Chapter 2

1.2K 40 10
                                    

"BOSS, tumawag po si Caloy. Isang oras pa daw po bago lalapag ang eroplanong sinasakyan niya." Naputol sa pag-iisip si Jaylord nang marinig ang sinabi ni Sixto.

"Salamat." Tinampal niya ang braso nito saka pumasok sa kuwarto at nagbihis.

Nakaramdam siya nang excitement habang nagbibihis. Pero napalis iyon nang maalalang hanggang tanaw nga lang pala siya sa dalaga.

Hanggang ngayon, wala siyang lakas ng loob para magpakilala dito. Wala na siyang oras, ikakasal na ito. Kaya dapat, isa sa mga araw na ito makipagkita na siya dito. 'Yon ay kung maalala pa siya nito.

Marahas na buntonghininga ang pinakawalan niya bago sinuot ang isang v-neck shirt, na hapit sa katawan niya, bago ang leather jacket na kulay brown.

Dinaanan niya ang telepono niya sa kama pagkatapos saka lumabas ng silid.

Nakahanda na ang ibang tauhan niya sa labas, animo'y sasabak sa isang labanan.

Well, iba na siya ngayon. Iba na ang mundong ginagalawan niya.

Isang negosyante ang umampon noon sa kan'ya. Labing-walong taong gulang siya nang makilala ang matandang Del Franco. Nang makitaan siya ng potensyal ng matanda, pinag-aral siya nito.

Coincidence, magka-apelyido sila kaya hindi ito nahirapan na ilipat sa kan'ya ang ilang ari-arian nito bago ito bawian ng buhay.

Nagsilbing inspirasyon sa kan'ya ang matanda kaya naging negosyante din siya. Nagtapos din siya ng pag-aaral. Banking and Finance ang kinuha niyang kurso. May kinalaman kasi sa finance ang negosyo ng matandang Del Franco. May sariling bangko din ang matanda na ipinamana din sa kan'ya.

Kalaunan, naging magaling siya sa larangan ng trading. Investments. Pera ang labanan. Isa siya sa magaling na trader sa Pilipinas. Halos digital asset ang tini-trade niya. Ilang beses na siyang natampok sa mga pahayagan at television.

May ilang programa din ang kompanyang hawak niya para mga baguhang traders. At ilang kompanya na rin ang gustong kumuha sa kan'ya noon, pero hindi siya pumayag. Namuhunan siya siyempre. Gusto niya, siya ang boss. May pera naman siya, kaya bakit siya magpapa-alila?

Kaya niyang kumita ng milyones sa loob lamang ng isang araw na trading. Sugal kumbaga. Isa yata 'yan sa asset niya. Kaya niya ding i-predict kung kailan tataas ang asset niya, pagdating sa mga digital assets niya, at kung kailan din ibebenta sa market.

Dahil gusto niyang may patutunguhan ang pera niya. Bumibili siya ng mga stock shares sa market ng ilang kilalang kompanya sa Pilipinas. Doon niya ini-invest. Kalat ang pera niya. At mula iyon sa sariling pagsisikap niya, hindi sa pera ng matandang Del Franco.

Pero may sarili siyang kompanya. Isang korporasyon. Farm, mining, resorts, restaurants, publishing, at malls. Iilan lamang 'yan sa napasok niyang uri ng negosyo. May ilang stocks din siya sa ibang kompanya sa iba't-ibang panig ng mundo, gaya ng US, Italy, Germany, at Canada.

Wala siyang pinoproblema kung pera ang pag-uusapan.

Dahil maraming naiinggit sa narating niya. Marami ang nagte-take down para mapabagsak siya. He was a threat, indeed. Pero hindi siya natatakot. Hindi na siya ang Jaylord na palaboy na umiiwas sa gulo. Kaya na niyang makipagsabayan sa mga ito. Ang dami na niyang natutunan sa buhay. Maging kung paano din lumaban, marahas man o sa matinong paraan.

Marami rin siyang koneksyon sa gobyerno na hindi aakalain ng mga ito. Kailangan niya kasing ingatan ang buhay niya. Mamahalin pa kasi siya ng babaeng hinihintay niya.

Napangiti siya sa isiping 'yon.

"May balita na ba sa AO?" tanong niya sa kanang kamay niya.

"Wala pa boss. Hindi pa bumabalik si Uno," sagot ni Sixto habang nakasunod sa kan'ya.

Dark Secret Series: Multibillionaire ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon