Kabanata 8

213 18 3
                                    

Tinanaw ko ang paglabas ng karwahe sa tarangkahan. Tuluyan na ngang umalis ang prinsesa. Hinanap ng aking mata kung nasaan ang kapatid ko ngunit hindi ko man lang siya natagpuan. 

Naging tahimik ang pag-alis ni Princess Nirvana sa palasyo. At kahit hindi naman kami gaanong nagkaroon ng interaksyon ay nagnanais akong bumalik siya agad rito. 

Dahan-dahang sumara ang tarangkahan hudyat na nakalayo na ng tuluyan ang karwahe na sinasakyan ng prinsesa. Nagdesisyon na rin akong umalis doon at ipagpatuloy ang aking pagbabasa. 

Masaya lang ang palasyo kapag nagkakaroon ng kasiyahan. Maingay, maraming tao, at maraming dapat gawin. Ngunit sa mga normal na araw ay siyang kabaliktaran nito. Tahimik at ni hindi mo matagpuan ang mga taong nasa loob kundi ang mga guwardiya lamang at mga kawal na palakad-lakad.

Ngumuso ako at dinuyan ang aking mga paa na bitin sa upuan habang nakapangalumbaba sa lamesang marmol. Narito ako ngayon sa hardin at dito naisipang magliwaliw pagkatapos magbasa. Kaaalis lang din ni Adina upang ikuha ako ng makakain. 

Dumaan sa harap ko ang aking panganay na kapatid dahilan ng pagkakatigil ko. Mabilis akong tumayo at yumuko bilang paggalang. Akala ko'y diretso lang ang lakad nito ngunit tumigil ito kalaunan.

"What are you doing?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tila sinusuri ako.

"Wala naman, Prince Caveri. Kakatapos ko lang magbasa at naisipan na rito muna magpahangin." Tumango siya.

"Do you still have books to read on?" nakagat ko ang aking pisngi at hindi siguradong tumango.

Humawak ako sa aking baba at pagkatapos ay binilang sa aking daliri kung ilan na nga ba ang nabasa ko. Ramdam ko ang tingin sa akin ng aking kapatid dahilan ng pagkakatigil ko. Maliit na nakataas ang gilid ng kanyang labi habang nakatingin sa akin. Hilaw akong ngumiti at kumamot sa aking ulo.

"You can go to my room and check the books in my shelves. Marami akong libro na tapos na rin basahin doon. Utusan mo ang iyong taga-silbi." Unti-unti ay nagkaroon ng ngiti aa aking labi at sunod-sunod na tumango.

"Is it okay to you, your Highness? That's your personal things. Kumukuha ako ng libro sa silid-aklatan ng palasyo kaya..." 

"You are my sister, Cresentia. I trust you. I know you will take care of it." Marahan nitong sabi.

Gumaan ang aking pakiramdam at dahan-dahan na tumango. Wala na siyang sinabi at bahagyang yumuko bago tuluyang umalis. 

Hindi sa akin malapit ang aking mga kapatid  ganoon din ang aking magulang. Ngunit ang mga ito ay malapit sa isa't-isa. Mula musmos pa lamang ay alam ko na kung ano ang dapat kalagyan. Siguro dahil ako ang pinakabata at ang nag-iisang babae sa pamilya bukod sa aking ina. Kaya hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sa kahit na sino sa miyembro ng aking pamilya.

Sinusubukan ko na magawang makausap pa rin sila kahit pa hindi naman kami halos magkita rito sa palasyo. Kaya ngayon, na nagkakaroon kami ng maayos na interaksyon ay kahit papaano ay napapanatag ako.

Naabutan ako ni Adina na nakatayo roon kaya agad niya akong pinaupo at pinaghanda ng pagkain. Naikuwento ko sa kanya ang pag-uusap namin ng prinsipe at tuwang-tuwa ito.

"Nakakahiya kung ako lang ang papasok sa silid ng mahal na prinsipe. Sumama ka na lang sa akin, Prinsesa Cresentia." Hindi kumbinsido si Adina na siya ang kumuha ng libro sa silid ng aking kapatid.

"Ang kapatid ko na rin ang nagsabi na maaari kang pumasok roon, Adina." Sunod-sunod siyang umiling.

"Mas mapapanatag ako kung ikaw ay sasama sa akin." Mukhang buo na ang desisyon niya na dapat akong sumama sa kanya.

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now