For today's ganap, pupunta kami ni Dave sa new School niya kasi gusto na raw niya mag-enroll. Kaga-graduate pa lang niya last week pero gusto na agad niya mag-enroll ngayon. Excited siguro siya sa high school life niya. Wala na rin naman siyang iintindihin pa kasi naipasa na naman niya ang entrance exam doon. Enrollment na lang talaga.
"Saan ba kayo pupunta?" tanong ko kay Donny habang inaayos ko ang laman ng handbag ko.
Since aalis nga kami ni Dave ngayon, aalis din sina Donny at 'yung dalawang bata. Sabi ni Donny, gagala raw sila pero hindi naman niya sinasabi sa 'kin kung saan sila pupunta. Aba, subukan niya lang dalhin sina Ino at Gabbie sa mga hindi pambatang lugar! Malilintikan siya sa 'kin!
Mula sa pagkakahiga sa kama ay bumangon si Donny at umupo. Tiningnan niya ang ginagawa ko. "Hindi ko pa alam, eh. Kung saan nila gusto."
Sinarado ko muna ang bag ko bago ako tumayo at tumingin sa kaniya. "O, basta, mag-iingat kayo, ha? Nato, 'yung dalawang bata!"
Ngumisi si Donny at mahina pa akong hinigit palapit sa kaniya. Hindi naman ganoon kalakas ang hila niya, nagpahila lang din talaga ako. Ahe!.
"Yes, Mommy, mag-iingat po kami. Mahirap palitan 'yung dalawang kids at mahirap din ako palitan kaya mag-iingat talaga kami."
Natawa ako sa sinabi niya at inayos ang magulo niyang buhok. Mahaba na ang buhok niya. Pipilitin ko na ulit siyang magpa-trim lang at 'wag magpagupit nang tuluyan.
"Puro ka kalokohan. Sige na, aalis na kami ni Dave."
"Ingat kayong dalawa, ha? Update me from time to time."
"Update mo rin ako. Kapag hindi mo ako in-update, papaluin kita pag-uwi mo."
"Saan?" bwiset na tanong ni Donny. Hindi man lang nasindak!
Umirap ako kaya tumawa siya. Sayang-saya talaga kapag naiinis ako, eh. Kapag siya, binato ko na naman ng remote ng TV!
Syempre, hindi naman ako pwedeng umalis na walang goodbye kiss sa maarte kong asawa. 'Yung goodbye kiss pa naman niya, akala mo literal na goodbye na, eh! 'Yung tipong hindi na magkikita kahit kailan! Kung hindi ko pa kinurot, hindi ako titigilan. Aba'y kumalma! Wala pang 3 years old 'yung bunso! Uy, may balak din! Charot!
Hinatid kami ni Donny hanggang sa labas ng bahay. Ayaw pa akong bitawan kahit noong nakasakay na ako sa sasakyan. Baliw talaga 'tong si Donny. Tinatawanan na lang tuloy siya ni Dave.
Bumusina muna ako bago kami tuluyang lumabas ng gate. Nakikita ko kahit sa malayo ang nguso ni Donny na abot na naman ng Batanes. Ang arte talaga! Daig pa 'yung mga anak niya!
Habang nasa daan, pina-check ko ulit kay Dave ang mga documents na dala niya. Na-check ko na 'yun kanina pero pina-check ko ulit sa kaniya ngayon para sigurado pa sa sigurado!
Malaki at malawak ang new School ni Dave. Parking lot pa lang, sobrang lawak na. Takot siguro maubusan ng parking space 'yung owner ng School na 'to. Kaloka! Pero maganda 'yung ganito. Hindi ako mahihirapan kung ako man ang susundo kay Dave.
Naunang bumaba ng sasakyan si Dave. Siya na rin ang may hawak ng mga documents niya. Ako naman, in-update ko muna si Donny na nasa School na kami. Nagreply naman siya na nag-aayos na raw 'yung dalawang kids. May pahabol pang mag-ingat daw kami dahil siya si Nato na mahal na mahal kami.