SOFIA

1K 16 0
                                    

My Bang Buddy
Read this first ☝️ para mas maunawaan n'yo ang back story ni Sofia.

🌼🌼🌼

"Sofia!" tawag sa akin ni ate Bella. Bakas sa mukha n'ya ang gulat ng makita ako. "Bakit hindi mo sinabing ngayong araw ang uwi mo? Nasundo sana kita," pahayag ni ate saka n'ya ako mahigpit na yinakap.

"Ayaw ko namang makaabala ate tsaka kaya ko naman. Alam ko namang busy ka, hindi lang sa trabaho mo kundi pati na rin kay Shine," saad ko saka ko hinila papasok sa bahay nila ang dala kong maleta.

"Tita!" tawag sa akin ni Shine. Tumakbo s'ya papunta sa akin kaya naman kaagad ko s'yang sinalubong ng mahigpit na yakap. Pinaulanan ko rin s'ya ng halik sa mukha na ikinahagikgik n'ya.

Pag-alis ko ay ang liit n'ya pa pero ngayon ay tumangkad na s'ya. Ang bilis talaga ng panahon. She's now 7 years old.

"Ate," tawag ko kay ate Bella nang makita ko s'yang lumuluha habang may maliit pa rin na ngiti sa labi n'ya.

"Masaya lang ako na nandito ka na, Sofia. Siguradong masaya rin ngayon ang kuya mo dahil nakabalik ka na sa amin. I'm so proud of you Sofia. We're so proud of you." Umiiyak na pahayag ni ate Bella saka s'ya muling yumakap sa akin.

5 years ago ng mamatay si kuya Sandro dahil sa sakit nitong brain cancer. S'ya na lang ang nag-iisang pamilya ko matapos mamatay ang mga magulang namin sa isang banggaan. Akala ko hindi n'ya ako magagawang iwan katulad ng ginawa nina mama at papa sa amin noon pero nagkamali ako.

They left me behind. Pinagtulungan nila akong iwanan. Isa iyon sa nag-trigger sa sakit ko at depresyon.

"Nandito lang kami ni Sunshie, Sofia. Hindi ka namin iiwan dahil pamilya tayo."

Malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil kahit wala na si kuya ay hindi pa rin ako pinabayaan ng asawa n'yang si ate Bella. Nanatili s'ya sa tabi ko lalo na ng mga panahon na inaatake ako ng sakit ko.

"Thank you ate," tipid akong ngumiti sa kanya.

Mahigpit kong hinawakan ang maliit na kamay ni Shine na ngayon ay nakangiti nang matamis sa akin.

Sa murang edad ay nawalan kaagad s'ya ng ama. Hindi ko alam kung malinaw pa sa mga alaala n'ya si kuya pero hangga't nandidito ako ay ikukwento ko sa kanya ang magaganda kong alaala patungkol sa ama n'ya.

"Ate Bell." Isang baritonong boses ang narinig ko kaya naman kaagad akong napalingon at tiningnan kung sino ang lalaking nasa likuran ko.

"Mabuti naman at gumising ka ng maaga," pahayag ni ate Bella. "S'ya nga pala, Sofia, s'ya si Miko, first cousin ko. Miko, s'ya si Sofia, kapatid ng asawa kong si Sandro."

"Ahh s'ya ba ang tinutukoy mong pumasok sa mental hospital?"

"Miko!" May pagbabantang tawag ni ate Bella sa pinsan n'ya. "Pagpasensyahan mo na ang pinsan ko, Sofia." Baling sa akin ni ate Bella na halatang hiyang-hiya para sa pinsan n'ya.

"Okay lang ate. Magpapahinga muna ako sa kwarto ko." Paalam ko.

"Need some help?" Nakangiting tanong sa akin ni Miko. Hindi na ako nakasagot nang bigla n'yang buhatin ang maleta ko at iniakyat ito sa kwarto ko.

Pala desisyon ang lalaking 'to. Kaya ko namang buhatin ang gamit ko.

"Salamat," walang emosyon kong saad.

Ilang sandali pa kaming nagkatitigan dahil hinihintay kong lumabas s'ya sa kwarto ko. Bakit ba s'ya laging nakangiti? Bagay naman sa kanya dahil mas lalong lumalalim ang dimples n'ya pero hindi ko mapigilang mairita.

PECHAY SERIES | Side StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon