Makulimlim ang kalangitan, maambon nang imulat ko ang aking mga mata at siyempre malamig na temperatura ang aking nadama. Nakakatamad bumangon ngunit kailangan kong pumasok sa eskwelahan wala naman akong magagawa dahil baka may ipagawa na naman ang guro ko sa isang subject ayaw ko rin naman magkulang at bumagsak ang grado.
Simula nang mabasa ko sa facebook na kailangan ng matataas na grade sa card para makapasok sa isang university ay nag-ayos na talaga ako sa pag-aaral ko nangako ako sa sarili ko na magmomoving up ako ng grade 10 na with honors at natupad ko naman, kaya hanggang ngayon sinisipagan ko pa rin kahit nakakatamad magulo man ipaliwanag.
Inayos ko ang hinigaan ko at nagsuklay bago mag-asikaso ng almusal ko, pagkatapos ko namang mag-almusal ay nagsepilyo at naligo na ko.
Lumakas nang kaunti ang kaninang ambon lang I sighed with the thought na mababasa na naman ako at ang paa ko 'pag nag-commute kadiri rin kaya, ang mabasa ng tubig ulan ang paa while wearing a pair of socks is one of the things I don't like the most kadiri kasi. Pero nakaka-nostalgia talaga kapag umuulan maaalala mo kasi 'yung good old days tipong nakaligo at nakabihis ka na lahat-lahat tsaka pa lang masususpende 'yung pasok at syempre lulutuan ka ng champorado ng nanay mo 'tas ikaw tamang nood lang sa cartoon network.
Pero kahit grade 11 na 'ko hinihintay ko pa rin talaga ang suspension kahit alam kong imposible na, akala siguro nila waterproof kaming mga pang-umaga.
Nagbibihis ako nang biglang nagring ang cellphone ko sa ibabaw ng mini table, nag-chat si Deil friend ko since grade 8 at ilang taon ko na ring hindi nakikita.
Deil: G ka?
Me: Saan?
Deil: Coffee shop
Me: Gagawin doon?
Deil: kakain ng ice cream🙄
Me: eme...'di nga?
Deil: Kikita-kita tayo malamang tsaka magkakape may ice cream ba 'dun?🙄
Me: 'di ko sure
Deil: Basta naka-set na 'yun aayain ko na lang sila papayag naman mga 'yun mamayang uwian sabay naman labasan ng school natin.
Me: Gesii
Nilapag ko ang cellphone 'pagkatapos ko siyang replyan tsaka ipinagpatuloy ang pagbibihis ng uniporme. Nakakamiss maging junior high sa totoo lang napapaisip nga ako minsan what if hindi nag-pandemic? malamang na-enjoy at nasulit ko ang pagiging grade 9&10.
Nanatili lang ako sa bahay ng mga sampung minuto pa bago umalis. Humina ng kaunti ang ulan, basa na naman ang daan at paniguradong marami na naman ang mag-aagawan sa mga pampublikong sasakyan malamang isa na 'ko roon, may mas malapit namang paaralan saamin ngunit pinili ko na lang sa malayo 'yung tipong wala akong kakilala at matututo akong tumayo sa sarili kong paa, ilang taon rin akong natengga sa loob ng bahay kaya ok na rin 'yung nakakalabas labas ako ng comfort zone ko ok naman dahil kinaya kong mag-survive ng 5 months at nagkaroon ng bagong kaibigan sa bagong eskwelahan.
Mabuti na lang hindi ko kinailangang makipag-agawan dahil nagparaya ang isang mama na ako na lang daw ang sumakay imbis na siya dahil siya ang nauna, naisip niya siguro na estudyante ako at baka malate sa klase, simpleng pagmamalasakit pero nakakataba na ng puso.
Nakarating ako nang may kaunting kaunting minuto pa ang natitira bago mag simula ang first subject namin kaya nakahinga ako nang maluwag.
Dalawang subject muna bago mag-recess na minsan hindi nagiging recess saaking dahil sa mga kailangang ipasa, dalawang subject ulit sunod ay lunch tapos ng lunch ay tatlong subject sa kabuohan seven subject ang natatapos namin sa isang araw kahit 'yung iba 'di naman related sa strand namin at tig-iisang oras ang bawat subject kaya hapon na rin talaga kami nakakauwi.
BINABASA MO ANG
Secret Gem&I
Teen FictionNaniniwala ka ba sa horoscope? Sa mga zodiac sign? mga prediction about sa future? eh sa kapalaran o.... tadhana?! Azurein Julien Alovarde is a typical kind of bahay-school girl type, hindi naman siya puro aral...but puro din Kpop cellphone at zodia...