Chapter 5

11 2 3
                                    

October 21, 2013. Date of my last update..

April 9, 2015. Update ko ngayon.

EH DI WOW!


VOTE AFTER READ!


CHAPTER 5

 

Ugggh.. Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko ang bigat bigat. Pinilit ko na gumalaw pero sakit ng katawan naman ang naramdaman ko. Buong katawan.. Itataas ko sana ang kaliwang kamay ko pero may nakadagan kaya't napatingin ako sa gilid ko.


Si Troy..


Nakaupo siya malapit sa hospital bed na kinahihigaan ko. Nakapikit siya pero hawak niya ng mahigpit ang kamay ko..


Grabe. Ang gwapo niya. Kahit tulog parang nagpapacute pa rin sa harap ko. Bigla kong naalala yung nangyari kanina. 'Yung babae. Stephy ba un? Stephanie? Whatever. Sila siguro ang nagdala sakin dito sa hospital. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero baka magising siya, magkausap pa kami tungkol dun sa babae..


Unti-unting umingay ang labas ng kwarto ko, at parang may papasok na mga tao. Ipinikit ko ang mga mat ako at nagtulug-tulugan.


"Oh! Andito pala si sir Troy eh?" Parang kay Micoy na boses?

"Ssshhh! Wag ka maingay Micoy! Baka parehas pa silang magising eh!" pilit na bulong ni Ma'am Trisha.


Naramdaman kong gumalaw si Troy.. At bigla niyang binitawan ang kamay ko.


Hindi ko naman sinabing hawakan mo yung kamay ko tapos pag may tao na parang mahihiya ka dyan! -.-


"Trisha.. andito na pala kayo." sabi ni Troy, halatang nagulat.

"Ah kuya. Sorry ah. Nagising ka ba namin?" nag-aalalang tanong ni Trisha sa kuya niya.

"Si Micoy po sir Troy. Ang ingay eh." turo naman ni Ely.

"Hehe sorry sir! Pero ang sweet niyo po ah! Ayiee.." natatawa-tawang sabi ni Micoy.

"No, it's okay. Buti dumating na kayo. May magbabantay na kay Carla." Sabay tayo niya sa upuan..

"Aalis ka na kuya? May dala kaming pagkain.. Tska nagdala din ako ng extra shirt mo magpalit ka muna. Kahapon ka pa andito eh."


KAHAPON?! KAHAPON PA?! Anong petsa na ba ngayon??


"No, hindi ako aalis. I won't leave her here.. Kailangan lang daw ako kausapin ng doctor."


SHIT. Baka sabihin ng doctor yung kalagayan ko!


"Sir, bakit ba nawalan ng malay si Carla? May sakit ba siya?" tanong ni Micoy.


Lord!!!


Matagal bago sumagot si Troy.. Gusto ko na sanang gumising para piglan siya pero nagulat ako sa naging sagot niya.


"Wala. Wala naman siyang sakit.. Napagod ata siya sa work. 'Yun ang sabi ng doctor." malumanay niyang sabi.. "Si Aris nga pala? May kasama ba sa kanila?Kumain na ba yung bata?"


Ha? Hindi na-detect ng doctor ung sakit ko??


"Ahh, buti naman sir. Kala ko kung ano na eh. Opo, kasama ni Aris yung parang lola nila tska si James. Baka po maya-maya pumunta na din sila dito. " sabi ni Ely."Wag kayo mag-alala. Bantayan niyo muna siya dito babalik din ako agad." malumanay na sabi ni Troy.


"Okay kuya.."


Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko.. Hinaplos niya nang marahan ang mukha ko at sabay mahinang sabi...



"Aalis lang ako. Pagbalik ko, I'll fully understand your condition.."



 **

COMMENTS! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Pill [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon