BARBI'S POV:
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig kay Lanz. Seryoso siyang nakatitig kay King habang sinasabi ang mga katagang, "Mahal ko si Barbara Dixon. At siya ang gusto kong pakasalan!"
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun sa harapan ni King at Savannah.
Lumingon siya kay Savannah at ngumiti. "Let's end this game Savannah," sabi niya.
Lalo akong kinabahan. Seryoso na ba talaga siya?
Tumingin si King kay Savannah at ngumiti tapos hinawakan niya ito sa kamay. "Nag-usap na kami ni Savannah. At nagkaayos na rin pala kami," Sabi niya.
Napasimangot ako nang tumingin ako kay King. Lumapit siya sa 'kin habang nakangiti. "Thank you, Barbi. Sa pagtulong mo sa 'kin," sabi niya sabay yakap sa 'kin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang akong hinila ni Lanz sa braso palayo kay King. "Tama na 'yan! Masiyado mo nang sinasakop ang buong mundo ko!" sabi niya.
Tumawa lang si King. "Relax... Sinabi ko naman sa 'yo nun 'di ba? Take care of your girlfriend or I'm the one who will take care of her for you," sabi niya habang tumatawa.
"Nakapag-usap na rin pala kami ni King. Okay na kami ulit. Alam ko na rin ang totoo na pinagseselos lang pala nila ako ni Barbi," paliwanag ni Savannah.
Ibig-sabihin ay inamin na pala sa kanya ni King ang totoo.
Napakunot-noo ako. "Kung gano'n... Paano si Lanz? Paano ang kasal niyo?" tanong ko habang matiim na nakatitig kay Savannah.
Biglang tumawa si Savannah. "Hindi totoo na malapit na kaming ikasal. Nagpanggap lang kami para pagselosin si King," sabi niya.
"Ano? Ibig-sabihin hindi totoong—" Tumingin ako kay Lanz at napakunot-noo.
Tumawa si Lanz at saka hinila ang kamay ko palapit sa kanya. "Ngayong alam mo na ang totoo hali ka na! Sumama ka na sa 'kin," sabi niya.
Tumatawa lang sina King at Savannah habang nakatingin sa amin.
Umalis ako mula sa pagkakaakbay ni Lanz at lumapit kay Savannah. Huminga muna ako nang malalim. "Totoo ba yun ha? Totoo bang hindi talaga kayo ikakasal ni Lanz?" tanong ko.
Natawa lang si Savannah at yumakap sa 'kin. "I'm sorry Barbi. Hindi ba nasabi sa 'yo ni Lanz kanina? Ang sabi kasi niya ay aaminin na raw niya sa 'yo ang totoo. Kaya nga mag-isa lang ako kanina sa cottage eh. Kasi umiiwas na siya sa 'kin. Sabi kasi niya nagseselos ka na raw," sabi niya.
Kaagad akong kumalas sa pagkakayakap sa akin ni Savannah at saka umiling-iling. "Huh? Hindi ah! Bakit naman ako magseselos sa inyo ni Lanz? Eh hindi naman kayo bagay. Ikaw maganda... Tapos siya pangit!" sabi ko.
Lumingon ako kay Lanz at bigla siyang tumawa dahilan para mapairap ako sa kanya. "Hindi talaga kami bagay— dahil mas bagay tayo," sabi niya.
Napaismid ako at saka muling umirap kay Lanz. "Ang pangit talaga ng trip mo sa totoo lang! Unang pagkikita natin heartache kaagad ang binigay mo sa 'kin!" sabi ko.
Lumapit si Lanz sa akin at niyakap ako nang mahigpit tapos ginulo-gulo niya ang buhok ko sabay halik sa ulo ko. "Sorry na Barbi. Ang totoo niyan ay pinagseselos ka lang din namin ni Savannah," sabi niya tapos nagtawanan silang tatlo ni Savannah at King.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ay tinulak ko si Lanz palayo sa 'kin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa inis. "Bakit kailangan mong gawin sa 'kin yun ha? Akala mo ba hindi masakit yung ginagawa mo? Kailan mo ba talaga ako seseryosohin, Lanz?" umiiyak kong sabi.
BINABASA MO ANG
Dear Chocolate Box
RomanceAng buhay ay parang kahon ng tsokolate. kapag natanggap mo, wala kang ideya kung ano ang nilalaman nito. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, handang lasapin ni Barbi Dixon ang pait ng mga pagsubok ng buhay makita at makasama lang niya u...