1 message.
Fr: Jeje boy. :)
gUd MurNinG poewSzx.. ;)
6:58 a.m
Pagkabasa ko nun ay tumayo na ko atsaka nagpunta sa banyo para maglinis ng katawan.
Saturday.
Boring.
Nag reply naman ako sa text niya.
To: Jeje boy. :)
Morning. :)
Baka sakaling di ako mabored sa jeje na 'to kapag naka texx ko. Pagkatapos kong magpuyod ay bumaba na ako at nagtimpla ng kape. Nakita ko naman si Mama na paalis na, I guess maglalabada na naman ito.
" Asan si Jomak? " tanong ko kay Mama.
" Naku, di ka na nasanay. Sabado ngayon diba? Siguradong nasa labasan na yun at nakikipaglaro sa mga bata. " sabi ni Mama at kinuha na ang payong.
" Oh siya, kayo muna ang bahala sa bahay. Uuwi ngayon ang Kuya niyo kaya dapat malinis 'to ah. Uuna na ko. " sabi ni Mama at umalis na.
Pagkatapos kong magkape at magtinapay ay nagsimula na kong maglinis. Kinuha ko na yung tambo atsaka nagsimulang maglinis ng biglang tumunog ang phone ko.
Fr: Jeje boy. :)
nAg sMiLe kHa!! :D SnA gAnYan kHa nHa lNgsz lGeh.. ;)
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
To: Jeje boy. :)
Bakit? Nakita mo na ba? Leeeh. :p
Nagwalis walis na ko ng kalat pati yung mga kotse-kotsehan ni Jomak. Napaka kalat talaga ng batang yun. Tumunog na naman ang phone ko.
Fr: Jeje boy. :)
pNoh kHunG uu...? ;)
To: Jeje boy. :)
Ay grabehan! Ano ba kasing pangalan mo? Pag di mo sinabi, di na kita rereplayan. Hmp.
I'll try na i-block siya. Curious ako sa isang 'to eh. Siya, ang dami niyang alam sakin tapos ako wala. Jeje lang siya. Hehe.
Fr: Jeje boy. :)
hALahhH.. aGd nHa pHoe.. :)
At dahil di niya sinabi, labag man sa loob ko, di ko siya nirereplayan. Tingnan natin kung hanggang saan ka tatagal. Pagkatapos kong maglinis ay nagluto naman ako ng ulam namin ni Jomak. Saktong pagkaluto ko ang dating ni Kuya kasama na ang pawisan kong kapatid. Tsk tsk.
" Oh Jomak, magpalit ka muna ng damit baka matuyuan ng pawis ha. Tapos pumunta ka na sa kusina at nagluto na pala si Rica. " sabi ng Kuya ko habang nag aalis ng sapatos. Ginawa naman ni Jomak ang sinabi ni Kuya.
" Musta ang araw Kuya? "
" Ayun, sikat pa rin. Lalong mainit. " sabi niya at nilagay sa tubalan ang damit niya.
" Sige Kuya! Last mo na yan. Ha-ha-ha " sabi ko with sarcastic.
" Haha, ano bang masama sa sinabi ko? " -Kuya
" Ay ewan ko sayo! " sabi ko at naglabas na ng mga pinggan at baso. Tinulungan naman ako ni Kuya na maghanda ng pagkain. Pagkababa ni Jomak ay nagsimula na kaming kumain. Si Kuya na ang nag-prisinta na maghugas ng pinagkainan namin.
" Nga pala Rica, balita ko nagtatrabaho ka na? Alam mo bang alalang alala si Mama sayo nung di ka pa nauwi? " -Kuya
" Haha, Kuya talaga! Ewan ko diyan kay Mama, OA masyado. " sabi ko at tiningnan yung phone ko, may nagtext eh.
BINABASA MO ANG
Jeje Lovers
Short StoryHai. TaRah tecsz! esteh cmuLhan nHa nTeN ang sTorI ;) You love a person for who they are, not for what you want. By: PixieeeDust ★ @PixieeeDusty