Chapter 57

325 32 57
                                    

Imelda POV

Gabi na nang nakauwi ako sa bahay at agad kong tinanong sa guwardiya kung andito lang ba si Ferdinand sa palasyo sa buong araw

"Yes po madam. Mukhang nasa study room lang buong araw. Hindi ko po kasi nakita ang presidential car na lumabas" sagot nito at tumango lang ako't nagpasalamat at tumungo na sa study room

Nakita kong papalabas si Ferdinand sa study room at nabigla nang nakita ako

"Oh sweetheart, hi! Ngayon ka lang ba nakauwi?" sabi ni Ferdinand at lumapit sa akin na may bating paghalik sa aking pisngi

"Ay oo, bago lang talaga" sagot ko

"Tulog na yung mga bata, pinuntahan ko bago lang-"

"I'm sorry kanina Ferdinand" sabi ko at inudlot ang sasabihin pa niya

Dali siyang bumalik sa study room

Gago ba to? Iniiwan lang ako agad

Ilang mga segundo ay ulit din itong lumabas

"Tinigil ko muna ang meeting sweetheart. Ano bang gusto mong gawin? Usap tayo?" anyaya nito sa akin

Mabuti nga kung mag-uusap kami kaya tumango na lamang ako at tumungo kami sa likuran ng palasyo kung saan may malawak na bakuran

Umupo kami sa upuan at nagkaroon ng katahimikan ng ilang oras

"Alam mo, lead ako ngayon among other candidates sweetheart" panimula nito

"That's good" ngiti ko lang

"Imelda-" sabi nito pero pinutol ko

"Look, Ferdinand, I'm sorry about the way I acted this morning. Kulang lang siguro sa tulog" paumanhin ko

"It's okay sweetheart, di ko naman dinibdib. Wala naman talaga akong ginagawa, nandito lang talaga ako buong araw" paliwanag nito

"I know"

"So, how was the wedding?"

"It was okay. I had fun. Ikaw? Anong pinag-uusapan ninyo ni Mr. Enrile?"

"Campaign stuff. Future political endeavors"

At patuloy na kaming nagkwentuhan

Nakakamiss ang ganitong buhay na nakakausap ko pa si Ferdinand ng ganito

Na kami lang dalawa

Siguro nga ay mali ang aking mga hinala. Na kinulangan lang ako ng tiwala sa aking asawa

Tumalikod ng tingin si Ferdinand at tiningnan ang orasan

"Alas 2 na pala ng madaling araw sweetheart, pasok na tayo?" anyaya ni Ferdinand

"Sige" at tumayo na kami

"Babalik ka na ba sa study room sweetheart?" tanong ko

"Sasabayan kita sweetheart pero magliligpit muna ako sa study room. Madali lang to, mauna ka na" sabi ni Ferdinand at nauna na nga ako sa kwarto

Pagpasok ko at nagriring ang telephone

Sino kaya ito?

Sinagot ko

"Hello?"

"Hello, sorry for the late call. Is Mrs. Marcos around?"

"This is she, bakit? Sino to?"

"Ay, Mrs. Marcos. Ito po yung private investigator na nahire niyo"

"Ay oo, bakit?"

"Mrs. Marcos, we found something.."

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon