"Yna, please let's talk...let me explain"
Nagmamakaawang pakiusap ni Miko pero tuloy-tuloy lang akong naglakad, hindi siya pinapansin.
"Yna, I'm begging you.." tuluyan na akong napahinto ng hawakan niya ang kamay ko kaya napabuntong hininga naman ako at hinarap siya. Nasalubong ko ang mga malungkot niyang mga mata at nagmamakaawang mukha. But I stayed emotionless as I stared at him.
"Sige nga, paano mo ipapalusot na nakita kita na may kasamang ibang babae at magka holding hands kayo?" Sabi ko kaya napayuko naman siya
"S-she's just a fr-"
"Bullshit" sarkastiko akong tumawa "You promised Miko! You promised..."
Flashback
"Can I court you?"
Natigilan ako ng biglang itanong yun ni Miko. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang hawak-hawak niya ang magkabilang kamay ko. Kaming dalawa lang ang nandito sa garden ng school ahil sinabi niya sa aking may importante siyang sasabihin at hindi ko malaman kung bakit ako sumama. I usually ditch guys, where did my pride go?
"Yna??" He asked again.
"Pero, busy ako eh"
"Then I'll adjust for you..."
"Kaso kailangan kong mag focus sa pag-aaral at volleyball ko eh" I scratched my head
"Naiintindihan ko, and it's okay. I'll wait for you hanggang sa maging handa kana.."
"Strict ang parents ko"
"Edi magpapaalam ako"
"Pero-"
"Yna," singit niya "I'm willing to do anything for you if you will just let me. Promise, I'll be patient" he assured me with a smile kaya ngumiti narin ako "So, can I court you??"
"Are you really sure about this??" I asked
"100 percent" aniya kaya napatango-tango naman ako bago sinalubong ulit ang mga mata niya.
Hindi ako sumagot pero tumango ako kaya nanlaki ang mga mata niya at malalaki ang ngiting walang pasabi niya akong niyakap kaya nagulat naman ako pero hinayaan ko nalang din siya "Thank you Yna! You just made me the happiest guy in the world!" Aniya kaya ngumiti nalang ako at hinaplos ang likod niya saka kumawala sa pagkakayakap niya.
End of flashback
"I'm sorry...please forgive me, I can't lose you when I'm already this close to you"
"Ano ba ako, karera? This close? Seriously? Niligawan mo ba ako dahil gusto mo talaga ako o dahil gusto mo lang ipagbayabang sa lahat na ako ang girlfriend mo?"
"Yna, hindi ganun yun...gusto kita. Infact, I love you already!"
"Like that's gonna change anything...And please leave me alone now, let's pretend we never met"
"Pero hindi ko kaya-"
"Edi kayanin mo" matigas na sabi ko at iniwan siya dun. Nagpasalamat akong hindi niya na ako sa sinundan pero may parte parin sa aking nasasaktan. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kawalan para pilitin ang sarili ko na ayos lang ako.
"You're okay Yna. Like what that stranger said, you should move on" I convinced myself
Days, weeks passed, at hindi parin ako tinatantanan ni Miko. Pati mga kaibigan ko naiinis na sa kaniya. Muntik nanga silang mag-away ni Noeh eh kaso naabutan ko. I told my friends to just leave him alone pero shempre titigas ng ulo. Inaway panga