PT. 4

165 60 1
                                    

Elaine's POV

Gabi na nang mapasugod ako sa bahay nila Hanz. May isang assignment kase ako sa mathematics na hindi ko gets. Totoo talaga nun was, hindi ako nakinig. Ewan ko ba, kahit makinig man ako... Lutang pa din yung isipan ko.

It's been weeks na rin simula nung nagawa kong kalokohan.

"Hi po, nanay Tanya!" Pagbati ko sa mayoradoma nila si nanay Tanya nang makasakubong ko sa may entrada. Magsasarado na siguro ng bahay nang dumating ako. Epal lang haha.

"Good evening po, ma'am," she greeted back and bow after. For respect. Nakaugalian na nila yan, kahit ilang beses ko na silang sinaway na huwag na masyadong maging pormal. Hindi naman kami ang parents namin, na need ng atensyon for that kind of respect.

"Si Hanz po, nasaan siya?" Tanong ko, sabay taas ng tingin sa ikalawang palapag ng bahay.

"Nasa study ho ata siya ngayon, tatawagin ko po ba ma'am?" Naiilang na napangisi ako sabay wasiwas ng dalawa kong kamay.

"Huwag na po, hehe" kumunot ang noo niya, "Ako nalang po ang pumunta," nakakahiya naman kung uutosan ko pa siya, eh... Gabi na. Oras na ng pahinga. At kailangan din ni manang ng pahinga dahil marami na naman siyang ta-trabahuin bukas. For sure.

"Sige po, ma'am,"

Let me tour you at his house, I mean their house. Sila tito nga pala ang nagpatayo nito. Well, he's the only heir too, in his generation. Bata pa kase ang kapatid niya m I think graduating pa lang sa elementary. Nasa US nga lang pinag-aral. Siya naman, dito sa pinas. Hindi ko alam kung bakit hindi siya dinala sa US, pero siguro pinili niyang mag stay dito diba? Isa rin yun sa rason kung bakit parati siyang naiiwan dito dahil paratiw naman nakatuon ang atensyon ng mga magulang niya sa nakakababata niyang kapatid. Ako kase may mga kapatid, sila ate Ezra at ate Eren. May mga asawa na nga lang. Kaya wala na sila sa bahay. Anyways, nag asawa ang mga ate ko na hindi pa nakatapos, pero mabait naman ang husbands nila, at tinulongan silang makatapos. Even without the supports of our parents. I envy them.

Nakatayo ako ngayon sa may pasokan ng bahay. Sobrang laki ng space, you're like standing in a hotel's main entrance. Ang pinagkaiba lang is, sa pagpasok mo mismo ng puting double doors with golden knobs ng bahay nila ay, bubungad sa'yo ang malaki at ginintoang hagdanan. Pero hindi siya pure na gold lang ang hagdanan. It was paired with dark chocolate and mocha coffee colors to enlighten the place. Ang barandilya nito ay naibabagay sa kulay na tsokolate. Kahit ang mga muwebles ay uniporme ang kulay, from floors to walls. Then extract lines from different designs of walls and floors. Kahit sa kinatatayoan ko ay may nakaukit sa sahig na mga border frame leaves but highlighted with color brown and some chocolate colors.

But before you could reach the stairs. Dadaanan mo muna ang mini fountain nila, which has a strings of silver-like water. Ang nagsisilbing tinayuan ng fountain ay kulay chocolate din, nababagay lang sa mocha coffee floor. While the standee of the fountain itself with two floors storey was designed with gold and has bids of icy sculpted silver gems. Nakakaagaw pansin din ang tatlong malalaking chandeliers na kulay ginto rin, uniporme sa mga muwebles.

The huge stairs will appear as an only one way to the middle, pagdating mo sa gitna ay makikita mong nahahati ang hangdanan sa dalawa papunta sa magkabilang direksyon sa itaas.

Sa gilid-baba, makikita mo na nakabahagi na ang mga puwesto sa apat na bahagi. Sala, kusina, dining, lounge at sa tagong likod ay maid's pub.

Tinakbo ko ang hagdan pataas para puntahan si smart guy upang magpaturo sa math. Kase kahit anong titig ko dito sa kuwaderno kong may laman na assignment, wala talagang pumapasok sa kukuti ko.

Pagkarating sa itaas ay agad kong tinungo ang library, kung saan palagi naggugol si Hanz tuwing gabi bago matulog. Studious kasi yan, dinaig pa akong tamad talaga mag-aral.

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon