"Hoy! Seryoso ba? Totoo 'yan?" hindi makapaniwala at sunud-sunod na tanong sa akin ni Oreo. Walang imik at nakangiti naman akong tumango sa kaniya. "Shuta naman. Tinalo mo kalandian ko!"
Sumandal ako sa sandalan ng mono block chair at saka humalukipkip.
"Pero natatakot ako," sambit ko. Kinunot naman nito ang kaniyang noo sa sinabi ko. Itinungkod niya ang siko sa mesang namamagitan sa amin at saka ipinatong ang baba nito sa kamay niya.
"Saan naman?"
"Alam mo naman ang trust issue ko 'di ba?" tanong ko. Seryosong tumango naman ito sa akin. "Paano kung, kaya lang niya ako niligawan kasi nga nasa quarantine tayo? Boredom ganoon? Paano kung hindi naman talaga niya ako gusto? Gusto niya lang ng panibagong... alam mo na."
Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Parang maluluha ako sa daming what ifs sa utak ko. Nakatatakot.
"Parang hindi naman. Kasi imagine, kung boredom lang naman pala rason niya, bakit kailangan pa niyang dumayo rito? Eh noong pumunta rito 'yan, walang kakilala, tayo-tayo lang. Tapos bakit mo naman naiinisin magpakulong sa isang silid nang dalawang linggo? Para din malaman mo 'yan, you must try," payo nito sa akin. Napailing na lang ako dahil hindi ko maunawaan ang sinasabi nito. Napuno ng negativity ang utak ko kaya hindi niya iyon kayang tanggapin.
"N-nasaan pala siya?" tanong ko sa kaniya.
"You're too clouded. Nasa court siya, playing basketball," sagot nito habang nasa ere ang dalawang kamay nito. Napatampal na lang ako sa noo ko nang maalalang kasama pala namin ang lalaki kanina pero naghiwa-hiwalay nang ayain siya ni Sam para maglaro.
"P-pero paano kapag nanlalandi iyon?" I asked and about to stand up when Oreo held my hand. Umiling ito sa akin.
"Masyado pa kayong bago para mambabae iyon. I mean, hindi niya iyon magagawa." Hindi ko alam kung nawala ba ang kung anu-ano sa isipan ko sa sinabi ni Oreo. Naunawaan ko kasi ang sinabi nitong masyado pang maaga para mambabae si Blaze. Ibig ba niyang sabihin ay may balak ang lalaki? Laging magkasama ang dalawa kaya hindi malabong masabi iyon ng lalaki, hindi ba?
Napahinga ako nang malalim at umupong muli. Kahit madami akong agam-agam sa agaran kong desisyon ay hindi ko dapat ipahalata sa kaniya. Marami na siyang prinoblemang kadramahan ko sa buhay.
"Tinatamad na ako, hapon na kaya," angal ko nang mag-aya itong pumunta sa court, kasabay ng pag-irap ko sa kaniya. Ibinalik nito sa akin ang irap at sumandal sa kinauupuan.
"Si Hanah pala?" tanong niya. Nagkibit-balikat na lang din ako dahil maging ako ay hindi ko rin alam kung saan nagsusuot dahil hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga.
"Naglalaba pa?" hindi siguradong sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Pero hindi naman 'yon bumili ng powder kanina."
"Baka sumakabilang tindahan. Mag-overthink ka na." Pinanliitan ko ito ng tingin. Nag-smirk lang ito sa sinabi ko bago tumawa. "Mukha kang tanga."
Sinamaan niya ako nang tingin. "Nahiya naman ako sa iyo na literal."
It felt like tables have turned. Ako naman ngayon ang nakatingin nang masama sa kaniya dahil sa pagkapikon. Ito 'yong isa sa mga hinahangaan ko sa kaharap ko, he can easily turn tables.
Ngumisi ito sa akin na parang siya ang nagwagi. Nagsukatan kami ng titig hanggang sa siya mismo ang pumutol niyon sa pamamagitan ng pagtayo. Naglakad ito palapit sa shelf ng mga libro niya na may nakalagay na. Iilan pa lamang iyon dahil aniya ay nahihiyang buhatin nang sabay dahil magmumukha siyang pinalayas.
BINABASA MO ANG
Security In His Arms (Cogona Series #1)
Roman d'amourCorine Sakamoto was born in a family where they only sees her invisibility. Blaze Cullen Mendoza, a man who showered with love, completely contradicts Corine's life. Differences meet in a war against unseen. Found love against all odds. 11/28/21-02...