Chapter 29

2.2K 45 9
                                    

Namumula akong napatingin kay Lennox. Tulog na tulog ito. Nasa kama parin kami. Napatingin ako sa wall clock alas 11 na pala. Namumula parin ako habang iniisip ko ang nagyari kagabi we're very wild and free, ilang oras na ba kaming natapos? Dahan dahan akong bumangon para hindi maistorbo si Lennox. Mukhang pagod na pagod. Pumonta ako sa banyo at naligo narin. Matapos akong naligo nag bihis ako at
Bumaba.

Nakita ko si Azayah nasa carpet ito nilalaro ni Keisha. Nang makita ako ni Azayah agad syang tumakbo papunta saakin.

Kaagad ko itong inarsa at hinalik halikan. 

"Ate masarap ba?" Biglang tanong ni Keisha, kaya kaagad na kumunot ang noo ko. Nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ay agad ko syang kinurot.

"Anong pinag sasabi mo dyan?" Pagalit na tanong ko. Napanguso naman ito saakin.

"Aray naman ate!" maktol nya. Inirapan konalang ito at pumonta kami sa kusina habang bitbit ko sa Azayah sa bisig ko.

Nakita ko sila mama at tita Jolly nakaupo sila at nag kakape,

Kinuha mona ni mama si Azayah para makapag timpla ako ng kape. Matapos akong mag timpla ay umopo ako. Naguguluhan akong napatingin sakanila. Ang seryoso naman kasi nila.

Tumikhim muna ito at inayos ang pag kakaupo ni Azayah.

"Naisipan namin ng tita Jolly mo na uuwi na kami sa dating bahay natin." panimula ni mama. Gulat naman ang rumihestro saakin.

"Uuwi napo ba tayo?" medyo malungkot na Sabi ko. Ayaw kung maiwan si Lennox dito. Iisipin ko palang masasaktan na ako.

"Hindi Sassy kami lang nila tita Jolly mo Keisha at Conny, maiiwan kayo ni baby Azayah dito, Hindi na kami pwedeng manirahan dito dahil mag asawa na kayo. At syaka naisip ko na Hindi ko pala kayang iwan ang bahay, ang daming memorya natin doon." umiiyak naman akong tumango, kahit papaano naiintindihan ko si nanay. Pero ayaw korin naman na mawalay sa kanila.

"Pero nay mas masaya kapag buo tayo." ngumiti naman si nanay saakin.

"Buo na ang desesyon namin Sassy. Ayaw naman namin na pag lumaan nalang ang bahay natin." napatango nalang ako, wala naman akong magagawa doon.

"Sege po, kailan poba kaayo aalis nay?" medyo malungkot na Sabi ko.

"Pag katapos na ng kasal nyo Sassy."

***

Matapos naming mag usap nila nanay bumalik ako sa taas, nakay nanay si Azayah sya nalang raw muna Ang mag patutulog nito. Nalulungkot parin ako iisipin ko palang na aalis na sila nanay parang maiiyak ako. Pero na iintindihan korin naman sila. Binuksan ko Ang pintuan nakita ko si Lennox basa ang buhok nito and he's wearing a black blue t-shirt and black pants sobrang gwapo niya talaga.
Bumaling ang tingin nya saakin at bahagyang kumunot ang noo. Lumapit ito at hinalikan ako sa labi.

"Hey are you okay?" pukaw nya saakin. Halatang nag aalala. Napabuntong hininga ako.

"Babalik na sila nanay sa dating bahay namin pag katapos nang kasal natin." medyo nanghihinang Sabi ko. Kaagad niyang sinapo ang mukha ko.

"Yeah I know, kinausap nya ako kagabi. As long as I want to keep them for you. But I can't, baby. Hindi ko naman hawak ang desesyon nila. All I can do is to help them and respect their decision." napangiti naman ako kay Lennox he's really a good man. Hindi lang halata because he have a strong personality.

"Thankyou leennox." napatili ako ng bigla Niya akong buhatin at nilapag sa mini table dito.

"Ano ba Lennox!" naiinis na wika ko dito. But he just smirk at me.

MR. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now