Chapter thirty- dance

780 15 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at mas naging busy kami sa loob ng ilang araw. Minsan narin akong pumunta sa penthouse niya para mag linis. Bagsak na bagsak kasi ang katawan ko pagkatapos ng work, minsan ginagabe pa umuwi.

Pero ngayon naging okay narin ang schedule namin, nirerevised nalang yung mga ginawa namin last week.

Naalala ko nga pala na mamayang gabe yung gimik namin. Inaya kasi ako nila Shaina no'ng nakaraang araw na pag maluwag na ang hectic ng schedule namin ay lalabas namin kami. Pumayag rin ako kasi hindi naman ako makatanggi dahil halos lahat sila kinulit akong sumama. Nakapag paalam narin ako sa anak ko at mabuti na nga lang ay pumayag.

Natapos ang gawain ko nang biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Bale yung floor namin ni Dark ay may dalawang kwarto. Mas malaki nga lang yung opisina niya kaysa sa akin, nga lang magkadugtong ang office namin. Parang iisang room lang siya na hinati, ganon. Pagka bukas mo ng floor ay bubungad sayo parang living area, and then kakatok ka sa unang pinto at iyun ang opisina ko. Dadaan ka muna sa loob ng office ko bago ka makaderetso sa office ni sir Dark. Yeah, ganon.

"What is it?" Tanong ko sa babaeng si Dyea na maliit, yung isa sa mga babaeng nakakita kung paano ako bitawan ni Dark no'ng araw na’yun.

"Pinapasabi po ni Shaina na maaga tayong aalis ngayon kasi hindi naman gaano ka hectic schedule natin. Hindi ka po kasi nag seseen sa group chat natin, ma'am. Mag memessage nalang daw ulit si Shaina sa group chat natin," aniya.

Ngumiti ako at tumango.

"Pasensya na, tinatapos ko pa kasi to para wala na akong gawain mamaya. Pero hayaan mo, mag seseen nalang ako mamaya." Sabi ko sa kaniya. Tumango at ngumiti nalang ito at nagpaalam na bababa na.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa hanggang sa natapos ko na nga at nakapag set na kami ng date, na pagkatapos ng work namin ay dederetso na kami sa bar. No need naman na magpalit kasi makakapasok ka naman sa bar dahil sa suot namin.

Mini skirt and white long sleeve, pwedi na iyan.

"Sir," kumatok ako, nang walang sumagot ay pumasok ako. Nadatnan ko siya na nakasandal sa upuan niya at hinihimas ang sintido.

"Uhmm, uuwi na po ako. I mean, mauuna na ako. Nagkaayaan kasi sa ibabang department na lumabas ngayon. Pupunta lang kaming bar, pampawala lang ng stress. Sama ka ba?" Magpapa alam lang naman sana ako, pero napansin kung stress narin siya. Pano ba naman kasi, simula no'ng makauwi kami galing sa business trip, nilubog niya na ang sarili sa trabaho.

Napaka workaholic nito. Kaya nasa top one ang kompanya e.

"Where are you going?" He suddenly asked while still closing his eyes.

"Bar? Think so. 'yan kasi sinabi ni Shaina e." Tsaka lang napamulat dahil sa sinabi ko.

"You're inviting me right?"

"Siguro? I mean, oo? Pero ewan ko lang sa iba kong kasama. Inaya lang naman ako e, at tsaka sa pagkakaalam ko hindi ka lumalabas kasama sila kaya bakit ka sasama?" Tanong ko dito.

"I'm in. Just like what you said, I'm stress." Sabay turo sa sarili. "so sasama ako para pang pawala ng stress." Tumango nalang ako.

"Pwedi ka naman atang sumama e, papayag naman ata yung mga ’yun." Sa tingin ko lang.

"Okay. Wait, give a minute." At tumayo.

"Bakit? Anong gagawin mo? Aalis naraw mayamaya." Ani ko sa kaniya.

"Magbibihis lang," tumango nalang ako at ’di na nag reklamo.

Umakyat na siya sa penthouse niya at ako naman ay naiwan lang dito sa opisina. Tamang retouch lang ng muka nang hindi naman sila malugi na kasama ako.

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now