"'Ge, Brod... Una na kami. Maraming salamat sa alak!" tatawa-tawa pang sabi ni Bryle. Ang kahuli-hulihang bisita sa mga kaibigan ng kasintahan, graduation party kasi ni Rigo."Actually, Bryle... ikaw na lang mag-isa ang natitira. Nakakahiya naman sa'yo," biro niya.
Sinamaan siya nito ng tingin saka bumaling kay Rigo. "Alam mo, brod. 'Di ko alam ba't mo minahal 'tong sadistang 'to, e! Marami ka namang babae!" bubulol-bulol pa nitong sabi.
Abnormal talaga! Tsk.
"Tama na nga 'yan! Umuwi ka na!" pagtataboy ni Rigo kay Bryle, gegewang-gewang pa itong lumabas ng gate habang inalalayan ni Rigo, naghihintay naman sa nakabukas na pinto ng sasakyan si Manong taxi-driver. Napahalukipkip siya habang nakatingin sa dalawa.
"BYE SAAAAM!" Sabi pa nitong pasigaw. Naalala sigurong hindi ito nakapagpaalam sa kan'ya. 'Di na lang niya ito pinansin at nag-umpisa nang mamumulot at magligpit ng basura.
"Bigyan mo naman ng masarap na gabi itong kaibigan ko Sam!" sigaw pa nito habang nakadungaw sa bintana ng taxi, na ikinapilig na lang ng ulo niya.
"Tumahimik ka na nga!" pabirong ipinasok ni Rigo ang ulo nito sa bintana.
"Bye!" Kumaway siya saka bumalik sa pamumulot at pagliligpit ng mga kalat.
"Baby, bukas na 'yan," sabi ni Rigo habang pinupulot niya ang lata ng beer, hindi niya namalayang nakapalapit na pala ito sa kan'ya.
"Mas mabuti ng tapusin 'to kaysa sa naman ipagpabukas pa," sagot niya naman habang nilalagay sa plastic ang pinupulot na plastic cups.
"Hindi ka pa ba pagod? Eleven na, o." Saglit na tumingin ito sa wristwatch na suot.
"Hayaan mo na 'ko, Rigo. Nakakahiya sa Papa mong ganito ang dadatnan niya pag-uwi." Hinarap niya ang kasintahan saka hinalikan sa labi. "Mauna ka ng matulog. Love you." Agad siyang tumalikod pagkasabi niya noon.
Napangsinghap siya nang pumulupot sa beywang niya ang mga braso't kamay nito. "Tutulungan na kita maglinis niyan bukas," kumbinsi pa rin nito sa malambing na tono.
"Hayaan mo na 'ko. Okay lang naman ako, e. Hindi pa naman ako inaantok."
"Mapapagod ka niyan e," sabi pa nito na ikinatirik ng dalawang eyeballs niya sa kakulitan nito.
"Alam mo, Rigo..." kumalas siya sa yakap ng binata tsaka siya humarap."... tigil-tigilan mo 'ko sa kakulitan mo ha?!"
Napabuga naman ito ng malalim na hininga, naamoy niya ang naghalong amoy ng alak at toothpaste nito. "Fine. Tutulungan na lang kita," anito at nag-umpisa na ring mamulot ng kalat.
HALOS FORTY-MINUTES lang din ng matapos silang magligpit.
Pabagsak siyang nahiga sa kama ng kwarto ni Rigo. "Nakakapagod!" bulalas niya nang nakapikit. Nagulat naman siya nang daganan siya ni Rigo at mabilis na hinalikan sa labi.
"Ang bigat mo kaya!" Pinalo pa niya nang mahina sa balikat nito.
Humagikgik ito at binaon ang ulo sa leeg niya,umamoy doon pagkatapos ay hinalikan ang panga niya hanggang muling lumapat ang labi nito sa labi niya. May umawas na ungol sa labi niya nang kagatin nito iyon kaya napabuka nang kaunti ang labi niya. Kaagad na sinakop nito ang dila niya at mariing nilapat pang lalo ang mya labi nila.
Humigit-kumulang five minutes rin silang naghahalikan nang putulin niya ang halik. Magkadikit pa rin ang mga labi nila sa isa't-isa. Naramdaman niyang ngumiti ito kaya napangiti rin siya.
Binigyan niya siya ng smack sa lips saka tumayo. "Tara, inom tayo," aya nito habang hatak ang kamay ko.
Nagpatianod naman Samantha. Bumaba sila ng kwarto ng binata saka bumaba sa living room ng bahay. Pinaupo muna siya nito sa mahabang sofa saka pumasok ng kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong isang bote ng alak na galing Australia at isang bowl ng chirchirya at isang shot glass.
BINABASA MO ANG
RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)
General FictionFORMER TITLE: A SAPPHIST'S DESIRE WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! BE A RESPONSIBLE READER! •ENTRADA• Samantha Zalde's dream is to study at the university that she admired when she was still in high school. That's why when...