Chapter 20
"Lakas ng depensa mo dun Cha! Grabe!" Charles overreacted. "Ganito, pag di nanalo ang TVL pautangin mo nalang ako ng 1k.. tutal kasalanan mo din naman e"
"Pano ko naging kasalanan yun?" I unwrapped the ankle protector to change into slippers because it's lunch and we'll now eat "Wala ka bang ibang sport na pinapanood? Palagi ka andito ah"
It's the third day of Intrams. And we only lost 1 time. Binuhat ni Charles ang bag ko. Namalayan ko din si Andrew sa tabi ko na kinuha ang paperbag ng sapatos. Great. Instant male assistance. Akala mo naman di ako mas malakas sa kanila kung ipagbuhat ako.
"Sinusupport ko lang ang maganda kong kapatid" binobola ako ni Charles "Grabe yung spike mo dun Cha-Cha!"
Pinalo ko siya sa braso "Huwag mo ko tawaging Cha-Cha. Chachakalin kitang leche ka"
"Aray!" Napaka OA talaga ni Charles "Gago yung hampas mo malakas pa sa suntok ko. Kawawa naman yung bolang pinapalo mo"
I rolled my eyes "Mas malakas naman talaga ako sayo"
"Ate!!!!" Kumunot agad ang noo ko sa tumawag. I knew it was Yani. She's approaching us. What is she doing here? She's even on her uniform. Tinignan ko si Charles na nagkibit balikat lang.
"Ano namang ginagawa mo dito?" Ayun ang binungad ko sa kaniya.
"Papanoodin kita. Masama ba?" She said.
Tinaasan ko siya ng kilay "Wala ka bang pasok?"
"Half day ako hehe" lumingon sya kay Andrew at biglang parang naging mapanuri ang mata. Kumunot ang noo ni Andrew sa kanya.
Lumingon sakin si Yani and mouthed "Sino 'to?"
"Andrew this is our sister Yani. Yani this is Andrew my friend" Andrew waved at her boringly
Yani exaggerated her shock "Ang dami mo namang kaibigan!"
"Dalwa lang gaga" Inayos ko ang collar nya dahil magulo iyon
"Oo pero dalwang gwapo at mabango" Humarap sya kay Andrew "Hi Kuya Andrew! Kung hindi si Kuya Cal ang para kay Ate Charlotte, willing mo ba sya saluhin? Kailangan namin ng insurance policy, you know"
Hinampas ko din sya
"Aray!" Mas OA pa s'ya kay Charles "Ate hindi porket nagv-volleyball ka na uli hahampas na ka ng kung ano ano ah!"
Inirapan ko sya "Mag-lunch kami, sama ka ba? Nakakain kana?"
Sinabayan ko maglakad si Yani. She's grade 9 right now in my old school. But I suggest she should go to Westhills for Senior High because it's good here. The quality of education, the people, the environment, the ambiance.. it's all refreshing and happy.
"Dadating ba si Calvin? Last game mo na mamaya" Charles asked while eating. Ang last game ko mamaya ay ang inaabangan nilang TVL vs. STEM. D'on malalaman kung sino ang grand champion sa senior high.
Sana matalo si Charles sa pustahan
"Ate ang daming gwapo grabe" pinilit ni Yani na pahinaan ang boses niya pero malakas talaga at rinig na rinig naming tatlo
"Hoy batang bata mo pa Yani" Charles hissed
"Ano ba yan binulong ko na nga para hindi marinig ni Kuya e" reklamo n'ya.
"Hindi mo kaya bumulong gaga" I told her. She pouted and continued eating the food Charles bought us.
Charles is actually generous and caring but he's often misunderstood for his loud personality. He might be a little too protective maybe because he has a lot of sister and our father is not around.

BINABASA MO ANG
Constantly Recurring (Perpetually Series #3)
RandomCharlotte's past wasn't the best place she have been to. It causes her many emotional damage even though she might've appeared to be robotic at times. She wasn't exactly healed when she met Calvin. The walking yellow guy who always screams sunshine...