THE CHILDISH MAFIA LORD
Written by: Krizzybabes
KATRINA'S POV
Hingal akong nag lalakad-takbo habang iniiwasan ang bawat atake ng kalaban kong may mga hawak na maliliit na patalim at ginagamit ito habang sumusugod sa akin upang umatake.
Tsk, buti na lang nag-aral ako ng gymnastics kaya mabilis ko lang na naiilagan ang mga patalim na ibinabato nila at hindi na ako nahihirapan sa pag ilag rito.
"Ha!" Sigaw ko sabay sipa sa tiyan ng kalaban matapos kong mailagan ang dalawang kutsilyo hinagis nya sa akin. "Hya! Huh" Muli ingay na ginawa ko ng pilipitin ko ang kaniyang leeg at inapakan ang likuran ng kaniyang tuhod dahilan para mapasigaw ito ng malakas sa sakit.
Napahiyaw ito habang namimilipit sa sakit na dulot ng pag ipit ko sa kaniyang leeg at pag apak sa kanya."L-lady Katrina ack* ensayo lang po yung ginagawa natin, ahh! Wag nyo naman pong totohanin ayaw ko pa pong mamatay argh!" Namimilipit sa sakit na pakiusap nito sa akin habang buo-buo na ang pawis sa kaniyang mukha kaya napabuntong-hininga na lamang ako 'saka ko sya binitawan.
Dumeretso ako sa kinalalagyan ng aking water bottle tsaka uminom at muling humarap sa kanila.
"Totohanin nyo naman ang mga laban na ginagawa natin! ayo'ko ng ensayo lang, gusto kong masanay sa mga totoong laban dahil alam kong sa kahit anong oras ay maari akong malagay sa panganib, kaya ayaw kong lagi akong pinag bibigyan kasi sa totoong laban ako ang maa-agrabyado." Frustrated na pakiusap ko rito habang pinupunasan ang mga butil ng pawis na tumutulo at lumalabas sa katawan ko. Kahit nahihirapan ay pinilit nitong tumayo habang nakasuporta ang isang kamay sa tuhod nyang inapakan ko kanina.
"Lady Katrina, binigay na po namin ang buong makakaya namin, pero masyado na po talaga kayong malakas at magaling kumpara no'ng dati. Hindi ka po namin pinag bibigyan, sadyang sobrang galing nyo na pong makipag laban na kahit lima pa kaming kalaban mo ay natalo pa rin kami." Panga-ngatwiran nito sabay turo sa apat nya pang kasamang hanggang ngayon ay nakahiga pa at ang dalawa ay wala paring mga malay.
Bumuntong hininga muna ako bago muling tumingin sa kanya. "Sige, alam kong masakit ang mga katawan ninyo dahil sa bugbog na ginawa ko. Mag pahinga muna kayo sa itaas at pagkatapos ay umuwi na kayong lahat para makapag pahinga ng maayos, wala din tayong session bukas dahil kailangan munang mawala ng sakit sa mga katawan nyo. Mag ge- gymnastics na lang muna ako." Turan ko sa mga ito na agad namang nag liwanag ang mga mukha. Gusto ko talagang mag practice pero kailangan din nila ng pahinga lalo na't hindi rin biro ang mga trabaho nila, at palaging bugbog sarado ang inaabot nila sa akin.
"T-talaga lady Katrina? Naku! Maraming salamat po." Masayang sabi nito sabay lakad at tinulungan ang iba nya pang kasama na makatayo. Malalim muna akong bumuntong hininga bago lumabas ng silid tsaka pumunta sa gymnastic room kung saan ako nag pa pa-practice ng gymnastics kapag spare times.
Sandali akong tumayo roon at nag simula na sa pag e-estreaching. "Kumusta ang training Trina?" Tanong ng bruskong boses ng lalaki mula sa likuran ko kaya agad ko itong sinundan ng tingin. May dala sya'ng wine glass at sumisimsim mula rito habang nakatuon sakin ang atensyon.
"Ikaw pala, pa." Tipid ang ngiting sabi ko habang tuloy parin sa pag ko-kondisyon ng katawan ko.
" It's alright, everything is fine and under control. Pinauwi ko na lang muna yung mga bodyguards ko dahil napuruhan ko ata sila ng husto." Dagdag ko't pinag patuloy na lang ang ginagawa." Hmmmm " Tatango-tangong aniya. "Nakita ko nga yung ginawa mo kanina sa kanila, Katrina. I must say that you did it really well." He said with a proud tone kaya napatigil ako at muling tumingin sa kaniya. " I think you're good enough at the age of fifteen. Alam ko ring mapag kakatiwalaan na kita." He added while smiling towards me which made me feel flattered. Minsan lang mag bigay ng complement sakin ang daddy ko, that's why I always do my best just to make him proud of me.
" Maybe it's time for you to get your first assignment Trina." Aniya na nag pakurba ng kilay ko at napatitig sa kanya habang naguguluhan.
" What do you mean Dad? ".
Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagiging mafia boss ng daddy ko, he's the number one among the seven bosses of the Jepssy's organization na itinatag ni Tito Theo. Kaya nga ubod ng OA kung protektahan ako ni mommy ehh, and also the reason why my father taught me martial arts and assassination classes in an early age so that I could use it in case I need it.
Ngumiti lamang ito 'saka lumapit sa akin sabay tap ng balikat ko. "Do you know Tristan Angelo Montañes, sweetie?" Tanong nito na mas nag palala ng kuryusidad ko.
"He's the only son of tito Theo right?" Patanong na sagot ko rito parang hindi sigurado.
"Yes, and he will be your first assignment Trina, you have to protect him as much as you can." Sabi nito na nag palaki ng aking mata. No way, he's got to be kidding me!
Agad kong itinigil ang ginagawa at di makapaniwalang bumaling sa aking ama.
" Papa seriously? " 'Di makapaniwalang tanong ko rito na para bang isang malaking biro ang sinabi nya pero hindi, seryuso ang papa ko. Hindi nya ugali ang mag biro at hindi ko pa sya narinig na mag biro. "Pa, he's the one who's responsible for the death of those 55 persons who harmed his father, and he did it alone Pa!" Protesta ko rito. "Masyado sya'ng magaling papa, he don't need me to protect him, he can do better protecting himself.""HAHAHAHAHHAHAH" Tumawa ang ama ko na para bang isang malaking joke ang pinag sasabi ko. "You don't know him that much Katrina, but yeah, he's a dangerous person for killing those jerks alone, kahit ako ay 'di rin makapaniwalang makakaya yung gawin ni Tristan." Natatawang sabi nito bago ako tinalikuran.
"I have to go now, baka kung anong kalokohan pa ang gawin ni Tristan sa opisina habang wala ako eh." Nakangiting paalam nya sa akin at 'saka nag lakad na palabas.
Krizzybabes
YOU ARE READING
THE CHILDISH MAFIA LORD
Teen FictionSYNOPSIS: Tristan Angelo Montañes, a 18-year-old with the looks of a handsome teenager but the has the personality of a 3-year-old, was disowned by his father due to his childish demeanor. Despite this, Tristan's life remains peaceful as he dedicate...