ILANG ARAW na ang lumipas simula ng nakarating si Anna sa resort pero wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol kay Jax. Tulad ng pag-alis nito ng araw na iyon ay hindi pa rin ito bumabalik sa resort at wala ring nakakaalam kung kalian ito muling babalik sa resort dahil sanay ito na pabigla-bigla na lang dumarating sa resort para sa surprise checking.
Nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga si Anna habang nasa isang cottage at nagpapahinga matapos ang ilang oras niyang pagtitipa ng kanyang nobela sa laptop.
"Kailan kaya siya babalik? Babalik pa ba siya rito?" Sunod-sunod na tanong ni Anna sa kanyang sarili habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ang malawak na karagatan.
"Hay..." buntong-hiningang muli ni Anna at bigla siyang napatingin sa kanyang tiyan.
Gumuhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi saka hinaplos ang kanyang tiyan. "Just wait, baby. You will meet your daddy soon." At patuloy na hinimas ang kanyang tiyan.
Naagaw naman ang pansin ni Anna nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone at sinagot niya ito ng hindi tinitignan kung sino dahil sa nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang tiyan.
"Hello?"
"Anong hello ka diyan? Anong sinabi ko sa 'yo bago ka umalis ng Pilipinas?" bulyaw na bungad ng babae sa kabilang linya.
Inilayo ni Anna sa kanyang tainga ang cellphone dahil sa malakas na boses ni Krystal.
"Anong ginagawa mo? I-on mo ang camera mo, Anna! Huwag ka magtago sa akin sa dilim!" ma-awtoridad na utos ni Krystal.
Binuksan ni Anna ang kanyang camera gaya ng utos ng kanyang demanding na kaibigan.
"Ang kalat, Krystal. Laking squatter?" buwelta ni Anna sa kaibigan niyang nagbubunganga.
"Aba't—matapos mo magkaroon ng atraso sa akin ganito ang ibubungad mo sa akin? Anong klaseng kang kaibigan?" nagtatampong paghihimutok ni Krystal.
"Ang drama, Krystala. P'wede mo naman sabihin kung ano gusto mong malaman hindi 'yong maraming eme," wika ni Anna.
Napasinghap si Krystal. "Ako? Ma-drama? Anak ng—"
"Siya-siya! Awat na. Magsisimula ka naman mag-drama. Gusto mong malaman kung okay ako, 'di ba? Heto, okay naman at humihinga," pagpuputol na sabal ni Anna sa sasabihin ni Krystal.
"Yan lang ba sasabihin mo sa akin? Wala ng iba?"
"May kailangan pa ba akong sabihin?" kunot-noong tanong ni Anna.
"Yong tungkol sa ama ng anak mo nakita mo na ba? Nand'yan ba? Anong balita?" Sunod-sunod na tanong ni Krystal.
Biglang natahimik si Anna at huminga nang malalim.
"Huwag ka masyadong mag-alala. Magkikita rin kayo ng lalaking iyon. Patience is virtue tandaan mo 'yan, Anna. Ginusto mo 'yan kaya panindigan mo."
Binigyan naman nang naniningkit na mga tingin ni Anna si Krystal dahil sa sinabi nito.
"Kung may sasabihin ka, Krystal, direktahin mo ako 'wag 'yong ginaganyan mo ako," saad ni Anna na nanatiling naniningkit ang mga mata.
"E, 'di ba, sa 'yo mismo nanggaling na gusto mo makilala ng anak mo ang ama niya? E, 'di para mangyari 'yon pumunta ka riyan. Ano pa't pumunta ka riyan ng hindi mo paninindigan ang sinabi mo, 'e, 'di gawin mo," paliwanag ni Krystal.
"Bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi mo ha, Tala? Parang walang ka-support support bilang isang kaibigan, 'a."
"Wala pa bang ka-support support itong ginagawa ko, Anna? Hinayaan kita na gawin mo gusto mo, tumawag ako sa 'yo para malaman ang kalagayan mo at nag-aalala para sa 'yo. Hindi pa ba 'yon sapat?" hindi makapaniwalang paglalahad ni Krystal. "Saka sabi ko sa 'yo, it's Tallie not Tala! My gosh! You're ruining my beautiful name!" pag-iinarteng sabi ng dalaga sabay hawi ng kanyang buhok.
BINABASA MO ANG
My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)
Romance(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literat...