"Ano bang ginawa ko sayo para lokohin mo ako ng ganito? Binigay ko naman ang lahat kulang pa din?! Putang ina naman oh!!" sabi nung Girl habang umiiyak.
Hayy. Same scenes sa mga nagbe-break.
"H-hindi!! M-mali yung nakita m--" naputol si Boy.
"Eh anong tingin mo sakin bulag?! Tangina! Dalawang mata ko na yung nakakita! Wag mo kong gawing tanga!" Sigaw ni girl habang umiiyak. Yan.. maya maya lang break na yan.
"B-baby! It's not what you think!!"
"Tama na! Hiwalay na tayo! Bahala ka ba sa buhay mo." At ayun nag-walkout na si ate habang umiiyak.
"T-teka!!Bebang! Bebang!" Akala mo naman susundan niya talaga si Girl pero di naman. Best actress si Kuyaa. Palak-pakan. And Bebang? Kanto names. Hahaha.
At ayun nga, ngumiti pa si Kuya pagkatalikod niya. Looking so happy that they were not in a relationship, i mean, relationSHIT anymore.
Hayyyy. Mga lalaki talaga. Not that I'm always on the girl's side, it's just that kadalasan talagang nakikita ko mga lalaki ang nangloloko eh.
Isang break up na naman ang nawitness ko. Lagi naman.
Ang akala nilang happy ending yun pala sad ending. Ang akala nilang dream come true yun pala simula na ng nightmares nila.
Ang akala nilang prince charming yun pala
.
.
.
.
.
Ang taong magpapaiyak sayo ng sobra.Kaya sinasabi ko na sainyo eh. Walang forever talaga eh.Tsk tsk tsk. Lahat ng couples na nakikita ko nagbe-break din sila sa huli.
It's not that I've already experienced love, It's just that I've already witnessed a lot of heartbreaks and breakups making me believe to the famous hashtag ng mga bitter, ang '#WalangForever'.
Pero what if kung dumating ang isang araw na may lalaking makapagpababago ng pananaw ko...
Mananatili ba akong naniniwala na walang forever?
O..
Magiging isa na din ako sa mga taong maniniwala doon?
Possible or Impossible?
