Chapter 5

4 1 0
                                    

Hindi na nawala sa isip ko na posible siyang lumapit dito mamaya at aalukin akong sumayaw. Naiimagine ko palang na sasayaw kami ay hindi na ako mapakali. Wala nanaman si Lars sa table namin dahil nandito rin pala ang kaibigan niya. Nababagok narin ako dahil nakaupo lang ako sa table at walang kausap dahil abala ang mga magulang ko sa pakikipag kwentuhan sa ibang bisita.


Inabala ko nalang ang sarili cheesecake bites sa gitna ng mesa. Mukhang wala namang kumakain kaya kinuha ko nalang yung buong plate. Umalis sila mommy at daddy kaya ako nalang ang natira sa table kumakain ng biglang may humila ng upuan at umupo sa harap ko kaya nagulat naman ako ng makitang andun nanaman siya.


"The dance will start any minute now, have you thought of it?" Tanong niya at inagaw yung cheesecake sa kamay ko at kinain yun.



"Siguro wala kang mga kaibigan noh? Ang annoying mo eh" sabi ko


"Ngayon lang ako nagkaganito, dahil sa 'yo" he casually said but to me pakiramdam ko nakalutang na ako ngayon sa mga ulap. Hindi nalang ako nagsalita at nakangusong kumakain ng cheesecake. Napatigil lang ako ng may maalala.


"How did you know my name?" Tanong ko kaya napatingin naman siya sa akin


"I asked the cashier. Suki ka raw dun eh" he chuckled. Napaawang naman ang bibig ko dahil tinanong niya talaga yung cashier doon sa Cimo's!


"But you don't my real name, ha!" Ngisi ko


"Yeah right Lallaina Blizz." Aniya kaya natigilan naman ako at natawa siya ng makita ang reaksyon ko at tumayo. "Will you dance with me?" Tanong niya at nilahad ang kamay niya. Hindi parin ako makapaniwala na nalaman niya ang buong pangalan ko pero may sarili atang isip ang kamay ko at tinanggap yung kamay niya at tumayo kaya napangisi naman siya at giniya ako papunta sa gitna.


The music was slow and melo as he placed my hand on his shoulder and the other one on his hand while his other hand held my weist. The electricity was tickling me pero hindi ko nalang pinansin yun at sinabayan siya sa pagsayaw. Nakakahawa yung ngiti niya kaya napangiti narin ako at umikot at nabunggo pa kami sa isa't-isa kaya parehas kaming natawa.


"We're so bad at this" aniya kaya natawa rin ako



Sa sandaling iyon, nakalimutan ko atang nandito rin pala ang mga magulang ko at saang sulok man ng bahay na ito ay nakatingin sila sa akin. Pero masyado akong nalibang sa pagsasayaw kaya hindi ko na inisip yun. The music changed and we started dancing our own way. We kept laughing at each other's dance move, lalo na nung nag moon walk siya at hindi siya marunong nun kaya malakas ko siyang tinawanan. We just had such a great time until a girl walked towards our direction and interrupted us.


"Quendrick, can I dance with you?" Tanong nung babae sa kaniya na para bang wala ako doon. Nawala naman ang mga ngiti sa labi ko at tumingin kay Quen.


"It's okay" I mouthed and he gave me an apologetic smile saka ako tuluyang umalis at iniwan sila dun.



Kanina lang ang saya-saya ko, tapos ngayon bigla nalang akong nawalan ng gana. Bumalik ako sa table namin at napabuntong hiningang umupo doon ng umupo si Lars sa tabi ko at nagbigay ng shake. Nag taka naman ako kung saan niya nakuha yun pero hindi nalang ako nagtanong at sumipsip sa straw.



"My crush is here" pagkwento niya kaya napabaling naman ako


"Oh, tapos??"


"I asked her to dance with me pero hindi siya pumayag" ngumuso siya kaya malakas naman akong tumawa "You're so mean!"


"Tsk, ako nga inagawan ng partner" I chuckled



My Greatest Adventure (BRKDA SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon