It Is You From The Start

258 18 12
                                    


This is a work of fiction. No part of it must be copied with or without the knowledge of author. Events, names of characters, places, and such are originally from my mind. Nothing of this piece were copied. Plagiarism is a crime.

©APRIL2015

******


"Omygod! Tignan mo girl, may panibago akong stolen shot niya!"

"Waaaahh! Patingin naman!"

"Omo ang gwapo talaga! *-*"

"Mayu! Mayu! Tingnan mo to oh! Ang gwapo gwapo niya!! Hihihihi"

Syempre lumapit naman ako sa tatlong babaita kong mga kaibigan. Tinignan ko yung pinagkakaguluhan nila. Binigay naman sa'ken agad ni Phia yung iPhone niya.

Napatulala lang ako dun sa picture. Si Jico na naman?!

"Huy beh. Natulaley na siya"

"Di ko siya masisisi. Ahihihi"

"Gwapo talaga ni Prince Jico 'no? Ang hot pa! Papable talaga!" Halos kuminang na yung mga mata ni Lyka sa sobrang pagdeday-dream.

E potek! Wala na ba silang ibang crush bukod kay Jico?!


"O! Titigan nyo na ulit." poker face kong sabi sa kanila saka na ako tumayo at kinuha na ang bag ko.

"E? Ayan lang ba ang magiging reaksyon mo, girl?" tanong sa'ken ni Bettina.

"E ano pa ba dapat ang maging reaksyon ko?" pabalik kong tanong sa kanya.

"Ah walaaaa" sagot niya sa akin saka siya nagpout.

Lumabas nalang ako ng room. Alam na nung tatlong yun na sa canteen ako pupunta kaya hindi na nila ako tinanong pa.

Oo nga pala. Hindi niyo pa ako kilala. Ako nga pala si Mayumi Rose Forneloza-Alvaro.

Oo, hindi kayo namamali ng basa. Dalawa na ang apelyido ko. Yung last name ko simula ng ipinanganak ako at nagkamalay dito sa mundo eh ngayon ay nagsisilbing middle name ko nalang.

Gets nyo ba?

Tss. Inshort, kasal na ko. Kanino? Kay Mark Jico Angelo Alvaro. -- Ang lalaking tinitilian ng halos lahat ng babae sa school na 'to and worst, pati ng tatlong bruha kong kaibigan.

Saya di ba?

****

"Hoy! Gumising ka na. Male-late ka na naman niyan eh"

"Eeesshh! Five minutes pa"

Kinuha ko ang comforter at ibinalot sa buong katawan ko. Ayoko pang bumangon. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko. Gusto ko pang matulog. Gusto ko munang ituloy ang panaginip ko.

"Aish! Hindi pwede. Tayo na dyan! Bilis!"

Anak ng! Bakit ba napaka-istorbo ng lalaking 'to tuwing umaga?!

Biglaan akong bumangon at tumingin sa kanya ng masama.

"Bakit ba napakapanget mo tuwing umaga, ha?!" sigaw ko sa kanya.

"Tsk. Basta kumilos ka na! Dami pang sat-sat eh!"

Naiinis talaga ako sa kanya tuwing umaga!

Kanino? Edi kay Jico. Kami lang naman ang tao dito sa bahay NAMIN. Oo kami lang. Nagsasama na kami. So what naman? E kasal na kami. Civil pa nga lang. Saka nalang daw yung Church Wedding kapag may 18 years old na ko.

It is You From the Start (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon