Chapter 56

311 31 39
                                    

Imelda POV

"Sweetheart, gumising ka na. We're gonna ba late" tapik ko kay Ferdinand na mahimbing pa ang tulog

"Mmmm..." sagot nito at dumilat na ang mata

Oo, ngayon pala ang kasal nila Paco at Rosa at dadalo nga kami

Ihihinto muna ni Ferdinand ang pangangampanya para makasalo sa kasal ng kaniyang kapatid

Habang naliligo si Ferdinand ay nagbihis na ako at nag-ready

Habang nag-aayos din ako sa aking buhok ay lumabas na si Ferdinand sa banyo

Ilang minuto nang natapos ko na rin ang aking buhok ay lumabas na ako at iniwan na munang maghanda si Ferdinand sa kwarto

Paglabas ko ay pinuntahan ko ang kwarto ni Imee

Nakikita kong natutulog pa ito kaya nilapitan ko at umupo sa gilid ng kama

"Imee, darling, wake up" tapik ko sa kaniyang paa

"Mmm? Mommy?" at idinilat nito ang kaniyang mga mata

"Daddy and I have somewhere else to go today. Ikaw muna bahala sa mga kapatid mo ha? Hindi kami magtatagal" habilin ko at hinalikan na ang kaniyang noo at lumabas ulit sa kwarto

Hindi ko na ipapabantay ito kasi malalaki na sila. Nasa tamang edad na din si Imee para alagaan ang kaniyang mga nakababatang kapatid. May sapat din akong tiwala sa mga kasamahan dito sa bahay para naman mabantayan din yung mga bata. Total itong si Imee at Bongbong ay panay basa lang ang ginagawa, yun nga lang minsan nag-aaway kasi sa paghihiraman ng libro. Ito naman si Irene, palaging nasa bakuran nakikipag laro sa kung ano-anong hayop. Baka paglaki nito ay may-ari na ng zoo

Gayunpaman ay ipinagmamalaki ko silang anak ko sila. Makulit pero mababait

Lumabas na din si Ferdinand sa kwarto at nilapitan na ako

"Ready sweetheart?" tanong nito at tumango lang ako't ngumiti

Nagapaalam si Ferdinand sa mga bata at kami'y bumyahe na patungo sa La Union kung saan igaganap ang kasal

Ferdinand POV

Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating na din kami sa La Union

Paglabas namin sa labas ay nakita naming si mama

"Ferdinand... Imelda.. pumasok na kayo at umupo" sabi ni mama matapos naming mag mano at pumasok na rin kami

Marami ding bumati sa aming pagpasok

Sa tuwing nakakalahok talaga ako ng mga ganitong ganap ay nakakalimutan kong president ako kasi napakaraming pamilyar na mga mukha ang nakikita ko lalo nang ang iba sa kanila ay kasabay kong lumaki

Ilang mga minuto ay nagsimula na ang ceremony

Isa-isang naglakad ang mga groomsmen at bridesmaid

Ngayong naalala ko, bakit di ba ako kasali dito? Na kapatid naman ako ng ikakasal? Hahaha pero okay lang, hindi naman ako namimilit. Nagtatanong lang

"Sweetheart, alam mo bang uuwi tayo pagkatapos nito?" bulong ko kay Imelda

"Malamang Ferdinand. May balak ka bang matulog sa reception?" sagot nito at tumawa ako

"Hindi, baliw. Pagkatapos nitong ceremony ay babalik na tayo ng Maynila" sabi ko at lumingon siya sa akin

"Ano? Bakit? Kasal ng kapatid mo Ferdinand. Ano bang pinagsasabi mo?" galit nito sa akin

"I'm sorry sweetheart pero kailangan kong bumalik. Marami pa akong aasikasuhin" paliwanag ko

"Last month ko pa to pinaalam sa iyo ni hindi ka man lang nakapagpaalam ng maayos? Kahit isang araw lang?" pabulong na paggalit ni Imelda

"Paano ako uuwi nito?" dagdag niyang tanong

"Dalawa naman iyong dalawa nating sasakyan. Sasama nalang ako sa PSG at ang isa ay dun ka nalang sumakay. I'm really sorry sweetheart" paumanhin ko

"Ewan ko sayo" sagot nito at bumalik ang tingin naming sa prosesyon

Nang isa isa nga silang naglalakad ay nakita ko siya

Ang maid-of-honor

Si Y/N

Ang ganda niya. Hindi pa rin kumukupas

Sinundan ko talaga siya ng tingin hanggang umabot siya sa dulo

Hindi man niya ako nakita

Maya-maya ay lumabas na din ang bride

Si Rosa

Napakaganda

-

Tapos na ang ceremony at isa isa kaming kumuha ng litrato

Nang umakyat kami sa harap ay nagkita kami ulit ni Y/N

Nabigla siya nang nakita niya ako

"Hi" bati ko

"Hi Mr. Marcos" bati rin nitong ngumiti at umalis na. Papalayo sa akin

Parang iniiwasan ako

"Okay.. let's take a picture in 3..2..1.." sigaw ng photographer

Matapos kumuha ay tiningnan ko ulit si Y/N at panay talaga iwas niya ng tingin sa akin

San nga ba si Luis? Ba't wala siya dito?

"Congrats Paco!" pagbati ko at niyakap ko siya

"And to you too, Mrs. Marcos" sabay pag kamay ko kay Rosa

"Tama nga pala, ako'y uuna na kasi tinatawagan na ako ng trabaho. Pasensiya ka na talaga, babawi ako next time promise" paumanhin ko

Nilapitan ko na rin si Imelda para magpaalam

Alam kong hindi ko na mapilit si Imelda na sumama sa akin kasi alam ko naman gaano niya kagusto mag party, pala sayaw to eh

"Sweetheart, mauna na ako ha?" sabi ko at hindi ito umimik. Nako ito nanaman nagtatampo

"Imelda, my love, sorry na kasi. Kailangan kong bumalik eh. Trabaho" paliwanag ko

"Sige Ferdinand, mag ingat ka. Mukhang nag hihintay na si Dovie dun, kawawa naman pinaghintay mo pa" nagulat ako sa sinabi nito

Saan nanaman niya ito nakuha?

"Anong Dovie sweetheart?" tanong ko

"Sige na. If I were you, I wouldn't keep her waiting" at umalis din si Imelda. Nag walkout

Nagpapasuyo nanaman. Mamaya to sa akin

Kaya naman ay umalis na rin nga ako at habilin ko sa driver ng isang sasakyan na sundan parati si Imelda at paingat na ihatid

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon