Chapter 141

352 12 4
                                    

Jaycel PoV

Nyeta! Gagi, ang astig!

Anong ginagawa nila Kuya Wisky dito? Nagteleport ba sila?

Pero I'm serious, papaano sila nakapunta dito? Papaano nila nalaman na nandito kami? At papaano nila nalaman na may nagaganap ngayon dito sa Arena?

Ang pinagtataka ko pa ng sobra ay kasama niya pa si Tita Crissela, halos buo ngayon ang Dangerous Fam.

Hindi ko inaasahan na sa ganitong kalagayan at sitwasyon kami magkikiya-kitang muling lahat. Na sa ganitong pagkakataon at hindi maayos na kalagayan.

Saan ba kasi sila nanggaling?!

Ang isa pa ay sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga nangyayari, sa mga sinabi ni Ate Rhianna. Ang narinig ko mula kay Krissiya.

Na Nanay niya si Tita Crissela? Kung gano'n ay kapatid siya nina Lance at Ellyssa?

Pwe!

Nakakatanga at nakakaobob mag-isip ah! Akala naman nila may brain ako kagaya ng kay ate Rhianna na sure ako mabilis ng nahuhulaan ang mga ito.

Ano ba kasing ginagawa nila dito? At ano ba kasing meron talaga?

Kanina pa ako nalilito, kunti na lang ay mahihimatay na ako sa letseng pagkalito dahil sa kanila.

Hay.

Ansarap umalis sa lugar na ito lalo na at wala akong gaanong naiintindihan sa mga nangyayari.  Liyong-liyo, litong-lito ang utak ko dahil dito sa nyetang pangyayaring ito.

Ano pa bang hindi ko alam? Anong hindi namin alam?

Madami, sobrang daming hindi namin alam na si Ate Rhianna lang ang may alam kaya ansakit sa utak mag-isip lalo na at wala naman akong maisip talaga.

Bahala na nga lang, basta ako ay makikinig na lang ako sa kanila sa kung ano man ang usapan nila, pero syempre kapag may hindi magandang nangyari ay susugod din ako, hindi ko hahayaan na nakatanga at nakatayo lang ako dito.

"Iputok mo." nakangising utos ng bruhang Tatay ni Krissiya. Usa din ang nyetang babaeng 'to e!

Andami din alam sa buhay. Andaming pakulo. Andami nilang alam na mag-ama.

Ano ba kasing galit ng mga ito sa amin? Sa amin nga ba o kay Ate Rhianna lang?

Sino ba talaga ang target nila sa aming lahat? Nagdala pa ng mga kampo na akala mo naman matatalo kami.

Never natalo ang DGW kaya asa na lang sila na matatalo nila kami ngayon dahil hindi nagpapatalo ang DGW.

BOGHSS

BOOM

BOGHSS

Nyeta talaga, bakit may pagsabog at barilan na naman?

Naghanda kami, inayos ang mga sarili at tiningnan kung saan nanggaling ang mga 'yun na pagputok at pagsabog na naman.

"Wala kayong kawala at takas ngayon Rhianna kaya sumuko ka na lang kasama 'yang DGW na dinala mo pa dito." madiin na madiin na saad ni bruhang Krissiya habang isa siya sa mga nakapalibot kay Ate Rhianna na nakaluhod na naman habang pinalilibutan nila.

Nangunguna si Krissiya at ang kanyang mga kaibigan kasama ang iba nilang mga kakampi.

"Krissi-"

"Huwag mo akong patigilin dahil hindi mo ako utusan! Dahil sa babaeng 'to kaya nasira ang lahat di'ba?! Di'ba, Mom?! Kung sana lang ay-"

"Wala siyang alam at kasalanan!" mas malakas na sigaw ni Tita Crissela na umalingawngaw sa buong loob ng Arena.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now