Elementary batch reunion. We now have our own jobs or are still studying in college. Ang laki na rin ng mga pagbabago namin. Dating mga nagtatakbuhan o nag-aasaran lang, ngayon we all look professionals."Hi Amaya, may nakaupo ba dito sa tabi mo? Mukang wala ka pa kasama sa table ah."
He knows my name but I can't remember who he is. Classmate? Or just batchmates? I gave him a confused look that made him chuckle.
"So I guess, hindi mo ako natatandaan." sinabi niya at umupo sa aking tabi.
"May I know who you are? Naging classmate ba kita?"
Napahawak siya sa kanyang dibdib at umarte na nasasaktan. "Ouch ah, hindi mo talaga ako natandaan noon, samantalang napagkakamalan pa tayong best friends noon."
"Sige nga, ano buong pangalan ko?"
"Amelia Dahmaya Rosario, Amaya."
Napalingon kami sa mga taong papasok ng event room nang medyo umiingay na then I saw him, my past 'puppy' love.
"Oy diba si Lucas yun? Yung muntik mo na maging jowa–"
"Bakit mo alam yun?" tumingin ako sa kanya ng seryoso.
"Sabi ko nga sayo, best of friends tayo noong elementary." ngumisi siya at sumandal ng mabuti sa kanyang inuupuan.
"Sino ka ba kasi talaga?"
"Malalaman mo kapag sinagot mo ako, promise."
"Ha? Sinagot saan?" ngayon ay puno na ng pagtataka ang utak ko dahil sa lalaking ito.
"Panliligaw ko sayo."
"Panliligaw? Nanliligaw ka sa akin? Hindi nga kita natatandaan at tsaka wala akong balak magpaligaw ngayon kasi masyado na akong busy sa buhay ko."
"Sa ayaw at gusto mo, liligawan parin kita, Amaya." he smiled and it looks so sincere and he's serious on what he said.
"In the first place, bakit ka manliligaw? State your opinion in mind, Mr. Unknown."
"Matagal na akong may gusto sayo, pero na kay Lucas yung attention mo. Tapos ngayon hindi mo pa ako naaalala, baka sa panliligaw ko, matandaan mo na kung sino ako sa buhay mo." sabi niya sabay kindat sakin at natawa kaming pareho.
"Sira ulo ka! Pero panigurado na magkalayo tayo ngayon ng tinitirhan, paano gagawin mo niyan?"
"Kada reunion natin, which means every other month tayo magkikita, ngayong March, May, July, September, and November. I'll attend and do efforts para sagutin at matandaan mo ako, Amaya."
"Pero dapat matandaan muna kita bago kita sagutin sa panliligaw mo. Let's make that a deal?"
"Deal. But what if kung hindi mo parin ako matandaan pero pumayag ka magpaligaw?"
"Well.. who knows."
We are waiting for the program to start, kapag may kumakausap naman kay Mr. Unknown ay lumalayo siya sa akin para hindi raw mabunyag ang pangalan niya. Minsan akong napapalingon kay Lucas at kapag napalingon naman siya sakin ay nagkakangitian kami sa isa't isa. Noong bumalik naman sa upuan si Mr. Unknown ay panay daldal sa akin, which is a good thing to distract me to look at him most of the time.
Before the event ends, me and Lucas have a chance to talk and catch up. I was really happy at first because he approached me so kindly and talked with a smile. But my smile fades when he runs towards Khriszta, yung babaeng nagpaiba ng tibok ng puso niya kaya hindi naging kami.
Naiwan akong nakatayo sa pinto habang nakalingon parin sa kanya habang nag-uusap silang dalawa. May naramdaman na lang akong may humawak sa aking balikat at nakita kong si Mr. Unknown iyon. He smiled at me and guided the way towards my car and I drove to my house.
Mr. Unknown fulfilled his promise tho. Present talaga siya kada reunion namin at laging nakabuntot sa akin, may dala pang journal at nakasulat daw doon ang mga memories namin noong elementary kami at kapag daw namimiss niya ako ay nagsusulat siya doon. Bago kami umuwi ay binabasa ko iyon, I was laughing so hard because those memories written were childish.
And I eventually remembered him, the boy who always gives me biscuits, draws at the back of my notebooks, and always chases me during recess break. Nakaaway ko pa siya noon dahil lang sa namali niya ang spelling ng pangalan ko. Sa school minsan, siya pa nagpupusod ng buhok ko, kaso pinagtripan din niya noon gupitan iyon na naging dahilan din ng bangayan namin.
His physical look super changed. From a nerdy looking boy to a grown up man who looks like he can handle everything. That's why I didn't recognize him, since elementary kasi wala na kami naging connection sa isa't isa.
So dahil nga natandaan ko na siya, pumayag na ako na manligaw siya, nagpaka effort pa siya na humanap ng apartment malapit sa akin at hatid sundo ako araw araw. Dinadalan pa ako ng breakfast, lunch at dinner, mapapasabi na lang talaga ako na sobrang naspoil ako.
Sinagot ko rin siya after a month, naging kami for 5 years and he proposed to me on our 5th anniversary. It was unexpected since pareho kaming naging busy sa work, pero yun ang akala ko, naging busy pala siya kaka prepare para isurprise ako sa proposal niya.
May nakita akong letter sa table at nakita kong galing sa kaniya iyon. Binuksan ko at binasa.
Dear Amaya,
Hi Love! Miss na kita ng sobra. Bantay sarado sila Mom sa akin dito sa bahay para lang hindi kita puntahan. Tinago rin ang phone ko para hindi kita mavideo call. Nakakainis naman ito, it is a torture for me. TORTURE. Masusulit naman kasi kapag nakita kita, you'll be walking down the aisle, looking gorgeous and ready to be my wife. Konting tiis na lang, sa isang bahay na tayo titira, bubuo tayo ng pamilya at tatandang magkasama. Hindi na ako makatulog sa gabi kakaisip, after many years had passed, pinapangarap ko lang noon, magiging asawa ko na ngayon. I love you with all of my heart, handa akong mamatay para sa iyo. #KenYaLangForever <3
Ikaw lang minahal ko sa buong buhay ko, you're the first and last. Be ready for me. ;) See you when the perfect time comes, Love! Muah!
Kenneth Landric 'Kendric' Salvador
Binasa ko ang pangalan niya sa lapida. He died in a motor accident, sabi ng Mom niya ay lumabas lang daw siya para may bilin sa mall but he never came back to their house. I was devastated when I saw him lying lifeless at the hospital.
Bakit ganoon? Kung kailan isang araw na lang bago kami ikasal, doon pa siya nawala?
He was the most excited for the both of us. Ginawan niya ng paraan lahat para lang ikasal kami, pero bakit pa siya agad na nawala? Binawi siya sa buhay ko ng biglaan, wala man lang pasabi.
Iyon na pala ang huling sulat na matatanggap ko galing sa kanya. Sana pala, kahit bawal, hinayaan siyang makapunta sa akin. Or maybe lend him his phone back so I could hear his voice one last time.
I didn't have the chance to put his last name next to mine.
As I sat in front of his tomb, I promised to love him unconditionally.
First one shot story done. Sorry for the sad ending. :)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryOne shot stories. It may have happy or sad ending. If you have a recommended plot, you can message me here or twitter. twitter: @cruisingatw