CHAPTER NINE

0 0 0
                                    


Sino ang taong ito  at bakit Niya akong niyuyukuan at ano? Heiress of immortality ? Naguguluhan ako . Kanina pa hinahanap nang aking mga Mata ang nagiisang matandang nagkupkop saakin simula Nung sanggol pa——yon ay walang iba ang aking Lola.

"Nasaan ang aking Lola? Bakit kayo ang nandidito , nasaan ako?" Tanong ko habang nililibut ang aking paningin sa mga taong kaharap ko. Iilan lamang ang natatandaan ko , sila yung aming panauhin. Bakit ako nandidito ?

" Wala dito ang hinahanap mo Hija , nasa Mundo nang mga tao ito." Tila natulos ako sa aking kinatatayuan sa aking narinig . Papaanong nasa Mundo nang mga tao Ano bang pinagsasabi nila ?! Nahihibang na ata sila.kelangan ko makaalis dito nasa panganib ako lalo na ang aking Lola.

Tumakbo ako nang pagkabilis bilis di ko alam Kung saan ako tatakbo Basta ang alam ko kailangan Kong makaalis dito. Ang kaninang pagkabilis bilis nang aking takbo sya ring pagsabay nang hangin sa aking paligid tila may nakasunod ito saakin , huli na para lumingon pagkat nasa harapan ko na ang nilalang na ito.

Papaanong—— anong klaseng nilalang ang mga ito .

"Running from your family is not good." Anang lalaki na nasa harapan ko. Pero di iyon Ang nakaagaw pansin saakin kundi ang sinabi niya .

Family?matagal na akong walang pamilya maliban sa kumupkop saakin. Dalawa nalamang kami sa buhay , Ano itong pinagsasabi Niya Isang kalokohan!

" Kung mayroon kang balak babuyin ang alaala nang aking pamilya Yan Ang wag na wag mong susubukan!" Madiin na Saad ko at nanlilisik ko syang tinignan. Tila nabigla sya sa aking sinabi ngunit bigla itong nakabawi at nginisian ako nito.

" Khaloz , my son! I thought you're not gonna see us, welcome back! " ani nang ginang at nasa tabi ko na agad ito. Khaloz? Tanginang pangalan apaka sagwa , sa sandaling ito napalingon sa akin ang lalaking ito.

" What's funny woman? " Ani nito na nakataas Ang Isang kilay. Aba binasa pa ang utak ko apakawalanghiya.

" I think you are the one whose shameless here" nabigla ako sa sinabi nito. How come he can read my mind this is absurb! Napailing nalang at bigla itong natawa . Ngayon anong nakakatawa !?

" Stop reading her mind brother, by the way what brings you here? " Ani nang Isa pang lalaking ito na halos magkamukha kung di lang sa  kaibahan ng mata nito ay magkamukhang magkamukha sila. Baka kambal ? Aba Ewan anong Pake ko?  don nga samin Lima Ang magkamukha di ko naman tinatapunan nang pansin.

" Is that how you welcome your twin brother ,  Khalil? " Napaismid nalamang ako sa narinig ko. Nakakawalang gana naman talaga kung ganito Ang salubong nang kambal mo sayo parang Wala kang espasyo sa Lugar na to. So kambal nga.

" I didn't know we have someone here ."ana nitong si Khaloz at tumingin sa gawi ko , eh Ano Naman sayo ? kahit ako di ko alam Kung bat ako andidito. Bakas sa kanyang mukha ang pagka mangha nito tila nahihimigan niya Ang sinabi ko. Tsk kelan ba to hihinto sa pagbasa nang aking isip .

"I just came here to stop this woman from escaping  , you should thank me ! So she is the diety of my elder brother. Where's Rhoax ? He should've here " aniya. Ano ? Diety? Nahihibang , Sino naman si Rhoax ? May pagkawirdo ata itong mga nanay nila at wirdo rin ang mga pangalan nitong magkakapatid.

" I'm Lauracia , I think my name isn't weird as you think." Napailing nalamang ako . Lahat ba sila marunong basahin ang isip ko.

"Stop invading her mind , you're making her confused! " Ana nang matandang lalaki na nakaupo sa sentro ng hapagkainan.

Iginiya Naman ako ni lauracia at binulungan na halika na matagal ka na naming inaantay . Napasunod Naman ako at naupo na sa bakanteng espasyo na upuan . Sampung upuan ang nandito ngunit anim lang kami nandidito , nasaan ang apat? Napatingin Naman ako sa ginang tila nahimigan Niya Ang aking pagtataka.

" Damian  is not here , he is taking an important matter in his chamber. He is the eldest among them all.  " Saad nang ginang habang kumakain at pasulyap sulyap saakin. Nasa hapagkainan kami at kung Ano kinakain nila ay ganun din sa akin. Isa itong tocinong manok di ata uso sa kanila Ang kanin . Paano sila nabubusog sa ganito ?

" Princess Vixqa is on her academy , she's taking classes and later on she will be here. " Ani Naman Niya . Okay Akala ko Isa lang anak niyang babae si Lauracia. I must say Lauracia is the decent name among them all. Baka mamaya Vishnu Ang Isa , pigil tawa akong nilingun ang tumikhim sa aking unahan na si Khaloz.

" and... Princess Zachieka is my youngest daughter . She is on the second empire." Yon lang ang tinuran nito . Okay I guess the last is Rhoax , Khaloz mentioned awhile ago.

" Prince Rhoax is coming my majesty. " Ana nang tagapagsilbi sa pintuan . Yumuko nalamang ako sa pagkain  upang doon ituon ang aking atensyon.maya-maya naramdaman ko ang Isang bisig na nakapatong sa aking balikat at hinaplos Ang aking beywang gamit nang Isa pang kamay . Sa pagkagulat ko ay napatayo ako at bumalikwas nang direksyon. Isa sa natutunan ko noon Kay Lola Ang defensang ito. Napatulos Naman sa kinauupuan ang mag-asawa sa aking ginawa kabilang na ang mga magkakapatid.

" Pasensya na , nagulat lamang ako. Di ako sanay na may gumagapos sa akin " ani ko sa mababang tono. Di maipinta Ang mukha ni Khaloz at Khalil tila natatawa . Anong nangyayare baket sila natatawa
Paglingon ko naman sa prinsipe nalukot Ang mukha nito at umupo sa kabilang bahagi nang upuan sa tabi ni Khaloz .

maya- maya  pagkatapos naming maghapunan tinanung ako nang ginang  sa pamamaraan nang aking depensang ginamit ko sa kanyang anak.

" Saan mo Naman ito natutunan Hija? " Napangiti na lamang ako sa kanyang tinuran. Naalala ko tuloy ang aking Lola na kung kumilos ay parang Hindi ito napapagod lalo na at may kaedaran na ito.

Sumipol Naman itong si Khalil at sinabing
" someone is drooling over here " at lumingon Naman ako sa gawi nang prinsipeng muntik ko nang mabalian  napaismid nalamang ako at sinagot ang ginang

" Kay Lola po, sya Ang nagturo sa akin nang iba't ibang depensa. " Ani ko at namangha naman Ang mag Asawa sa aking tinuran. Malamang kilala nila na ito pagkat minsan nang nagawi ang Asawa nito saamin.

" Hindi ko alam na tanda pa din ni Amanda ang kanyang kaalaman at malakas pa ito " napangiti nalamang ako sa kanyang tinuran at tinuloy Ang kwento .

" Noon palang ay sinanay na Niya ako sa iba't ibang paraan nang depensa. Natuto ako sa paraan na gusto niya. Isa sa natutunan ko ang ginawa ko kanina Kay R-rhoax. " Ani ko at yumuko.

" At Ano Naman Ang mga iyon maliban sa kanina Helena " Ani ni lauracia sa aking tabi .

" Isa roon ang pag gamit nang Mata. Di lang sa unahan Tayo pwedeng magmatyag . Ang Mata ay ginagamit sa pag usisa kahit natutulog ka pa. "

Madalas ginagamit sa akin ni Lola iyan habang natutulog ako . Nakakatawa lang kahit natutulog ako ginagambala ako ni Lola .

" Pangalawa ang pangdama. Ultimo pag hinga nang mga halaman , hangin at presensya nang Isang nilalang tinuro din sa akin ni Lola. Hindi ko alam paano ko nagawa yon ngunit Sabi nga ni Lola konsentrasyon lamang para matutunan ko yon"

Kaakibat nga Ang depensang yon kahit tubig nararamdaman ko ang kilos at daloy na iyon napailing nalamang ako Nung maalala ko Ang ahas sa batisan. Akala ko mamamatay na ako.

" Ang pag gamit nang Isang naturang armas natutunan ko din , o kahit bagay na maaaring ipangdepensa. " Ani ko tsaka sila nilingon. Napaamang Naman sila sa aking mga tinuran.

" Hindi ka tinuruan ni Amanda gumamit nang dahas katulad nang kapangyarihan? " Doon na lamang ako napalatak sa tinuran nang ginoo .

" Wala namang kapangyarihan si Lola lalo na ako, ginoo." Ani ko at pagpigil nang tawa .

" Isang kamangha mangha na Isang katulad mo Helena pagkat yang iyong mga  tinuran ay bahagi na nang aming kapangyarihan ngunit Ikaw ay Kaya mong gawin iyan na walang dahas na nilalabas." Pailing iling na sambit ni Khaloz.

" Ano bang pinagsasabi niyo ? Hindi ko maintindihan , kapangyarihan? Ano ba kayo?" Di ko na natiis at tuluyan ko na itong itanong.

" Kami ang Isa sa makapangyarihan na naninirahan sa mundong ibabaw na ito "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 MATED TO A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon