Simula

368 7 7
                                    

"Hiwalayan mo ang lalaking 'yon."

Dumagundong ang mga lumundag na kutsara at plato sa lamesa. Ang maputing balat ng ate ko ay agarang naging pula matapos marinig ang limang salita na iyon galing kay Mama.

"Wala kaming ginagawang masama," my sister's eyes scream nothing but rage and readiness for our mother's refutation.

Mama drank her water calmly and looked at my sister stoically. "Ang pakikipagrelasyon mo mismo ang masama."

"Huwag kang mag-alala ma, hindi ako gagaya sa'yo."

My heart dropped as soon as my mother's palm hit my sister's cheek. "Uulitin ko. Hiwalayan mo ang lalaking iyon. Kung sa tingin mo hindi mo kaya, nahihibang ka na. Lumayas ka sa bahay na 'to. Wala akong anak na suwail."

Napakalakas ng sampal na iyon. Sa sobrang lakas ay nagmarka sa mukha ng ate ko ngunit alam ko na mas masakit ang marka nito sa puso niya. Dahil maging sa isipan ko ay nanatili ito. Ang tunog ng pagdapo ng palad ni Mama at ang mga salita niya.

"Corjana.." A guy approached me with a bouquet of sunflowers in his trembling hand. He's in senior year. Umatras ako ng isang hakbang.

"Happy Valentines Day.."

"Salamat pero hindi ako tumatanggap ng bulaklak o kahit ano." I replied and walked away.

I heard the chattering from somewhere. Disappointment on their faces were gawking at me. As I walked on the hallway, I heard some girls talking about me, making it obvious for me to hear.

"Ang harsh naman. Sana tinanggap niya na lang diba? Pinahiya pa talaga."

Kumunot ang noo ko. As far as I remember, nagpasalamat ako. At ano naman kung ayaw kong tanggapin ang bulaklak? It's not for them to decide. Malalanta lang iyon sa bahay at pag-uugatan pa ng paghihinala ni Mama.

"Coli!!"

Maligayang tumatakbo papalapit sa akin si Yula at miserableng kumapit sa braso ko. "Hindi ko nakita yung crush ko!!"

Yula has been taking her adventure almost everyday in all floors of our building to take a peek of her crush. I barely remember the name because she changes her crush so quickly everytime another boy fascinates her.

I wonder how it feels to like or to be in love with someone. According to romance books I've read, your heart would beat differently than how it does when that someone isn't around. You'll get more excited even just simply waking up in the morning. And the feeling that would make you take risk you never thought you'd be capable of, sometimes unknowingly. Love must be really powerful, huh?

Iyon kaya ang nararamdaman ni Ate? Kaya mahirap para sa kanyang gawin ang gusto ni Mama?

Madali para sa akin na sabihing kaya kong tanggihan ang lahat ng magtatapat ng nararamdaman sa akin dahil hindi ko pa nararanasan ang makaramdam ng gano'n. Kaya kahit na sa tingin ko ay tamang sundin si mama, I can't just invalidate my sister's feelings.

"Pupunta na ba tayong classroom? Mamaya na please! May twenty minutes pa tayo!" Yula smiled evilly.

"Aakyat tayo tatlong minuto bago matapos ang break."

She rolled her eyes and walked aggressively, taking me with her. We are now going down the stairs. "Teka.. sa'n tayo pupunta?"

"Bibili ako colored paper at stickers gagawan ko letter si Ma'am Science. Pinasa niya ako last grading e. Gulat din ako," hagikhik niya.

"Daan din tayo sa mga booths! Baka andun lang pagala gala yung crush ko!"

Red and pink hearts are everywhere. May mga estudyante rin na may iba't ibang kulay ng panyo sa ulo, ang iba nama'y sa palapulsuhan. A poster in the bulletin board suddenly flashed in my mind. Sa pagkakaalam ko ay nakaayon ang kulay sa kani-kanilang relationship status.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now