Prologue: Too Late

85 3 0
                                    

"LAKAD pa tayo, ayoko pang umuwi pare," wika ko na hila-hila ang kamay ni Melissa, isa sa mga kabarkada ko, habang binabaybay ang kalsadang katapat ng school namin. Huling araw na ng pasok namin as high school students. Pero babalik pa rin kami sa school para sa practice for graduation na umpisa na bukas.

"Sige pare," wika ni Melissa sa akin na sumabay na rin sa paglalakad ko. Alam nito ang nabulilyaso kong pagbibigay ng love letter kay Nicole na kapangalan ko pa. Lalaki si Nicole. Nicole Oliver ang pangalan niya habang Nicole Katherine naman ako. Alam kong weird ang umpisa ng pagkaka-crush ko sa kanya. Nagsimula ang feelings ko for him noong second year kami. It was all because of his entry sa poster making contest at siyempre dahil sa pangalan niya. It kinda intrigued me for sharing a name with a guy at same spelling pa. Since then lagi ko ng inaabangan ang drawing ni Nicole Oliver sa bawat poster making contest na nangyayari sa school events namin.

Anyway back to nabulilyaso kong love letter confession. Hindi ako nakalapit sa kanya dahil sa babaeng epal. Si Nicole Kathryne na rumored girlfriend na nito. Hindi na kasi ito halos humiwalay kay Nicole Oliver na siyempre much to my chagrin. Kaya sa huli ay hindi ko na naibigay. Nanatili ang love letter ko para kay Nicole Oliver sa bulsa ko. Iiling-iling na kinapa ko ang bulsa ko. Napakunot-noo ako nang ma-realize na wala roon ang love letter ko. Kinakabahan na napatingin ako kay Melissa.

"Pare nawawala 'yong love letter ko kay Oliver."

Hindi sumagot si Melissa pero nakita ko siyang palinga-linga sa paligid.

"Balik tayo pare. Nakakahiya pag may nakapulot at nakabasa non," wika ko na walang paalam na hinila siya pabalik sa may simbahan. Doon kami lumabas kanina dahil sa bukas na side gate doon ng school namin.

I was frantically looking everywhere habang naglalakad when I stopped.
Kung minamalas ka nga naman.

Nakita ko ang dalawang Nicole na magkasabay na naglalakad at masayang nagtatawanan. The best part of all ay magkaholding hands pa.

"Pare ba-"

"Tara na pare," I said cutting Melissa's words bago pa man kami mapansin ng dalawang Nicole. But it was too late. I caught Nicole Oliver looking our way. My heart hurt. I was so hurt. Awtomatikong tumalikod na ako at walang lingon-likod na hinila si Melissa palayo roon.
Sa huli heartbroken lang uli ako.

================================================================
Ate Libera Rae's Corner:

This story was based on true story that happened to your's trulys high school life. The names of the people involved were changed for their identity's privacy.

Kung may mga kapangalan man po in real life ang mga characters ng story na ito. Rest assured na wala po silang anumang kinalaman dito.

At eto akong sumesegway dahil di pa kaya ni heart na tapusin ang HiMH. Hay...

Thank you for reading!!!

d(>_<)b

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remember When...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon