3 messages.
Fr: 09010203040
HahhHaha.. gRabeH kHa nMn mAg jOkE rIcA.. :)
Fr: 09010203040
HuiiI... rEpLy nMn oH.. :(((
Fr: 09010203040
bUsY kHa bHa...? :( TskKkk..
Natatawa na lang ako sa mga text ng jeje na to. Grabe? Haha. Wala pa namang bagong customer kaya nag text muna ako.
To: 09010203040
Ay, sorry. Nag wowork kase ako eh. And oh, sino ka nga pala? Ba't alam mo ang name ko? Hmm?
Mga ilang minuto siguro ng mag vibrate ang phone ko, tiningnan ko kung sino, si Jeje boy pala. Malagyan na nga ng name. :)
Fr: Jeje Boy :)
nAg woWorKkh kHa tLgah..? sAn..? :D siKcReT kHunG aNuh nEym quH.. ;)
Ugh. Ayaw niya sabihin? K, fine.
To: Jeje Boy. :)
Ugh. Di ko sasabihin kapag di mo din sinabi. :p
Tinawag naman ako ni Marky at may customer na daw, iniwan ko na muna yung phone ko sa bag ko at pumunta na sa table #9. Bigla na lang napataas ang kilay ko ng makita ang mayabang na lalaki na naglalaptop. Na naman? I check the time and its 5:37 na pala. Malapit ng matapos ang first day ko. Sa wakas! But ---- back to the Mr Yabang na napaka laki ng ulo. Tumikhim muna ako saka siya lumingon sakin. Ngumiti pa nga eh. Asar! Inirapan ko lang siya atsaka na ako nagsimula.
" What ia your order Sir? " I said while staring at my mini notebook.
" Just like the first order Miss. " nakangiti pa niyang sabi. Ugh. Seriously!? Nang aasar eh! Kainis. Umalis na ako at ibinigay kay Yen ang order. Kinuha naman niya yung blackforest cake atsaka gumawa ng coffee saka ibinigay sakin.
Pumunta na ko sa table #9 at nakita siyang titig na titig sakin na waring pinagmamasdan ang mga kilos ko kanina pa. Tss. What is his problem!??
I tried to smile at him bago mag salita. " This is your order Sir, hope you enjoy. " sabi ko atsaka naglakad na, ngunit di pa nakakalayo ay nagsalita siya na talagang kina inis ko.
" Thank you Miss, nice outfit! " sabi niya atsaka napatawa dahil alam kong sobra ng pula ng mukha ko. Nakaka inis talaga! Pumasok ako dun sa counter atsaka naupo. Sina Yen at Fred busy sa pag gagawa ng kape. Kaya pala gustong gusto nilang nasa counter, may experience na. Tiningnan ko naman si Marky, naoaka seryoso siyang nag pupunas ng mga hugas na plato at tasa. Si Roy naman.. aba! Nakuha pang lumandi.. Tsk tsk. Ang lalaking yun talaga..
" Hey, nakalagay ba sa rule natin na bawal ang lumandi kapag andito sa Cafe? " sabi ko kina Yen.
Napatingin naman sakin si Fred na parang nagtataka. Natatawa na lang si Yen atsaka nagsalita.
" Yan ang sinasabing pursige, pursige sa trabaho ng kalandian ni Roy. Hahaha " natawa na lang din ako sa sinabi ni Yen, saka lang nag sink in sa utak ni Fred ang pinag uusapan atsaka natawa na lang din habang kumukuha ng cake.
Maya maya, may dumating na naman na customer, tiningnan ko si Tin at busy pa sa isang table. No choice, ako ang lalapit. Tsk.
" Soon to Eve Mam, Sir, this is the Menu. " sabi ko at ibinigay sa kanila ang Menu. After siguro mga 5 minutes nagsalita na ko.
" Mam, Sir, may napili na po kayo? " sabi ko sa kanila.
" Uh, yes, 1 pasta, 1 chocolate cake, and 2 hot chocolate drink. And 1 leche flan for dessert. " sabi ni Sir. Inulit ko naman ang ini order nila atsaka umalis. Ibinigay ko naman kay Yen yung order nung customer. Bigla namang nag taas ng kamay si Mayabang na lalaki. Psh.
" Yes Sir? May problema po ba kayo? Do you want to order again Sir? With the same order earlier? " nakataas kilay kong sabi sa kanya. Psh.
" Chill, I just want to know kung anong pangalan mo Miss. " nakangiti niyang sabi sakin.
" Sir, tanging order lang ang kinukiha dito, not names. So if you have no need, I gotta go. " sabi ko at akmang aalis na ng may sinabi siya.
" Just a 3 pieces of chocolate cookies. " Yun lang at umalis na ako ng tuluyan. Kumuha naman si Yen ng maliit na plate at nilagyan ng 3 chocolate cookies. Ibinigay na din niya sakin yung order nung sa tingin ko mag asawa. Bale dalwa ang hawak ko but keri boom boom ko naman kaya ok lang. Una ko munang ibinigay na order ay dun sa mag asawa bago pa kay Mr Mayabang. Dali dali nga ako ng pag alis eh, baka kung ano na naman hingin. Malay niyo hingin niya katawan ko. Pfft. Hahaha.
After so many minutes ay nagtaas ng kamay si Mr Yabang, magbabayad na siguro.
" Yes Sir? "
" Here's the bill. Thanks. " sabi niya sakin. Kinuha ko naman yun atsaka ibinigay kay Fred, siya na din kase ang may hawak sa Cafe. Si Yen naman ang taga luto ng cake if ever na nag kulang, oh kaya yung mga pasta ganun. Biglang tumunog yung clock, meaning, tapos na ang work ko. Napag kasunduan kaseng every 5 minutes may aalis na member samin, di naman kase pedeng lahat kase walang matitira diba? Kaya ayun, ako ang unang aalis. Ako unang nag apply eh. Haha.
Nagpalit na ko ng damit ko kanina, which ks uniform. Ugh. Nagpaalam na ko sa kanila pati kay Sir Kiko na kalalabas lang sa room niya.
Lumabas na ko ng Cafe at nagsimulang maglakad. Buti na lang at hindi pa masyadong madilim kase kung hindi, nagtatakbo na ko papunta sa amin. Takot kase akong mag isa sa daan. Aba, malay niyo may mang gahasa sakin dito. Hehe.
Habang naglalakad ako nagtatakip silim na. Ugh. I hate this feeling na parang may sumusunod sakin.
*beep
Napatalon ako ng wala sa oras! Shet talaga. Pesteng sasakyan ah ah! Tiningnan ko ng masama yung sasakyan, bumaba naman yung window glass ng sasakyan at nakakita ako ng hayop. Oo, hayop talaga! Peste.
" Ikaw na naman!? Alam mo bang masamang mang gulat!? Ha!? " sabi ko at dali dali ng lumakad. Kainis.
" Hahaha, chill. Come on, wanna ride? " nakangiti niyang sabi.
" Ride mo mukha mo! Pesteng 'to. " sabi ko sa kanya with matching irap pa.
Habang naglalakad ako, nasabay siya sakin, pinababagal ang sasakyan niya.
" Balang araw makakabili din ako ng mas mahal diyan kaya di mo na kelangang ipagmahili. " After I said those words I heard his loud laugh. Ugh.
" Sure ka? Pinagmamahili ko sayo? Hahaha. Hindi ba pedeng.... ililigtas ka lang dun sa Gang na nasa harap mo? " sabi niya sakin habang naka smiling face pa. Natigilan naman ako ng makitang papalapit na nga sakin yung mga walang magawa sa buhay na mga tambay sa kanto, may hawak pa silang tubo. Oh gash. Pano na 'to!? Well, I have two options, its either Sasakay ako dito kay feeling shining knight and armor na ubod ng yabang oh pabayaang pag eksperimentuhan ng mga taong barubas na 'to? Ugh.
" So will you go inside the car? Habang di pa nagbabago isip ko. " mapanloko niyang sabi sakin. Nakuuu. Malilintikan talaga sakin 'to.
" Pasalamat ka maganda ako kaya sasakay ako diyan sa pinagmamayabang mong sasakyan! " I said and go inside the car bago pa kami malapitan nung mga taong feeling ko ire-rape ako kapag di ako sumakay sa lintek na sasakyan na 'to.
@PixieeeDusty
BINABASA MO ANG
Jeje Lovers
Short StoryHai. TaRah tecsz! esteh cmuLhan nHa nTeN ang sTorI ;) You love a person for who they are, not for what you want. By: PixieeeDust ★ @PixieeeDusty