Sobrang ingay na dito. Naghihiyawan ang mga babae. Ang mga lalake naman, They're checking us girls. Ugh. Eto ang ayaw ko sa mga ganitong event. Kung bakit ba naman kase napasali pa ko dito. Tapos eto namang mayabang na antipatikong lalaking to, walang ginawa kung hindi magsmirk sa akin. NakakaBV talaga siya. Uggggh! Gusto ko sana kausapin si Juls pero ang layo. Pinaupo kase kami sa magkakalayong pwesto. Looking at the other nominees. Halos barkada ko yung karamihan sa kanila. Yun ang ipiangatataka ko. Kase nung tinanong ko sila dati. Sabi nila hindi daw sila dito papasok. Psh. Mga lokong to.
"And this are the complete set of nominees for this year's fresh faces of the year!"
Bigla naman ako natauhan sa sinabi ni Ate Kim. Psh. Masyado pala ko napre-occupied ng antipatikong yun. He's really annoying.
"This is my favorite part of the event. The fresh faces of the year where we can interview and meet good looking freshmen! So Kim, Ano bang mga baon mong tanong diyan?"
"Of course madami akong dalang questions dito lalo na't mas magaganda at gwapo ang nominees natin ngayon. I think I suddenly forgot my boyfriend." After saying that. Biglang humagalpak ng tawa si ate kim. Hahaha. Sabi naman sa inyo makulit yan. Maluwag din turnilyo niyan sa utak e. Haha
"Whoa. Looks like Gerald should do something about that." Natatawang sabi ni Kuya robi kay ate kim. "But before that. I think we should start interrogating the new set of nominees. So freshmen!! Are you ready?!!!!" Sigaw ni kuya robi. Infairness kay kuya robi ha. Gwapo siya. Pwede! Hahaha
Sa sobrang lakas ng hiyawan at sigawan sa gymnasium. Feeling ko pwedeng lumindol any moment. Okay. Eksaherada lang. Haha. Pero di ko alam na malaki impact ng portion na to sa mga students dito.
"Okay then. Seems like everyone is excited to know this goodlooking people here including the higher levels of this university. With no further a do. Let's start the interrogation!!!!"
Interrogation?! Ano ba to? Parang yung sa Don't Lie To Me ng Star Talk? Lord. Help me please. Joke. Hindi ako dapat matakot. Wala naman ako tinatago.
"First Question, Sino sa inyo ang currently in a relationship or in other words, TAKEN na? Stand up" So talagang inemphasize yung word na taken? Psh.
Apat ang tumayo mula sa kinauupuan nila. And kilala ko sila. Siyempre friends ko sila. Yung isang couple humanda handa na sakin mamaya. May kasalanan sila sa akin. Hindi man lang ba sabihin sa akin na dito sila papasok?! Ugh.
"Whoa. Looks like madami pa rin ang single sa kanila kim!"
"Kita ko nga rob. May mata din ako! Ano akala mo ikaw lang may mata?!"
Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni ate kim. Napailing na lang na natatawa si kuya robi sa sinabi niyang yun. This is what I really like about ate kim. She knows how to make people laugh.
"Ikaw na Kim!"
"No Robi, Ikaw na!!!" With matching Tito Boy Abunda's Tone and Accent.
Natawa na naman kami kay ate kim. Tingin ko hindi matatapos ang usapang to pag si ate kim ng si ate kim ang nagsasalita. Hahahaha
"Okay. Enough. Haha. Tanungin na natin ang mga taken. Alam mo robi kilala ko mga to. Witness ako ng pagmamahalan ng mga batang to."
"How did that happen?"
"Schoolmates ko sila. And they're enchong's younger sister's friends"