KABANATA XIII

1K 71 54
                                    

A/N: Back to normal programming. This took me longer, when I could have updated this earlier. Blame it on tiktok  and Mama Meldy! She's so captivating and distracting! Anyway, I was able to fight it, so here we are

MARTIAL LAW 1945 EDITION - You don't mess with one Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos!

Please read end note

Enjoy reading!

Naghahanda na ng hapunan sina Imelda at Manang para sa pagdating nila Ferdinand

'Luningning ang iyong pangalan, tama ba?'

Tumango lang si Luningning ng nakayuko sa lamesa. Hindi ito mapakali sa kanyang kinauupuan

'Bakit ka pala sinundo nila Ferdinand?'

Nagkibit balikat lang si Luningning habang tikom pa din ang bibig nito

Napansin ni Imelda na hindi komportable ang dalaga

'Ilang taon ka na?'

Napatingin si Luningning kay Imelda ng umupo ito sa tabi niya at namangha siya sa magandang mukha nito

'Labing anim...'

'Bakit mo natanong?'

Napangiti na din si Luningning ng ngumiti sa kanya si Imelda

'Naaalala ko kasi sayo ang kapatid ko'

'Kaya pala... halos ka edad mo pala siya'

Nagsimula ng ma-relax si Luningning. Nakakapagbigay ng magandang pakiramdam sa kanya ang presensya ni Imelda

'Siguro kasing ganda mo din siya...'

Natawa ng mahina si Imelda

'Hmmmm... konti'

Natuwa si Imelda ng tumawa ng bahagya ang dalagita

'Manang! Amoy paborita ko iyan ah!'

Mahigpit na niyakap ni Ramon si Manang sa likuran habang nagluluto ito. Dumiretso naman sina Ferdinand at Ernesto sa lamesa

'Ano bang gagawin niyo Ferdinand at nandito itong si Luningning'

Muling yumuko si Luningning at nahiya ng tumingin sa kanya sina Ferdinand at Ernesto

'Gusto ko lang makilala mo siya...'

'Baka kasi gusto mo siya isama sayo sa paaralan...'

'Magturo din sa mga bata'

Napatingin si Luningning kay Ferdinand ng maluha luha

'Oo naman!'

'Mahilig ka ba sa mga bata?'

Nakangiting tumango ito kay Imelda

'Ito.... Handa na...'

Nasabik ang lahat ng inilagay ni Manang ang bowl ng nilagang baka

'Parang ang dami mo naman nilagay na karne Manang...'

Sabay sabay na nagtawanan ang lahat

'Si Ma'am Imelda kasi sir...'

'Pero dinamihan ko naman ang repolyo at petchay'

Dinlian lang ni Imelda si Ferdinand ng masama siya nitong tiningnan

Napuno ng tawanan ang kanilang naging hapunan sa mga kwelang kwento ni Ramon

'Mabuti Imelda natagpuan mo itong kaibigan namin...'

'Aba e, nakahanap na din siya ng katapat niya!'

You Will Always Be My HeroWhere stories live. Discover now