MNB44- Got sick

1.3K 31 3
                                    

"JULIAN, SIERRA RUSH IN THE HOSPITAL!" humahangos na bungad ni Julia kay Julian ng pumasok ito sa meeting area ng Miden Hotel. One week na ang nakakalipas simula ng nawalay si Sierra sa anak.

"What? What happen?" tanong nito. Kasalukuyan itong nasa kalagitnaan ng business meeting.

"Over fatigue daw sa sobrang stress kanina ko lang nalaman Aness told me nung nagkasalubong kami sa grocery." paliwanag pa nito kay Julian.

"Saang ospital?" hindi naman alintana ni Julian ang mga kameeting niya. He is freaking worried.

"Makati med." sagot ni Julia bumalik naman si Julian sa meeting.

"The meeting was adjourned. I apologize my soon to be wife is in the hospital." paliwanag ni Julian.  Sinabihan niya ang kanyang sekretarya na ito muna ang bahala.

"It's okay boy. Family first." sigaw ng isang matanda sa meeting isa sa mga stockholder. Nginitian lamang ito ni Julian.

Agad namang pumunta si Julian kasama si Save sa ospital. Naabutan nila si Carl doon.

"Tito Carl!" bati ni Save sa kanyang tito.

"Hey big boy." sabay yakap sa bata. "What are you doing here man?" galit na tanong ni Carl kay Julian.

"How's is she?"

"Obviously sick because of you. Sabi na eh una palang kitang nakita mukha ka ng di mapagkakatiwalaan." pahayag ni Carl. Nagising naman si Sierra.

"Carl." pigil nito.

"Fine. We're not yet done Julian. I gotta go ate may pasok pa ko get well soon. Mom is freaking worried pupunta daw siya dito next week." paalam nito.

"One week palang na wala sayo ang anak mo halos ikamatay mo na." bungad ni Julian kay Sierra.

"Save is half of my life so give my son back." madiing sabi nito kay Julian. Wala na si Carl dahil may pasok pa ito.

"Mommy why are you sick?" malambing na tanong ni Savier habang nakasampa sa kama nito.

"Cause I miss you baby!" maluha luhang sagot nito kay Savier. Sabay yakap nito sa bata.

"I miss you too mommy lets go home. I dont want to stay here." malungkot na sabi ng anak.

"I payed already the hospital bill. Makakalabas ka na mamaya."

"You don't have to do this."

Ngunit di naman siya pinakinggan ni Julian. "Lahat ng gamit nyo nasa condo ko na."

"Julian."

"You can't live without our son, ako rin hindi ko kaya."

"We don't have to do this. Hindi natin kailangan magsama ng dahil lang dun." sabi ni Sierra.

"Bakit ang tigas mo pa rin hanggang ngayon? Listen Savier needs a family she needs you and I bet he needs me also. Can't we just give him this? Just for once?" hindi na nakasagot si Sierra dahil kitang kita niya ang galit sa mukha ni Julian.

Sierra's POV

For the past 4 years naging unfair ako kay Julian. Nahihirapan ako kapag nakikita ko siyang nagagalit sakin. Nasasaktan din ako sa nangyayari hindi lang naman siya ang nahihirapan sa sitwasyon namin. Alas tres ng hapon ng madischarge ako sa ospital kasalukuyan kaming pauwi sa condo niya kasama si Savier.

"Let's go." inalalayan niya ako sa pagbaba hanggang sa makarating kami sa unit. Habang si Save ay naglalakad mag-isa.

"Happy family." sigaw ni Savier. Napangiti naman ako. Save always wish for it at ang damot ko sa anak ko. Two weeks na lang birthday niya na. Nakatitig lamang si Julian sa anak nila

"Drink this one. Two times a day yan at eto naman vitamins mo. Sabi ng doctor kailangan mo ng pahinga so better file a leave in your job or better resign." sabi ni Julian ng pumasok ito sa kwarto at naupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Inabot niya sa akin ang gamot at isang basong tubig ininom ko naman iyon.

"I can't two years pa ang kontrata ko and I need that job."

"Kaya ko kayong buhayin ng anak mo."

"Si Savier lang ang responsibilidad mo hindi ako." hindi naman ito sumagot sa sinabi ko.

"Feeling better now?" tanong ni Julian kitang kita ko ang pagaalala sa mga mata niya. Tumango lamang ako. Tumayo na ito pero nakakadalawang hakbang palamang siya ng sundan ko siya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"I'm sorry Juls, for everything. I'm really sorry." kasabay nun ang paghagulgol ko. "Sorry for being unfair to you, sorry for giving you too much burden for the past four years, naduwag ako Julian natakot." muling sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"I'm still the old Sierra na laging tumatakas sa problema. Na laging nilalayasan lahat ng hindi niya kaya.  Julian nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan ng dahil sa mga nagawa ko, nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nagagalit dahil sa mga kasinungalingan ko.  Hindi ko gustong itago sayo lahat naunahan lang ako ng takot." paliwanag ko sa kanya. Lakas loob kong tatangapin kung ano man ang sasabihan niya. Marami akong kasalanan kay Julian.

"I'm really really sorry Juls."

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon