango nito ay hindi na mawawala ang epekto nito sa katawan. So kahit lumabas pa sila ng hotel they'll still be intoxicated unless they give in and have s** at kung hindi ay mapupuruhan ng husto ang reproductive organs nila. So they need to take a cold shower immediately to help them suppress their growing lust.
MATAPOS maligo ng cold shower si Anna, lumabas siya ng banyo na suot-suot ang puting long sleeve polo shirt ni Adam sa pang-ibabaw at ang kanyang jeans naman sa pang ibaba.
Nilapitan niya ang malamodelong si Adam na nakahalukipkip ang kamay, nakasandal lang sa pintuan ng main room at walang pang ibabaw na damit na nakatayo at ngayo'y nakamasid sa bawat galaw niya, tila hinihintay siyang lumabas nito mula sa banyo.
He looked so muscular, hot and gorgeous, as always. Hindi niya namalayang nakatitig lang pala siya sa maskulado nitong katawan at sa tila masasarap himasin na mga abs ng binata until Adam cleared his throat.
She blushed when she saw Adam smirking while watching her drooling at his body. He even chuckled upon realising she was checking on him!
Nakakahiya! Akala ko ba mawawala na ang epekto ng amoy pag nag-shower na? Sa isip ni Anna.
Nahihiya siyang naglakad at nilampasan si Adam upang lumabas ng main room ng kwarto at maupo sa sofa. Nagpasya siyang doon na lang hintayin si Adam.
HIS long sleve polo shirt looked so hot with Anna kaya hindi na tiningnan pa ng husto ni Adam si Anna at nag-shower na rin dahil baka magbago pa ang isip niya at di na makapagpigil.
NAKALIGTAS man mula sa muntik ng paggah*** ng mga di kilalang kalalakihan si Anna ay nanginginig pa rin niyang pinagmasdan ang paligid mula sa kinauupuang sofa.
Tila bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari nang makita ang mga katawang nakahalindusay at nagkalat sa buong kwarto. Brutal ang pagkabugbog ng mga ito kaya hindi niya sigurado kung patay na ba o buhay pa ang mga ito.
Hindi kaya makulong si Adam dahil sa kanya? Sa isip ni Anna na ikinakaba niya.
Malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib at takot na takot pa rin siya kahit sa mga oras na iyon. Kung hindi dumating si Adam sa tamang oras ay baka nabaliw na siya at tuluyang na-r***.
Niyakap niya ang sarili at napaluha nang bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina.
Nagising na lamang siya na nasa loob na ng main room ng kwartong ito at narinig pa ang pagtatalo ng mga kalalakihan sa labas ng main room kung sino ang mauunang tumikim sa kanya kaya sinubukan niyang tumakas at tumakbo palayo sa mga ito pero agad nilang naharangan ang pinto at pinalibutan siya.
Nang marinig niya ang isa sa mga itong nagsabi na ang unang makahuli sa kanya ang mauunang tumikim, ay halos mabaliw at mapaos siya sa kasisigaw at panlalaban sa mga ito ngunit tila walang nakakarinig o makakatutulong sa kanya.
Akala pa niya'y ililigtas s'ya ng limang kalalakihang dumating na naka-uniporme pa ngunit nagkamali siya. Bigla na lamang kase nagsi-ubo at nanghina ang mga ito, natulala at nagsimulang maghubad na rin na parang nawawala sa sarili, dahilan kung bakit tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa sa sitwasyon niya kanina.
Sariwa pa rin sa isipan niya ang mga tawa at titig ng mga ito na napakamanyak lalo na't na-corner siya ng mga ito sa main room mismo ng kwarto, buti na lang talaga at dumating si Adam at nailigtas siya.
Matapos marinig kay Adam ang tungkol sa klase ng droga na nalalanghap nila sa kwarto, napagtanto niyang tama nga ang hinala niya kaninang may kung ano sa kwartong iyon kung kaya't mabigat at mainit ang kanyang pakiramdam na para bang may hinahanap ang kanyang katawan na hindi niya maipaliwanag.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...